Chapter 54 GWYNETH's POV: (JANETH) NATUTUWA ako ngayon — dahil may isang tao ang handang tulungan ako para makamit ko ang hustisyang inaasam ko. Si Mr. Zeus, maimpluwensya siyang tao. Kaya malaki ang tiwala ko na magiging matagumpay ang pinaplano ko — upang magantihan ang mga taong nasa likod ng pagpatay sa akin. Babangon ako. At sisiguraduhin kong makukuha ko ang hustisyang sinisigaw ng damdamin ko ngayon. "So what's your plan? — Paano kita matutulungan, Gwyneth?" pagtatanong nito. Inabutan na rin kami ng liwanag — and until now — patuloy pa rin siya sa pagmamaneho. "I want to change myself, Zeus... Hindi ako makakakilos ng malaya kung ganito ang itsura ko," agad na sagot ko naman. Napatingin tuloy sa akin ang binata dahil sa aking tinuran. "You want to change yourself? — You me

