CHAPTER 53 MR. ZEUS POV: "Yes, Sheena.. Nakuha ko na yung mga prutas na inorder niyo kila Aleng Bebang... Ewan ko ba sa'yo, Sheena.. Ibang klase ang paglilihi mo. Gusto mo talaga yung nahihirapan ako... Pwede naman akong bumili ng prutas sa Manila pero pinili mo talagang papuntahin ako kila Aleng Bebang," saad ko sa kabilang linya habang nagmamaneho ako. Alas singko na nang madaling araw at nasa biyahe pa rin ako habang tinutungo ang daan pabalik sa Manila. Nakarating ako rito sa Sta. Elena para lang bilhin ang prutas na pinaglilihi ng pinsan ko. Naglilihi siya sa mangga pero ang gusto niya ay galing mismo sa puno nila Aleng Bebang na siyang yaya namin noon. Si Sheena, malapit na pinsan ko siya. We're so close to each other na halos ay magkapatid na ang turing namin sa isat-isa... Kay

