CHAPTER 52 GYWNETH's POV: (JANETH) Pakiramdam ko ay meron nang nalalaman si David na hindi nito masabi sa akin. Napaka-obvious ng mga kilos niya. Hindi ko lang magawang tanungin dahil ayoko ring magduda ang lalaki. Yung halikan namin kanina — hindi 'yon pilit. Pakiramdam ko ay nagising ang puso't diwa ko dahil sa halik na 'yon... Pero hindi... Hindi pwedeng magpadala ako sa mga galawan ni David. Alam kong isa siyang demonyo na may hangarin na masama sa akin. Kaya kapag sinabi ko ang totoo sa kanya — sigurado ako na siya rin mismo ang kikitil ng hininga ko. Hindi ko na nga pinahaba pa ang lahat. Hindi na rin ako nagreklamo sa halik na 'yon — dahil ginusto ko naman ang nangyari. Nang matapos ang araw nang pag-eenjoy namin sa swimming pool ay pagod kaming bumalik sa bahay. Ilang oras na

