CHAPTER 49 FAKE GWYNETH's POV: (LETTY) "Anong oras ka na ba nakauwi kagabi, David? — Hinintay kita. Hinintay ka namin ng anak mo. Pero dinapuan na kami ng antok kaya hindi na namin kinaya ang hintayin ka. — Ang tindi naman yata ng trabaho mong 'yan, inabutan ka ng gabi." Ito kaagad ang bungad na sermon ko sa lalaki nang magising siya. Nakaligo na rin ako at halos nagbibihis na ako para ihanda ang aking sarili. Alas nuwebe na kasi ng umaga kaya kinakailangan ko nang magmadali para makaalis na ako. Ngayong araw na mismo ang pagpunta ko ng Manila upang kunin ang limang milyong pera na pinag-usapan namin ni Janeth. Ito kasi ang napagkasunduan namin ng dalaga kapalit nang paglayo niya sa buhay namin ni David. Pero kung inakaala niyang ibibigay ko sa kanya ang limang milyon, nagkakamali siya

