CHAPTER 50 GWYNETH's POV: (JANETH) Si David, kakaiba ang kilos niya ngayon. Parang ang saya ng awra ng mukha niya na hindi ko maintindihan. Yung nangyari kagabi, alam kong dala lamang nang kalasingan ang mga sinabi niya kaya hindi ko na ito masyadong inisip pa. Pangalawang beses na kasing nangyari ang pagiging gano'n niya kaya hindi na rin ako nagulat pa sa kanyang inasta. But this time na matino na siya, medyo palaisipan na rin sa akin ang galaw niya. Tila naging masaya ang mukha ni David nung umalis ang inaakala niyang asawa niya — na sabihin na nating — kakampi nito sa kanyang mga plano. "Daddy, where's mommy?" tanong ng bata na tila nagtataka ito kung bakit hindi niya makita ang presensya ng babae. Kung sabagay, hindi na nga nag-aksaya ng oras ang impostor na magpaalam sa bata

