“Warren!” Sabik na napatakbo papalapit si Anastasia sa asawa niyang kakauwi pa lamang mula sa ospital. Halos dalawang linggo rin itong abala at halos sa tawag na lamang sila nagkakausap, at nahahalata niya sa tinig nito ang matinding pag-aalala nito para sa kaibigan nito. Ngayon na nagising na si Vladymir ay maaari nang umuwi-uwi si Warren at ipanatag ang kalooban nito. Sinalubong siya ng maalab na halik ng lalaki. Halatang nangulila rin ito dahil sinubukan talaga ni Anastasia na huwag itong masyadong abalahin sa trabaho nito. “Sobra mo ba akong na-miss, hmm?” nambubuskang tanong nito. Inirapan niya ito. “E ayaw mo kasi akong hayaan na mag-stay sa opisina mo, e. Magaling kaya ako maging secretary,” saad niya. He chuckled and embraced her. “Ito naman... Alam mo naman na kapag nasa

