“Go to the boutique now, love, okay?” masuyong saad ni Warren bago siya hinalikan. “I just need to make an important call. Susunod kaagad ako.” Tumango siya bago naglakad papunta sa tindahan ng mga damit. Warren was left beside his car, calling someone, probably his father. Malapit na rin kasing mag-holiday season kaya naman abala ang kanyang asawa sa pago-organisa ng iba’t ibang mga programs at events na may kaugnayan sa Saavedra Medical. Ilang linggo na rin ang lumipas simula noong umamin si Warren sa kanya. It did not affect the way they see each other, as far as she can tell. Mahal na mahal niya pa rin ito at sa bawat araw na nagdaraan ay ramdam niya ang alaga at sinseridad sa mga kilos nito. He really made sure that she will never feel like everything about them was just a lie. P

