“Wake up now, sleepyhead,” masuyong bulong ng kanyang asawa na dahilan para maalimpungatan si Stacy mula sa kanyang pagtulog. Nang dumilat siya ay ang mukha ni Warren Saavedra ang unang bumungad sa kanya. Napalinga siya sa paligid.
Kuwarto? Nasaan ako?
“Nasaan tayo?”
“In our new home. Hindi na kita ginising kahapon kasi parang pagod na pagod ka.”
Oh, geez. Now she remembers everything. Ikinasal nga pala siya kahapon sa klosetang damuhong ito na nasa harapan niya na kung makaarte ay akala mo sweet na sweet sa kanya. Bahagya siyang napalayo at nag-iwas ng tingin. Bakit ba anlapit-lapit ng mukha nito sa kanya? Hindi tuloy ako makahinga. Putragis, Anastasia, kumalma ka nga!
“Bakit mo ako ginising?”
“Well, babalik na ako sa Saavedra Medical as the medical director so hindi ba, mas maganda na ipakilala ko ang asawa ko sa mga staff ko?” malambing na sabi nito.
Ganoon pa man ay hindi nagpaloko si Stacy. Panigurado na nagkukunwari lamang ito na sweet sa kanya upang hindi niya mapansin ang totoong motibo nito. Ang maitago ang tunay nitong kasarian.
“By the way, princess,” pukaw nito sa atensyon niya. “Nagustuhan mo ba ang itsura ng bago mong kuwarto?”
“Bagong kuwarto? Akala ko nasa iisang...”
“No, I actually requested the architect to give us adjoining bedrooms. Baka kasi hindi ka komportable na katabi ako sa higaan. But don’t worry, in case you want to sleep beside me, buksan mo lang ‘yong pintong ‘yon,” saad nito sabay turo sa pinto na nasa tabi ng kanyang kama. “I’ll be in the next room.”
Paano naman kasi siya hindi makukumbinsi na bakla ang kanyang asawa? Maliban sa maalam ito sa mga gamit na pangbabae at fashion, kahapon pa sa kasal nila ay hindi siya nito hinalikan sa labi kahit na nasa harapan pa sila ng pari. May pilantik ang bawat kilos nito. At ngayon pa nga ay ayaw nito na makatabi siya sa loob ng iisang kuwarto kaya nagpagawa ito ng adjoining bedrooms.
“Hey, princess. Are you even listening? O baka naman gusto mo akong katabi kaya parang nakabusangot ka ngayon?”
Akmang lalapit pa ito sa kanya nang hambalusin niya ito ng unan. “Heh! Pumirmi ka nga! Susunod na lang ako sa baba, magtu-toothbrush lang ako at maliligo.”
“Ayaw mong samahan kita?”
Inirapan niya ito. Ang galing talaga umarte nitong damuho na ito, sa isip-isip niya. Tumayo siya at kumuha ng tuwalya mula sa kabinet. Suon niya pa rin ang wedding dress niya. Dumiretso siya sa banyo at bago niya pa maisara ang pinto ay narinig niya pa ang tinig ni Warren.
“I’ll wait for you downstairs, my princess.”
Just in case her suspicions are true, Stacy’s not mad with the fact that Warren is gay. She is furious with the fact that he used this marriage for convenience ruse, used her and her situation, to hide his sexuality. Naiintindihan naman ni Anastasia na may iba’t iba tayong kasarian ngunit ang ayaw niya lang ay ang pagpapanggap nito na gusto talaga siya nitong tulungan kahit na ang totoo ay gusto lamang nitong itago ang tunay nitong pagkatao.
She let the water kiss her skin as she got drowned in her thoughts. Putragis. Bakit ba parang halos lahat na lang ng tao sa paligid niya, may hidden agenda sa kanya? Kailan ba siya makakakilala ng isang lalaki na mamahalin siya nang walang nakatagong motibo?
Nang makababa siya ay nasasamyo niya ang mabangong amoy na nanggagaling sa niluluto ni Warren. Nang mabungaran niya ito sa napakalaking kusina ng mansiyon ay may suot pa itong hot pink na apron at may hawak na sandok. Napasulyap ito sa kanya at awtomatikong napangiti. “O, upo na, Stace. Malapit nang maluto ‘to.”
Sinunod niya ito at naupo sa may kabisera. Mayamaya pa ay naglapag ito ng isang malaking pinggan na may pork fried rice na laman. Nakahain na rin sa lamesa ang isang pitsel ng orange juice, itlog, at sausages. Kinuha ni Warren ang pinggan at hinainan siya.
“Kumain ka nang marami, ha?” He chuckled. “Next time, puro gulay tayo. Masama ang puro processed food. And besides, it’s our first day as husband and wife so dapat lang na hainan kita ng sausage at itlog.”
“Ha?”
“Wala…”
Jeez, Stacy! Huwag kang magpapaloko! sawata niya sa sarili. Medyo nahuhulog na naman kasi siya sa mga titig ng ginintuang mga mata nito na halos maningkit na sa pagkakangiti. Bahagya pang lumalabas ang biloy nito sa pisngi na kahit sinong babae talaga ay mahuhulog. She sighed and started to eat heartily. Baka mamaya, kapag tinitigan niya pa ito nang tinitigan ay mas lalo pa siyang magoyo.
Mayamaya ay nag-ring ang smartphone nito na nasa lamesa. Hindi man natitigan ni Stacy ay nakita niya ang naka-display sa caller ID niyon. Isang pangalan ng lalaki. Was it Vlad? She was not so sure about it, but Warren quickly stopped eating and took his phone.
“Excuse me for a while, princess…”
Tumayo ito at sinagot ang tawag. Talagang nagpakalayo-layo pa ito, doon sa may puwesto kung saan hindi niya maririnig ang pinag-uusapan ng mga ito. But while observing her husband’s movements, she deduced that he was sick worried of something. Hinilot pa nito ang sentido at may sinabi bago tinapos ang tawag. Bumalik ito sa hapag at mabilis na tinapos ang pagkain nito. “Ayos ka lang ba, Warren?”
“Ugh, yeah,” tila nag-aalangan na sagot nito. “Some work came up. Can you eat a little bit faster, princess?”
Hindi na siya sumagot at tumalima na lamang sa pakiusap ng kanyang asawa. Umiral tuloy ang natural na pagkatsismosa ni Anastasia. Naku-curious siya kung sino ang lalaking tumawag, at kung anong relasyon nito kay Warren na tila alalang-alala ito.
Nagbihis lang ang kanyang asawa at pinaghintay siya sa loob ng Mercedes Benz nito. Nakasuot na kasi siya ng simpleng bestidang kulay asul na binili nito sa kanya at naglagay ng kaunting makeup at pabango. Hindi naman kasi maarte si Stacy at hindi pa siya masyadong sanay na gumamit ng mga cosmetic products sa kanyang mukha.
Napalingon siya sa driver’s seat nang sumakay roon si Warren. Nakasuot na ito ng asul na long sleeves at itim na slacks. Nang mapansin nito ang kanyang suot ay mahina itong natawa. “Match-matchy pa tayo, Stace.”
Inirapan niya lang ito. Ngunit tila ayaw talaga siyang pakalmahin ng universe dahil nagtama muli ang kanilang mga mata. Dahan-dahang umangat ang kamay ni Warren at naglandas iyon patungo sa kanyang pisngi. Hahalikan niya ba ako? Holy s**t, holy s**t, holy s**t! pagwawala ng kalooban niya. Tila may sariling isip ang kanyang mga mata na unti-unting pumikit ang mga iyon, tila may hinihintay na mangyari.
“Lampas lipstick mo, Anastasia. Jeez, next time, call me first, okay? I’ll gladly teach you how to put it on.”
Sa pagkadismaya ay nagsumiksik na lamang siya sa kanyang kinauupuan. Teka, at bakit ka naman nag-aasam na matikman ang lips ni Doc, aber? tanong niya sa sarili. Sa pagpupuyos ng kanyang damdamin ay hindi siya umimik hanggang sa marating nila ang Saavedra Medical. Inalalayan pa siya nito na makababa at nang papasok na sila ng ospital ay hindi nito binitawan ang kamay niya. Kinikilig man ay talagang pinigilan ni Stacy na mapangiti. Panigurado kasi na for show lang ang ginagawa nito.
Magiliw na binati si Warren ng kanyang mga staff. Habang ipinapakilala siya nito sa mga staff nito ay hindi niya mapigilang hindi mapansin ang mga titig ng mga ito sa kanya. Malapit nang manliit si Anastasia sa sarili nang mapansin ang pamilyar na grupo ng mga nurse na siyang nag-alaga sa kanya noong naka-confine siya sa ospital.
“Miss Stacy! Nagbalik ka,”maluha-luhang turan ng isa. “Akala namin hindi ka na babalik, e.”
Natatawa na nilapitan niya ang mga ito. “Matagal lang ang surgery. Pero wala naman akong balak na mamalagi sa ibang bansa.”
Tumikhim si Warren. “Isa pa, kailangan naming bumalik dito para magpakasal. Anyway, De Vera, Sanchez,” turo nito sa mga kausap niya. “Kayo na muna bahala sa asawa ko. Where’s Mr. Krasny?”
Itinuro ng mga ito ang emergency room. Kaagad na pinuntahan ni Warren ang silid habang siya naman ay dinala ng mga nurse sa nurses’ station. Pinaupo siya ng mga ito sa isa sa mga upuan doon. Hindi toxic sa ospital noong mga oras na iyon at wala masyadong ginagawa ang mga ito kaya naman nagkaroon ang mga ito ng panahon na usisain siya.
“Miss Stacy, may something pala kayo ni Doc noon? Akala namin concerned lang siya, e. Gano’n kasi ‘yon madalas kapag VIP ‘yong pasyente.”
Natatawa na nag-iwas siya ng tingin. “Hindi ko rin inakala, e. Ambilis ng pangyayari.”
Luminga-linga muna ang isa sa mga kausap niya bago bahagyang lumapit at pabulong na nagsalita. “Alam mo ba, Miss Stacy, usap-usapan kaya dito sa ospital na bakla ‘yan si Doc.”
Kunwari ay hindi niya alam ang sinasabi nito na nag-usisa siya. “Bakit naman?”
“Alam mo ba, Miss Stacy, no girlfriend since birth ‘yan si Doc. Tapos ang palagi lang kasama e ‘yong mga kaibigan niya na mayayaman din tapos single,” saad ng isa. “Tapos, kapag tinatanong namin kung may balak ba siyang mag-girlfriend o kaya kung anong tipo niya sa babae, palaging sumasagot na hindi raw siya interesado sa gano’n. Kaya ayon, marami na ring mga nurse dito ang sumuko sa pagpapantasya sa kanya. Hindi naman namin inakala na ikaw pala ang makakasungkit sa mailap naming Doc Warren, Miss Stacy!”
“May tsismis naman na babaero raw ‘yan si Doc kaya ayaw magpatali,” gagad naman ng isa. “Pero kasi, sa itsura pa lang, alam mo na na maraming papaiyakin ‘yan si Doc, e.”
“Hoy, gaga, antabil ng dila natin! Baka isumbong tayo ni Miss Stacy sa asawa niya!”
Natatawa na umiling si Anastasia. “Hindi, ‘no. Pero at least, alam ko na kung paano ko babantayan ang asawa ko.”
Lumipas ang ilang sandali at nainip na nang tuluyan ang dalaga. Tumayo siya at nagpaalam na magtutungo sa banyo ngunit iba ang landas na tinahak ng mga kanyang mga paa. Pumasok siya sa emergency room dahilan para abutan niya si Warren na isinusuot ang white coat nito habang ang tinukoy naman nitong ‘Mr. Krasny’ ay nagsusuot ng pang-itaas. Sabay na napalingon ang mga ito sa kanya.
“O, Stacy, anong ginagawa mo rito? Hindi ka ba natatakot sa dugo? You should not be here, princess.”
Napakunot ang noo ng ginagamot nito. “’Princess’? Kailan ka pa nagkaro’n ng girlfriend, Warren?”
“She’s actually my wife, moron.”
Ngumiti ito at iniabot ang kamay sa kanya. Sinalubong siya ng asul na mga mata ng kaharap. “Call me Vlad, Mrs. Saavedra. I’m Warren’s acquaintance.”
Tinabig ni Warren ang kamay nito at sinamaan ng tingin. “Get out of here, guard dog. And also, don’t forget to come back, you dumbhead. Baka bumuka ‘yang tahi mo, so don’t do anything stupid.”
Vlad chuckled and stood up. “Napaka-protective naman nito. E ikaw nga ‘tong naglilihim sa amin. Anyway, I have to go. Someone’s waiting for me. See you again, Warren! You too, Mrs. Saavedra! Have a nice day.”
Pansin niya ang ningning sa mga mata ni Warren habang pinapanood nito na maglakad palabas ng ospital si Vlad. Naiiling na binalingan siya nito. “That moron. He’s the youngest among us, so I really have to look out on him. Keeps on getting into troubles. Anyway, are you bored, my princess?”
Ngunit lumilipad ang isipan ni Anastasia. Her malicious mind keeps on asking, what really is the relationship between the two? Bakit parang ang ganda ng ningning ng mga mata ni Doc kanina? Is he really a closet queen?
“Stacy, are you even listening?”
“Ha?”
“Tulala ka na kasi. I was asking you if you want to eat now. Hindi naman masyadong hectic ang trabaho ko ngayon so I guess I can spend time with you.”
Sumang-ayon na lamang siya. Ngunit alam ni Stacy na hindi matatahimik ang kanyang isipan hangga’t hindi ito nakokompronta. She just wants to know. She wants to confirm it.
Are the rumors true? Is Warren really a closet queen?