VII

1822 Words
Napatulala na lamang si Warren nang makita si Stacy na papalabas mula sa hotel room nito. Ngayon ang araw ng kanilang simple at munting kasal kaya naman hindi siya nag-abala na magsuot ng magarbong tuxedo. Sa katunayan nga ay nagsuot lang siya ng puting long sleeves, itim na slacks, at balat na sapatos habang simpleng bestidang puti na may balloon na skirt naman ang sa dalaga. Ngunit ngayong nakita niya na ang kanyang mapapangasawa ay tila nais niya nang magsisi na isang private wedding lamang ang naihanda niya.  Stacy looks so beautiful in that simple wedding dress, a fact that Warren would not deny. Kahit kailan naman ay hindi niya kinonsidera na pangit ang dalaga. He likes her simplicity, but in order to get back at his twin brother, he has to teach Stacy how to dress properly. Ngunit kung siya lang naman ang tatanungin, ay hindi na nito kailangan pang mag-ayos ng todo dahil hindi naman ito pangit sa paningin niya.  Tumikhim siya at nag-iwas ng tingin nang mapansin na nakatingin din ito sa kanya. Hinagod niya ang kanyang batok at namulsa. “Are you ready?” Ngumiti lang ang dalaga at tumango. “Yeah. Shall we?” He offered his arm to her and she gladly accepted it. Bago nila marating ang Mercedes Benz niya ay mabilis niya itong sinulyapan. “Anyway, you look wonderful today, princess.” Mahina itong tumawa. “Nambola ka pa. Yeah, same to you. You look dashing too. ” He softly laughed and opened the door of his car. Inalalayan niya na makasakay ang dalaga sa loob bago lumigid at sumakay sa driver’s seat. He took a deep breath and attached his seatbelt.  So this is really happening, huh? sa loob-loob niya. Timothy Warren Saavedra, one of the oldest bachelors of X. The man who was never fond of the idea of getting married, on the way to the chapel to marry a girl he barely knew. A girl that keeps on messing with his head for months now.  Nang mapansin na tila nahihirapan ang dalaga sa pagkakabit ng seatbelt nito ay umusog siya papalapit at ikinabit iyon sa dalaga. Ngunit sa isang maling galaw ay naging ilang pulgada na lamang ang pagitan ng kanilang mga labi, mga mata ay nagkatitigan. Pareho silang napalunok nang bumaba ang tingin ni Warren sa mamasa-masang mga labi nitong wala man lang bahid ng lipstick. It was as if he was hypnotized, he slowly moved closer, and closer, and closer…  “Warren, ano, may… bumubusina na ata sa atin…” Napatikhim siya at kaagad na napalayo. “Uh, yeah. Sorry for that. My… mind drifted away.” Jesus, Warren! You idiot! inis na bulyaw niya sa sarili habang nagmamaneho papalabas ng parking lot ng hotel. Can’t you just freaking wait until you both get married, you impatient dork? Naging tahimik ang loob ng sasakyan habang bumibiyahe sila. He wants to silently curse himself for making the atmosphere awkward for the two of them. Above anything else, he wants this agreement, this marriage, to be a comfortable one for Stacy. Hindi niya mawari kung bakit ngunit desidido siya na kuhanin ang loob nito at pagsilbihan ito. Is it out of guilt that he’s using her for his own plans? Or is it something else? “Where do you want to eat after the ceremony? I already booked for a five-star restaurant but you might want to eat somewhere else,” pambabasag niya sa katahimikan.  Tipid lang na ngumiti ang dalaga. “Kahit saan, okay na ako, Doc.” “Any plans? Or is there something you might want to do after the ceremony…” pangungulit niya pa. “No, I’m good. Diretso uwi na lang.” He sighed. Great, Warren. Way to go on killing the atmosphere. Tahimik na lamang niyang itinuon ang atensyon sa kalsada hanggang sa marating ang chapel sa loob ng isang private garden kung saan niya napagdesisyunan na ganapin ang kasal. It was a literal shotgun marriage and he did not have the time to prepare for a grand one, after focusing on Stacy’s surgery and recovery. Isa pa, baka kasi hindi komportable para sa dalaga na magkaroon ng isang malaki at engrandeng kasal kung saan maraming mga tao ang manonood dito na maglakad patungo sa altar.  Nang makaharap sa pari ay inayos niya ang polo niya at tumango roon, habang tahimik lamang si Stacy na naghihintay ng mga susunod na mangyayari. Hindi niya mawari ngunit nakaramdam siya ng inip habang may binabasa ang pari na kasama sa seremonyas ng kasal. Tumikhim siya at kinuha ang atensyon nito.  “Pasensya na, Father, pero puwedeng do’n na tayo sa wedding vows?” tanong niya. Nang makita ang nagtatakang mukha ni Stacy ay muli siyang tumikhim at ngumiti. “Excited na po kasi akong… makasal.” Jeez, Warren! sawata niya sa sarili nang mapansin na naningkit ang mga mata ng pari. Tumawa na lamang ito habang naiiling na binalingan si Stacy. “Ayos lang ba ‘yon sa’yo, hija? Mukhang mahal na mahal ka nitong mapapangasawa mo.” Naaasiwang ngumiti ang dalaga. “Oo nga po, Father, e.” Sumunod naman ang pari sa kagustuhan niya. He started to recite his vows in front of Stacy, his eyes locked on her face. On her expressionless face. How he wishes to see an emotion painted in them… “I, Timothy Warren Saavedra, take you, Maria Anastasia Consuelo, for my lawful wife, to have and to hold from this day forward, for better, for worse, for richer, for poorer, in sickness and in health, until death do us part. I will love and honor you all the days of my life.” "I, Maria Anastasia Consuelo, take you, Timothy Warren Saavedra, for my lawful husband, to have and to hold from this day forward, for better, for worse, for richer, for poorer, in sickness and in health, until death do us part. I will love and honor you all the days of my life,” tila wala sa loob na saad ng dalaga.  The priest then blessed the wedding rings, giving each of them one silver ring. Isinuot ni Stacy ang singsing sa kanyang daliri habang pinagmamasdan niya ito. Hindi niya mawari kung bakit ang walang kaemo-emosyong mukha nito ay nagdudulot ng sakit sa kanyang dibdib ngunit nagpatuloy pa rin siya sa pagsusuot ng singsing sa daliri nito habang binibigkas ang ring vows na kanila pang kinabisado.  Ilang sandali pa ang lumipas at nagsalita ang pari sa kanya, “You may now kiss the bride.” Nang marinig ang mga katagang iyon ay hindi masawata ni Warren ang tindi ng kabog ng kanyang dibdib. Nang harapin niya si Stacy ay ilang beses pa siyang napalunok bago hinawakan ang pisngi nito. He got lost into her dark brown eyes, anticipating for his next move. Her face remained calm and stoic, as if… No matter how tempted he was, Warren’s lips landed on Stacy’s forehead, to the clear dismay of her. Habang pinagmamasdan ang mukha ng dalaga ay hindi niya magawang gamitin ang pagkakataon na iyon upang tikman ang mga labi nito. Isa pa, nakapinta sa mukha nito na tila hindi talaga ito interesado sa kanya. He does not want to take advantage of their marriage to make her do things that are against her will.  Natapos ang seremonyas na wala man lang umiimik sa kanilang dalawa. The atmosphere gets even more awkward as Warren drives to the five-star restaurant that he has mentioned to her earlier. He silently watched her as she ate the dishes, both avoiding to talk about the ceremony.  Pero bakit nga ba biglang nag-iba ang pakikitungo nito sa kanya? Parang kahapon lamang ay kaswal pa sila habang magkasama. Nahihiya ba ito ngayong napagtanto na nito na kasal na sila at mag-asawa sa harap ng batas ng Diyos at ng tao? O baka naman napagtanto nito na hindi pala talaga nito gustong sumang-ayon sa mga plano niya? Either way, Warren did not try to bring it up. Baka kasi mas lalo pang mailang ang dalaga sa kanya at tuluyang mawalan ng pag-asa ang kanilang pagsasama. Nang pabalik na sila pareho sa bahay na titirahan nila pareho ay hindi na niya mapigilan ang sulyapan ito nang paulit-ulit. Nakasandal lang kasi ang ulo nito sa bintana at walang imik, tila wala sa mood. Warren reached for her hand but instantly stopped. Pinanatili na lamang niya ang kanyang kamay sa manibela bago tumikhim. “Are you alright, Stace? Is everything fine?” Tango lang ang tanging naisagot nito. Warren sighed and rubbed his neck. “Kung inaantok ka, you can sleep now, my princess. Papauwi na rin naman na tayo sa bahay. I’ll wake you up when we get there.”  Hindi na ito umimik. Mayamaya pa ay naririnig niya na ang mahinang paghihilik nito. He stopped himself from glancing at her and drove to their new home. Baka hindi siya makapagpigil at… Nagpakawala muli si Warren ng isang malalim na buntong hininga. Mukhang magiging mahirap para sa kanya na tuluyang kuhanin ang loob nito. But at least, Stacy’s his wife now. His plans are now in motion.  Nang marating ang kanilang bagong titirahan ay tulog pa rin ang dalaga. Papadilim na sa labas dahil Setyembre na at mas mahaba na ang gabi kaysa sa umaga. Hindi na niya sinubukan pang gisingin ang asawa. Pagka-park niya ng sasakyan sa garahe ay pinangko niya ito at dinala sa ikalawang palapag ng bahay nilang medyo may kalakihan para sa kanilang dalawa. Binuksan niya ang pinto na katabi ng kanyang silid at inilapag ang katawan nito sa ibabaw ng kutson. Adjoining bedrooms ang ipinagawa niya dahil baka hindi komportable ang dalaga na makatabi siya kaagad sa higaan ngunit ngayon ay tila nais niyang pagsisihan na ganoong setup pa ang ipinagawa niya. His wedding night would definitely be terrific, because he will spend it in a different bedroom while his bride is fast asleep at the next room. Marahan niyang hinaplos ang buhok ni Stacy habang pinagmamasdan ito na matulog. Bahagya siyang napangiti nang mahina itong umungol, na tila bahagyang naalimpungatan. Ngayon tuloy ay natutukso na siya na tabihan ito at yakapin hanggang sa makatulog  na rin. Ngunit pinigilan ni Warren ang sarili. Ayaw niyang isipin ng dalaga na sinasamantala niya ang lahat ng tulong na naibigay niya rito. He respects her and her decisions and he wants her to be comfortable, at least.  But his demons were stronger than his self-control that he saw himself placing a soft and short kiss on her lips. Masuyo siyang ngumiti at marahang hinaplos ang pisngi ng dalaga bago inayos ang pagkakahiga nito at kinumutan. “Don’t worry, my princess. No one can hurt you now. You’re safe with me, I promise.” 
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD