LIV

1511 Words

Hindi na namalayan ni Warren na nakatulog na pala siya sa study desk niya habang binabasa ang mga medical records ni Stacy at ng ina nito. Mukhang namana nito sa ina nito ang sakit nito. Ang tanging hindi niya lamang maintindihan ay tila may mali sa clinical autopsy ng ina nito. Nakasaad sa autopsy ng ina nito na asphyxiation ang ikinamatay nito ngunit cancer naman ang nakalagay sa medical certificate ng namayapang si Mrs. Consuelo. Nang itawag niya naman sa kanyang ama ang natuklasan ay hindi raw nito alam ang tungkol doon dahil si Adrian Consuelo ang humawak sa kaso ng asawa nito at hindi na raw napagtuunan ng pansin ng matandang Saavedra ang tungkol doon dahil sa pagiging abala sa ospital at sa negosyo. Bahagya siyang nag-inat-inat at naglakad pabalik sa silid nilang mag-asawa. Tulog

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD