Nakatingin lamang siya sa kawalan nang maramdaman niya ang pagyakap ni Warren sa kanya mula sa likuran. He kissed her hair and snuggled her close to him. Hindi niya magawang magsalita. She was overwhelmed with disappointment that she could not even say anything to him. She felt like she failed again as his wife. That she failed on making him happy again. “Stace...” “I’m sorry, Warren,” mahinang bulong niya. “Sorry...” Mahina itong tumawa. “Bakit ka nagso-sorry? Stacy, magkakaanak pa naman tayo, e. Kung hahayaan mo lang na alagaan kita, gagaling ka pa. Promise. Huwag ka nang malungkot, o... Aalagaan kita, pangako ko ‘yan.” “Kasi...” garagal ang tinig na panimula niya. “Pakiramdam ko, nagiging pabigat ako sa’yo... Na hindi ko nagagampanan nang maayos ‘yong mga tungkulin ko bilang asawa m

