XLI

1583 Words

Kaagad na napakunot ang noo ni Warren nang makita ang pigura ng asawa na naglalakad sa pasilyo ng ospital, naka-coat at may bitbit na mga paper bags. Kaagad niyang nilapitan ito at hinila upang halikan sa labi. “Anong ginagawa mo dito, hmm?” tanong niya. “Where you off to somewhere else?” Umiling ito at ipinulupot ang mga kamay sa braso niya. “Dinalhan kita ng damit. Tsaka binisita na rin kita. Baka mamaya nambababae ka lang, e.” Mahina siyang natawa. “Gan’yan ka ba talaga sa asawa mo? Pinapalayas mo na ba ako?” Napanguso ito. “Ito naman, na-miss lang kita, e...” “Isang gabi pa lang tayong hindi nagkakasama, Anastasia.” Inirapan siya nito. “E ‘di huwag! Ikaw na nga ‘tong sinusuyo, ikaw pa ‘tong nagsusungit.” Malambing niyang hinapit ito sa beywang at hinila papalapit. “Joke lang nam

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD