Chapter 7

2246 Words
Sir Santi's message woke me up. Fudge. Pupunta nga pala kami sa San Diego mamaya. He texted the new place where he will wait for me, isang commercial building. Hindi naman kalayuan sa bahay kaya ayos lang. We settled for 5 PM dahil iyon ang oras ng uwian namin ngayon. San Diego is near, a forty-minute drive lang. Napapagitnaan lang kaming taga San Sonriente ng dalawang malalaking syudad. San Clemente naman iyong medyo may kalayuan. "Ma, gagabihin po ako mamaya." Sambit ko habang nagsusuot ng sapatos. "Bakit anak? Sige, basta magtetext ka ha. Hanggang alas otso lang." Tumango lang ako at hinagkan siya bago lumabas. Agad kong nakita si Emma na naghihintay sa labas. Binati ko siya at sabay kaming pumunta sa school. Deby and Sonya didn't go with us, half day kasi sila ngayon. Ewan ko nga kung bakit. Kumaway lang ako kay Emma nang naghiwalay na kami. When I entered the classroom, Hestia smiled at me. Ngumiti rin ako sakanya pabalik bago umupo sa pwesto ko. We were just waiting for our P.E teacher. Hanggang Wednesday lang naman ang schedule ni Sir Santi sa'min eh. After P.E, Allison, Rius and I started preparing for our report in Math. "Ganda talaga ng sulat oh, ginalingan masyado!" Puri ni Rius habang tinutulungan akong idikit sa board ang cartolina. Allison was setting up her laptop. Inartehan ko kasi yung pagsulat. I even did calligraphy in every title, wala lang, to make it more soothing in our eyes. Agad kaming umupo ni Rius sa bakanteng upuan sa harap. Allison started discussing, and wow, she really has a lot of confidence. The way she delivers the information were very clear. Ang bawat salita niya ay may conviction kaya hindi ka talaga mabobored. Kailan kaya ako magiging ganyan? Even if I am comfortable with my classmates, I still get anxious when reporting in front. Napuno ng tawanan nang makita namin ang slides na ginawa ni Rius. Gago talaga, puno iyon ng memes na uso ngayon sa social media. May anime, pinoy at iyong sa amerika. Ang daming alam! "Here's your individual grades, you've done a very good job! That was very entertaining." Our Math professor uttered with a smile as she gave us her evaluation. "Thank you, Ma'am!" Tugon naming tatlo. We huddled up to take a peek at the index card. "Naks naman! Highest!" "Masyado naman nating ginalingan!" Nag apir kaming tatlo. We got 95! Grabe, first time. What do we expect from the top one? I was never good at math, ever. Sinali pa nga ako ni Mama sa nauusong MTAP noong elementary mauuwing bobo rin naman ako pagdating sa highschool at college. Shuta. Sayang pera. Dismissal na namin at hindi ko maiwasang kabahan. Bakit ba ako pumayag? Why does he have to find a place? Hindi naman kasi kailangan planado lahat, nakakainis din 'to si Sir eh. Dapat natural lang at simple, bakit? Kaya niya bang panindigan ang pagiging bongga kapag nagtagal sila? Baka kapag itinigil niya ay maninibago si Hestia. But whatever. I marched my way out of the school and went home to change my clothes. Naabutan ko namang nagluluto ng hapunan si Mama habang nanonood ng telebisyon si Rene. Agad akong nagbihis at nag-ayos, I only wore comfy clothes, black jogger at crop top lang. Nang matapos ay pumara na ako ng trike para pumunta sa commercial building na tinutukoy niya. I immediately saw him standing outside looking so good, as aslways. Nilapitan ko siya nang makababa sa trike. "Mano po." I reached for his hand. Agad niya namang inagaw ito. "Willow! Stop teasing me." Masungit niyang sambit at sinamaan ako ng tingin. I burst out laughing. Umirap lang siya at pumasok sa isang garage, then I saw his car. Tinted na ito! Ang bilis. Natigilan ako nang may pumasok sa aking isipan. My face heated up when nasty thoughts started flooding my mind. Ang laswa, Willow! Tigilan mo 'yan! Day by day, my mind's getting dirtier. This isn't good. Sumakay ako doon at agad na nagpatugtog. Syempre, para iwas awkwardness! Matagal-tagal din ang byahe kahit papaano. It was Lonely God's Malboro nights. Parang magroroadtrip naman kami! I don't wanna go to school tomorrow I can't study thinking about you And you know I always do I don't wanna go to sleep tonight When I can stay up thinking about you And you know I always do "Marlboro nights.." We both sang that made me stop. Nilingon ko siya nang nanlalaki ang nga mata. Oh my god! I wasn't expecting him to sing along! "Alam mo pala 'to?! Naks naman, Sir!" I exclaimed, smiling widely. He smirked at me, "Of course. Why wouldn't I?" "Akala ko kasi yung pang 90s lang ang alam mo eh. Yung I want it that way.. tell me why!" Pang-aasar ko na mukhang epektib naman dahil nalukot agad ang mukha niya. Pikonin din si Tanders eh. "Stop treating me as if I'm so old. Makes me sick." He snarled. "Ikaw kaya nagsabi. Kung titingnan nga mukha kitang tatay eh!" I joked. Akala ko ay mapipikon siya pero bigla siyang ngumisi. "You better start calling me 'Daddy' then." May ibinulong siya na hindi ko marinig dahil sa music, I tried to ask him but he would just grin and shrugged it off. Tangina, baka minura ako ni Sir? I was in awe when we stopped at a native filipino restaurant. Ang ganda! Sobrang nostalgic ng kabuohan nito. The exterior was a long and big hut, mas lalo akong napanganga nang makapasok kami. Parang nasa taon kami ni Jose Rizal, ganon ang ambiance at itsura ng interior nila. Even the staffs were wearing traditional clothes pero hindi iyong magarbo. "Grabe, Sir.. ang ganda dito! Matutuwa talaga si Hestia!" I commented as my eyes lit in amusement. Nagulat ako nang hinila niya ang paupo. "Hala, kakain tayo? Akala ko titingnan lang. Wag na, Sir. Mukhang mahal." Ngumiwi ako at pinigilan siya, but he insisted and pulled a chair for me. Wala na akong nagawa dahil baka magalit siya at iwan ako dito. "It's part of it. We need to taste the food." He then called the waiter. Hindi ko maiwasang maglaway nang makitang specialty pala nila ang sisig. But of course, I was just eyeing it. Ginto ang presyo, putsa. Tatlong daan sa isang plato ng sisig? Tangina. Uuwi nalang ako sa Sonriente at kakain sa karenderia doon. "You want that?" He said, pertaining on the Sisig I was eyeing. Agad namilog ang mga mata ko at mabilis na umiling. "Huh? Hindi! Hindi! Ikaw na mag desisyon." Nahihiyang tugon ko at inilapag ang menu. "We'll take one serving for this too. Salamat." He pointed at the Sisig. Biglang nagningning ang mga mata ko, bait ng lolo niyo! I sneered when he wasn't looking. Dapat iyong inoorder niya ay mga posibleng gusto ni Hestia. Does she even like filipino cuisine? I mean, she's chinese so.. but hey, who wouldn't like filipino dishes anyway? Kaya sure akong magugustuhan niya 'to. Sana. "Sir, masyado ka nang nag-aaksaya ng pera. Dami mong inorder, final na ba 'to? Dito mo na siya dadalhin?" Dumapo ang tingin niya sa'kin. He wasn't wearing any expression, blanko lamang ang itsura niyang nakatingin sa'kin. "It's not a waste of money if it's food. Kaya ubusin mo kung ayaw mong maghugas ng plato dito." He smirked. "Wag naman, Sir!" Hinampas ko nang pabiro ang kamay niyang nakapatong sa lamesa. Holy cow, his hand was soft. Ano ba 'yan, Willow! "I'll decide after we taste the food." Pinal niyang wika. Wala na akong nagawa kundi ang manahimik ang hintayin ang pagkain. Halos tumulo na ang laway ko nang unti-unting nagsidatingan ang mga pagkain. May adobo, pancit, dinuguan, at iyong sisig. Tangina, ang dami! "Hindi natin 'to mauubos, Sir! Dalawa lang kaya tayo. Ang dami nito!" I eyed the foods. Narinig ko naman ang mahinang tawa niya. Sounds like music to my ears. "We'll bring it home. Let's dig in." Nagsimula na siyang kumain. We were eating quietly, ang gaan ng pakiramdam ko. There was no tension or awkwardness in between those silence, we were both minding our business while eating. Nakakagaan sa pakiramdam. Nakakagaan ng pakiramdam kapag siya ang kasama ko. Natawa pa ako nang nandiri siya bigla sa dinuguan. "Eh, ba't mo inorder kung ayaw mo naman pala?! Yaman mo rin, ano?" Umingos ako at sumandok ng Dinuguan. "Curious lang ako. Ngayon ko lang kasi nakita. I thought it was just soy sauce, talagang dugo 'to?" Hindi makapaniwalang tanong niya. "Oo, dugo ng baboy. Yung iba nga laman ng loob sinasahog! Try mo pa, masarap 'yan. Wag mo nalang isipin." I placed the dinuguan near his plate. Mukhang nagdadalawang isip pa siya kaya ako na mismo ang sumandok at naglagay sa kanyang plato. He was about to react but I smiled at him. Mas lalong lumawak ang ngiti ako nang unti-unti na siyang nasanay sa lasa. Tumango-tango pa ako habang pinapanood siya. Ang cute ni Sir! "'Rap no? Gulat ka nalang paborito mo na pala 'yan." Tumaas baba ang kilay ko. He just rolled his eyes and continued eating. Wala man lang siyang say sa dinuguan. Syempre hindi mawawala ang panghimagas. Halo-halo! Kahit sobrang busog ko na, iyong anytime masusuka na ako pero keri lang. Ayokong maghugas ng plato dito! Naubos namin iyong pancit, dinuguan at sisig. Nakakasawa na kasi 'yung adobo eh. Ipinabalot nalang niya iyon habang nilalantakan namin ang halo-halo. We just shared since I insisted, sayang pera 'no. Baka hindi ko pa maubos kung tig-isa kami. Pinipigilan ko pa ang sariling mapangiti tuwing nagtatama ang kutsara namin tuwing sasandok. Shet naman. Ang landi. "Final na, Sir? Masarap yung pagkain nila. Magugustuhan din 'to ni Hestia!" Tumango-tangong sambit ko. "How 'bout you? Did you like it?" He asked and rest his chin on his hand. Nagulat ako doon. Why is he asking me? Hindi naman kami pareho ng gusto ni Hestia. What if I liked this restaurant and she doesn't? Hay nako, hindi ko rin alam kung anong tumatakbo sa utak ni Sir eh. So damn confusing. Tumango nalang ako at nag 'okay' sign. The food was worth it for its price. Kaya naman pala mahal dahil sagana sa karne at lasa. Hindi tulad sa iba na halos nagtitipid. Considering the price, they really don't have to skimp the ingredients. Aba'y magrereklamo talaga kaming costumers. Ang mahal na nga tapos ang konti lang ng sahog?! Dumating ang waiter para ibigay ang bill namin kasama iyong pinabalot niyang adobo. He placed two-thousand pesos in the tray that was given by the staff, agad naman niya akong sinenyasan para umalis. "Miss, yung sukli po." Tawag ng waiter. Singkwenta rin iyon. "Keep the change nalang po!" Mabilis kong sinundan palabas si Sir. He was already inside the car. Ang gara ko rin, desisyon ka girl? Hindi ko mapigilang dumighay nang makaupo. I covered my mouth in embarrassment. Walangya! Nahihiyang tumawa ako. "Mukhang busog na busog ka nga." Natatawang sabi niya na ikinanguso ko. Agad ko namang hinawakan ang bilbil na kumakalawa sa suot kong crop top. I jokingly shook it. "Say hi to my flabs!" Humalakhak ako nang agad siyang nag-iwas ng tingin. Arte rin nito eh. "Umayos ka nga. May pupuntahan pa tayo." Masungit niyang tugon. Umayos nga ako sa pagkakaupo. I covered my stomach with my sling bag. Inistart na niya ang kotse at pinaharurot. Ang gara rin ng San Diego, hindi tulad sa amin na konti lang ang matataas na building, dito ay marami. Parang nasa Manila lang, I've never been there though. Medyo malayo kasi. May traffic lights din sila. Panis ang San Sonriente, wala kasi kaming ganyan doon. Ewan ko ba kung naisipan nilang lagyan. "Saan naman? Nagreply na ba siya sayo? Ang effort mo na, baka hindi siya pinayagan o ano. You should ask her again." I demanded. He just shrugged his shoulders and didn't mutter a word. Huminga ako ng malalim at tumingin-tingin nalang sa nadadaanang mga gusali. Hindi nagtagal ay biglang huminto ang kotse niya. Sinilip ko kung nasaan kami. "Cat café?! Oh my god! Nakakaexcite naman, tara na!" Nagmamadaling bumaba ako sa kotse niya. I can already see the cats inside. Ang dami! I couldn't help but smile widely while looking at them. Bata palang, I was so fond of cats and dogs but we never had the chance to keep one. Hikain kasi si Mama at Rene kaya hindi talaga pwede. This. This is heaven to me! I felt his hand on my back, slightly pushing me to go inside. Sinalubong naman agad kami ng staff. Since we were so full, he just ordered two lemon juice and a mango float, pinilit ko siyang magshare nalang kami kasi busog na talaga ako, pumayag naman siya. The staff also made us wear socks na may mga pusa rin. Shet. Ang cute! I took a picture of our feet while he was busy with his phone. Iyong kanya ay kulay white habang black naman sa akin. We have the same design that made it look more cute. Kinikilig tuloy ako. "Sir! Grabe, hindi ko inaasahang may alam ka palang ganito! Oh my god! Hestia's gonna like this. For sure!" I beamed with so much enthusiast. Nangalumbaba siya at diretsong nakatingin sa'kin. There it goes again, I suddenly got nervous for no apparent reason at all. Ngumiti siya at mas lalong nagwala ang puso ko. "I'm glad you liked it too." I bit my lip, Hestia's really lucky if they'll end up together. KILLING ME SLOWLY
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD