"Napapadalas na ang hindi mo pagsabay samin, Wi. May boyfriend ka 'no?" Nanunuyang tanong ni Sonya habang kumakain kami sa canteen. Sakto kasing nakasalubong ko sila.
"Huh? Wala 'no. Sobrang daming projects kasi! Tapos halos araw-araw may long quiz, ayoko na!" Kunwaring naiiyak na sabi ko.
Lying has always been easy for me. Hindi ko alam pero simula noong bata pa ako natural na natural akong magsinungaling. I'm sorry, Lord. Promise po, magsisimba ako!
I just have to. Lalo na at delikado 'tong pinapasok ko. Trabaho at reputasyon din ni Sir ang nakasalalay dito. If I'll mess this up, guilt would kill me. Magsisimba nalang talaga ako sa linggo para kahit papaano ay mabawasan ang kasalanan ko.
Nanunuri ang mga mata ni Emma sa akin, tumaas ang kilay ko at umiling lang siya. My phone buzzed, si Sir siguro 'yun. Speaking of, I wonder if Hestia said yes. Sana naman.
"Mauuna ka pa rin ba mamaya?" Deby asked while sipping on her apple juice. Nilunok ko muna ang banana cue bago tumango.
"May group work kami sa Math. Sorry, sasabay naman ako kapag walang gagawin eh." Ngumuso ako. They all nodded and didn't bother interrogating me again. Napahinga naman ako nang maluwag doon.
Nagpaalam na silang tatlo at naiwan ako. I took my phone out of my pocket at tiningnan kung sino nga ang nagtext. It was an unregistered number.
From: Unknown.
Hello, Willow! This is Hestia. Tiago told me everything, I just wanna thank you for helping him. We're going out today. Save my number, btw.
Tiago? Wow, nickname basis.
I stared at her text for a while. He told her everything? Ah, baka sa pagtulong ko. I see. I didn't reply but I saved her number. Bumuntong hininga ako at umalis na sa canteen. Naabutan kong nagbabangayan na naman si Lucian at Rius. God, they're gonna be best of friends in the future. I bet.
"Willooow! Inaaway na naman ako ni Benitez. Crush ata ako. Wag kang magseselos, ah! Hindi ko 'to papatulan!"
"f**k you, Rossi! If ever I'm gay I won't even look at you." Tila nandidiring tugon ni Lucian. He even kicked Rius' feet. Gumanti naman si Rius hanggang sa nagbugbugan na sila. Biro lang. Lucian ended up leaving the room. Umupo naman agad si Rius sa upuan niya.
"Bakla ka ba?" I fired right away. Namilog ang mga mata niya roon.
"Willow, maghalikan nga tayo! Bakla? Ako? Halikan pa kita!" He held my head using both of his hands and jokingly pulled me closer.
Nilagay ko agad ang kamay sa mukha niya at tinulak siya. Ang gago niya!
"Mr. Rossi, come with me."
Natigil kami nang may magsalita. Si Sir Santi! He was glaring darkly at us, agad ko namang tinulak si Rius na natatawang sumunod kay Sir. Walangya siya. Inulan naman ako ng asar ng mga kaklase. Oh my god!
Rius went back with nothing but his usual perky grin.
"Anong nangyare?" Tanong ko nang makaupo na siya.
"He thought I was forcing you. Inexplain ko namang biruan lang. Muntik pa akong dalhin sa guidance!" Napahawak siya sa kanyang dibdib.
"Sayang naman!" pang-aasar ko. He glared at me but I just laughed.
✎ . . .
Allison decided to do our group project at her house. Malapit lang daw kasi yung bahay niya. Kaya nasa labas ako at kumakain ng cornetto habang hinihintay silang dumating. Si Allison ay may inaasikaso pa sa student council habang si Rius naman ay inutusan ni Sir Santi.
Hindi nagtagal at dumating na rin si Allison. "Sorry, nilock ko pa kasi yung classroom. Nasaan ba si Rius?" Lumingon-lingon siya.
"Puntahan nalang natin. Nasa faculty ata siya, inutusan ni Sir Santi eh. Hindi ata naniniwalang biruan lang yung kanina. Gago rin 'tong si Sirius eh." I wiped my lips as we started walking towards the faculty.
"Aminin mo nga, kayo na ba? Ang sweet niyo palagi! I can't wait for the buwan ng wika, sana kayo ang representative!" Ngumisi siya.
Agad na sumama ang timpla ng mukha ko. Oh my god. Ako? Sasali ng pageant? Hell, no. Bukod sa mahiyain ako, hindi rin ako kagandahan. Sure win sana kung si Hestia, kaso kami ni Sirius ang naging lakambini at lakandula. Wasn't expecting that. Natripan pa ata kami, ang kulit din kasi ni Rius. He nominated me without my permission! He even nominated his self but of course, hindi pwede kaya pinilit niya ang katabi niya. Tangina, at ayon, nanalo siya.
She playfully nudged my arm. Hilaw na ngumiti lang ako at umiling. When we reached the faculty, agad naming nakita si Rius kausap si Sir.
"Hello, Sir! Tapos na po ba si Rius?" Sabat ni Allison. Sir Santi glared at me for a second, agad naman siyang nag-iwas ng tingin at tinanguan si Allison. He tapped Rius' arm before bidding goodbye.
Naglalakad na kami palabas. Sabi ni Allison ay hindi na raw kailangan sumakay ng trike o jeep dahil nasa kabilang kalye lang naman daw. I froze when I saw a familiar street.
Gago! Ito yung kalye kung saan nagpapark si Sir! My goodness. Hindi niya naman kami nakita diba? If she did, she would confront me. Kung hindi pala ako sumama ay hindi ko malalamang taga rito pala si Allison. Muntik na.
We stopped in front of a two-storey house. Katulad ng sa amin, simple lang din ang bahay nila. Binati namin ang Mama niya bago kami pumasok. Sirius was unusually quiet and behave.
"Ako nalang magrereport. Willow, ikaw na magsulat, ikaw naman Rius ay gagawa ng powerpoint." Allison ordered. Nilagay niya sa harap ni Rius ang laptop.
We started doing our project when my phone buzzed. I didn't bother looking it up but it buzzed again. Hanggang sa sunod-sunod na itong nagvibrate. I muttered a cursed.
"Nagmumura na si Willow oh! Ako na magsusulat." Irit ni Rius.
"Heh, pangit ng sulat mo! Teka lang, may sasaguting tawag lang ako." Allison just nodded. Tumayo ako at lumabas ng bahay nila.
10 messages and 4 missed calls from Tanders.
Tangina. Anong kailangan nito? Nahuli ba sila? s**t. Sabing wag tatanga-tanga. Wag naman sana. Masyado pang maaga! Agad kong binasa ang text niya.
From: Tanders
Where are you?
Hey? are you busy?
Someone saw me.
I need your help. Almost got caught.
Willlow? Nasa carter's ako.
Hoy
Hestia already left
Hoy!
Come here, asap.
Hoy!!
My mouth parted. Parang tanga si Sir, pwede naman kasi siyang tumawag! Tsaka ano daw? s**t. Ba't doon sila nagkita?! Agad akong pumasok sa bahay nila Allison. Kinuha ko agad ang aking bag at nirolyo ang cartolina. They were looking at me, confused.
"Sorry! Emergency! Sa bahay ko nalang isusulat. Mauna na ako!" I smiled at them nervously, didn't even bother hearing their replies. Agad na akong tumakbo papalabas sa kalye nila at pumara ng jeep.
Ang malas naman. Akala ko dadalhin niya sa San Diego. Ang malas talaga! Ilang araw na nga kaming nagkikita sa carter's wala namang nakahuli sa'min? Baka mahal na ako ng Diyos.
Agad kong nakita si Sir sa pwestong madalas naming inuupuan. Mabilis akong tumakbo papunta roon.
"Sir! Anong nangyari?" Hinila ko ang upuan sa harap niya at umupo. He looked at me and raked his fingers through his hair. Agad namang bumaba ang bangs niyang pumantay na sa kanyang kilay.
"Your classmate saw me.. and Hestia. I don't know what she was thinking so I made out some excuses. I don't know if she'll buy it." Sumandal siya sa kanyang upuan. He massage his nose bridge.
Kaklase pa talaga namin! Ang malas! Paano kung ipagkakalat no'n bukas ang nakita? Hindi pwede. Hindi pa pwede. Masyado pang maaga. Hindi pa nga niya nililigawan pero nahuli na sila! This isn't as easy as I thought it would be. Damn.
I cursed silently. "Anong sinabi mo? Ni Hestia? Bakit mo naman dito dinala, Sir!" I gasped perplexedly.
"I told her I was Hestia's, uhh, tutor. Yeah. Something like that. Hestia also explained that her Dad hired me." He shrugged and raised his eyebrow, "Was it my fault? Ikaw mismong nagsabing pwedeng dito lang."
Napakamot ako ng sintido. Oo nga naman. Akala ko ay hindi sila makikita eh. I really hope that girl believed them. I pursed my lips while thinking. Dapat mag-ingat na rin kami. Anytime, someone could see us.
Then, I remembered Allison's address.
"Gago, Sir. Muntik na rin tayong mahuli! Yung kalyeng pinaparkingan mo, taga doon si Allison!" I massaged my right temple.
Sinamaan niya ako ng tingin. Gumanti rin ako. Umirap lang siya nang hindi ako magpatalo.
"We'll find a new place to drop you off. I'll just ask her again, maybe tomorrow. Pupunta nalang kami sa kabila. Walang choice. This is so risky." He uttered while massaging the back of his neck.
We both sighed. Sana wag panghinaan ng loob si Hestia. Sana hindi siya matakot. Hindi pa kami nangangalahati kaya sana magcooperate 'tong si Hestia.
"Tayo rin, Sir. Mahirap kung mahuli rin tayo. Magpatinted ka na kasi! Mas safe sa kotse mo."
He agreed by nodding.
"I'll get it done later. Hatid na kita." We both stood up and went outside the coffee shop. Umaambon na pala kaya patakbo kaming pumasok sa kotse niya.
When I got home, I decided to take a nap. Alas sais na nang gisingin ako ni Rene para kumain ng hapunan. Nagjack en poy pa kaming dalawa kung sinong maghuhugas ng plato.
Kaya heto ako, nakatayo sa harap ng hugasin. Walangyang kapatid, dapat may schedule eh. Binilisan kong tapusin iyon, may isusulat pa nga pala ako.
When I went inside my room, nakita kong umiilaw ang cellphone. Tumatawag si Allison at Rius sa group chat namin. Agad ko namang sinagot iyon.
I gawked when I saw Rius' wearing this silly filter. Tinanong naman ako ni Allison kung anong nangyare. Of course, I have to lie again.
"Okay na, yung kapatid ko kasi napaaway. Natapos niyo ba? Magsusulat palang ako eh."
A loud EDM was playing on Rius' background. Nakita kong nagpapalit pa ng kulay ang LED lights niya sa silid. Gago talaga. Sinuway agad siya ni Allison.
"Yeah, sort of. Ififinalize na natin ngayon. Rius nga, umayos ka! Baguhin mo yung PT!" Singhal niya.
"Huh? Bakit? Ang ganda kaya! Ayoko nga doon sa masyadong pormal. Where's the fun in that? Trust me, ladies. Trust me!" He gave us a thumbs up. Napasapo nalang ako sa noo.
It took us two hours to finally finished our project. Agad na nagpaalam si Allison dahil late na raw, naiwan naman kami ni Rius. We were watching some random videos. Ayaw magpaawat eh, hindi pa raw siya inaantok. Ako rin naman, nagsisisi tuloy ako kung ba't ako natulog kanina.
I glanced on my laptop. Oh, I have to write what happened today! Tiningnan ko si Rius na mamatay na kakatawa. The video wasn't even that funny. He prolly broke his humor or what.
"I gotta go, Rius. Bye!" He was about to speak but I ended the call. Ang bastos pero pipigilan lang ako no'n.
I wrote what happened today, it took about an hour before I decided to turn it off and lay in my bed. Biglang nagvibrate ang cellphone ko.
It was Sir Santi.
"Hello?" Bungad ko.
"Hey. Can you come with me tomorrow? Sa San Diego." He said with his low voice that somehow made me wobbly. Ayan na naman yung boses niyang nakakaakit!
"Ano namang gagawin ko dun? Hindi ba't kayo ni Hestia? Ayokong maging thirdwheel 'no!" Nanlalaking mga matang sabi ko.
"Uhh, help me find a place. Hindi pa siya sumasagot. How about we go first?" He softly asked. Napalabi tuloy ako.
That's when my heart started to beat so fast. Why am I getting nervous so suddenly? I held my lower lip and played with it. Pilit kong hinahanap ang isasagot pero wala, hindi ko talaga alam. I sighed in defeat.
"Sige, Sir. See you."
KILLING ME SLOWLY