CHAPTER EIGHTEEN: EMOTIONS

2801 Words
“Beshy!” Sigaw ni Nica sabay yakap kay Rhav ng mahigpit ng makarating siya sa kanilang condo unit. Hinatid siya ng nobyong si JC pero hindi na ito umakyat. Syempre, gaya ng pakiusap niya ay hindi na muna nila ipapaalam ang kanilang totoong status. Kakausapin niya na muna si Rhav tungkol doon. Hindi pa ito nakakaligo at halatadong kakagising lamang nito. Iwinagayway niya dito ang mga dalang pasalubong. Nagdala na rin siya ng strawberry fruits, mga souveniers mula sa pamaypay at keychains. Pati narin ang isang t-shirt na may naka-print na Baguio ay hindi niya iyon pinalampas. “Wow, nag shopping ka ba sa Baguio? Ang dami naman nito.” “Syempre, minsan lang naman tayo nakakaluwas ng Manila kaya sinulit ko na iyong opportunity.” “Ahh, opportunity.” “Bakit? Ayaw mo ba?” kunwari nagtampo si Nica at akmang babawiin ang may kalakihang paper bag kung saan nakalagay lahat ng kanyang pasalubong. May tatak na Baguio din ang paper bag. “Kung ayaw mo, okay lang naman eh.” Mabilis na iniwas ni Rhav ang paper bag mula kay Nica at tumakbo siya patungong kusina. “Excuse me, akin na po ito. Wala ng bawian at isa pa, ‘di ko sasayangin iyong opportunity!” paggagaya ni Rhav sa sinabi niya. Natatawa na lamang siya habang pinagmamasdan ang ngiti nito. Naalala niya ang kanyang cellphone kaya pumasok na muna siya sa kanyang silid. Nakita niyang nakalapag na ito sa gitna ng kanyang kama at fully charge na rin. “Mabuti pa, mag pahinga ka na muna. May pasok ka parin ba?” tanong ni Rhav dahil nakasunod pala ito sa kanya. Umiling siya at nag heart sign. “May one day free ako dahil tinapos ko na ang report ko sa byahe at ipinasa ko na kay Sir Zhun.” “Ang galing mo talaga!” “Ikaw ba? Kumusta naman ang workload mo?” “As usual, tambak everyday. Dahil nasa office na si JC mas naging inspired ang mga architect natin at laging may mga designs na naiisip.” Tumawa si Nica sa sinabi niya. “Good luck! Idlip na muna ako, gisingin mo ako pag aalis ka na ha?” “Okay, wake up na. I gotta go.” Binato niya ito ng unan niya kaya natatawang napailag naman si Rhav. ”See you later pag uwi ko. Hindi na kita gigisingin, rest well. Magpa-deliver ka nalang ng food mamaya pag nagutom ka.” “Okay, take care, beshy.” Dahil sa haba ng byahe ay kaagad na nakatulog si Nica. Dumeretso naman si Rhav sa kanyang banyo para maligo at ayosin ang sarili. Medyo mapapalaban siya ngayon sa office. Napaka-productive kasi ng mga architect dahil kay JC, kumbaga nagpapabango ang mga ito. At least two designs ang minimum nila per week at depende iyon kung makakapasa kay JC pero bago pa man ito mapasakamay ni JC ay dumadaan na muna iyon sa kanya. Kung baga, siya iyong magpapasya kung pass or fail, then kung pass ay doon na niya tutulungan ang isang architect para sa mga graphics depende sa gusto nitong mangyari. Gumagawa din siya ng 4D graphic designs, pati ang hologram ay pinasok na niya. May mga advance technology naman kasi na provided ng company. After ng finale, ipapasa niya kay JC at ito na ang madedecide kung papasa ang isang design. Pero dahil nga ang pogi ng kanilang boss, halos maya’t maya ang mga itong nagpapasa, biglang ang daming ideas kaagad ang pumapasok sa mga isipan nito na minsan napapailing na lamang siya. Binilisan na niya ang pagpapatuyo sa kanyang buhok at naglagay ng kaonting make up. Dahan-dahan niyang binuksan ang pintoan ni Nica at nakita niyang tulog na tulog na ito habang naka vertical sa kama. Nakanganga narin ito ng kaonti. Pumasok na muna siya saglit para kunin ang phone nito bago pa nito madaganan. Tumunog ang message tone nito at bago pa niya ilagay iyon sa itaas ng side table ay nabasa na niya ang mensahe dahil nag pop up ito sa screen. Galing kay JC na may mga katagang ’I had so much fun with you. I love you.’ Kaagad na nabitawan niya ang cellphone at napatingin muli kay Nica. Pikit matang dinampot niya iyon muli at binura bago lumabas sa silid ni Nica. Ang daming tumatakbo sa kanyang isipan habang patungong parking lot. Tama ba ang ginawa niya? Nagulat lang siya kaya niya iyon nabura. Hindi niya lang napigilan ang sarili kaya nga iyon nagawa. Napapailing siya dahil pakiramdaman niya ang sama sama niya. “Good morning!” nakangiting bati sa kanya ni Dreko. Nakatayo ito sa may entrance ng parking lot habang may bitbit na isang punpon ng naggagandahang pulang rosas. Nalaman din yata nitong mahilig siya sa mga bulaklak. Parang pang peace offering sa inasal nito sa restaurant. “What are you doing here? There is no second date for us, Dreko. Stop wasting your time.” “I am sorry, pero hindi ko magawang tumigil. Nagulat lang ako dahil sa nangyari. I promise hindi na ulit mangyayari iyon. I swear, Rabina.” Tinitigan niya ito ng mabuti kaya nagpatuloy ito. “I really like you a lot. Would you please give me one more chance? Tatanggain ko if after ng second date natin ayaw mo talaga sa akin. I already spoke to Ninong Pancho and admitted everything.” Kinuha niya ang cellphone at tinawagan ang Daddy niya habang hindi inaalis ang tingin kay Dreko. “Dad, good morning. Have you talked with Dreko?” tanong niya dito. “Yes, bigyan mo siya ng isang chance dahil nagsisisi naman iyong tao. Pero huwag mong pilitin ang sarili mo kung ayaw mo na talaga, iyan ang lagi kong sinasabi sa iyo.” “Thanks, Dad. Bye.” “So...?” Kinuha niya ang bulaklak sa mga kamay nito. “Just one more chance,” aniya at siya na mismo ang nagbukas ng sasakyan para pumasok sa loob. Hindi siya naupo sa tabi nito, doon siya sa likuran at inilapag ang bulaklak sa gilid. Pumasok na ito sa driver seat at tumikhim. Ngumiti ito ng malapad bago pinaandar ang sasakyan. Ihahatid siya nito sa office. “Ganoon parin ba ang time ng uwian mo?” “Not sure, depende kung matatapos ko kaagad ang work today.” “Okay, saan mo gustong kumain mamaya?” “Kahit saan.” Muli itong tumikhim para mawala ang akwardness na namamagitan sa kanila sa loob ng sasakyan. “Eyes on the road, baka madisgrasya pa tayo,” saway niya dahil maya’t maya ang tingin nito sa front mirror. “Hindi ko lang mapigilan ang sarili ko dahil ang ganda ganda mo ngayon.” “Thanks.” “Naghahanap na ako ngayon ng mga hospitals na mapapasokan, may maire-recommend ka ba sa akin?” “What do you prefer? Iyong pang masa o pang high class na hospital?” “Pang masa?” “A public hospital where they accept volunteers and on-the-job pieces of training for Nurses. Para din iyon sa mga average patients at sa may mga benefits na nakukuha from our government.” “Is it like, East Avenue Medical Center?” “Yes.” “How did you know well about this?” “Some of our friends are currently working there to get experience that they need before going abroad.” “Oh, actually, East Avenue Medical Center is my first choice, mas nakaka-challenge for me iyong mga public hospitals kaysa private. Based on my own experiense sa US, mas demanding ang mga patient guardians pag private.” “Are you sure about that?” hindi makapaniwala si Rhav, dahil likas na maarte ang pagkakakilala niya dito. Akala niya pipiliin nito iyong pang mayaman na hospitals gaya ng Saint Lukes Medical Center – Global City or Manila Doctors Hospital. “I know what you are thinking about me. Alam mo, this is my profession, nag-iiba ako pag nasa loob na ako ng hospital, hangga’t maari ayaw kong may mamatay sa aking mga pasyente. Nagulat lang talaga ako noong first date natin kaya ko nasabi iyon at nainis dahil kilala mo iyong lalaki at kay lagkit ng tingin niya sa iyo.” Nakatingin lang siya dito at napabuntong hininga. “Sorry, if I judged you too early.” “That is fine. I know where you are coming from.” Nakarating na sila sa XBC building at nagpaalam narin ito. Bitbit niya ang bulaklak papasok sa building kaya hindi nawala ang tuksuhan sa loob ng kanilang department pati si JC ay napangiti ng makita siya. “It’s nice to see you with a bouquet. Who is this lucky guy?” Napayuko siya sa hiya dahil lahat nag aabang ng kanyang sagot. Tumikhim siya. “Binili ko lang po sa labas. Alam niyo na, love yourself.” Nag booo ang kanyang mga ka officemate at may nagbuko na nakita siya na lumabas sa isang magarang sasakyan. Napatakip siya sa tainga at nagtuloy-tuloy na sa kanyang office. Bago kasi sa mga ito ang ganoong pangyayari, ni minsan hindi pa nila nakikitang may bitbit siyang bulaklak, o hinahatid sa office. Nasanay ang mga itong single siya at sila lang ni Nica ang laging magkasama. Tinanggal niya ang red roses at inilagay iyon sa kanyang flower base. Natuyot na kasi iyong bigay ni JC sa kanya noon. ‘See you later. Good luck for today.’ Text message mula kay Dreko. Napasandal siya sa kanyang upuan habang nakatitig sa nakatambak na folder sa kanyang mesa. Wala si Jinky sa office kaya walang sumunod sa kanya papasok sa office, ito lang kasi ang nangangahas na asarin siya ng asarin at ang pinaka-chismosa sa kanilang opisina. Kasalukuyan itong nasa site ng pinapagawang building kung saan ang design nito ang napili. Nakakailang minuto pa lamang siya sa trabaho ng pumasok si JC at may hawak hawak na isang tasa ng kape. Inilapag nito iyon sa kanyang mesa. “Salamat, Sir. Nag abala ka pa!” nagi-guilty siya dahil sa kanyang ginawang pagbura ng mensahe nito para kay Nica. “Kung si Nica po ang itatanong ninyo, ayon po tulog na tulog pagkarating palang sa unit.” “No, it’s not about her,” anito. “Hmm, don’t tell me makiki-chismis po kayo kung sino ang nagbigay sa akin ng bulaklak?” Tumawa ito at umiling. “It is about your job, I just realize na lagi kang fully loaded at nag iisa ka lang. Gusto mo bang mag hire tayo ng assistant mo?” “Kaya ko pa naman po, pero kung ito iyong way para may bigay ng chance sa iba. Why not? Okay po sa akin iyon.” Tumango-tango ito. “At ikaw ang pipili ng magiging partner mo. For now, ikaw na muna ang bahala.” “Thank you, Sir.” Ngumiti lang ito at lumabas na ng kanyang office. Napahilamos siya sa kanyang sarili, bakit ba kasi ang bait bait nito? --- “Hmmm...” unti-unting nagmulat ng mga mata si Nica. Napahawak siya sa ulo ng pag ikot niya ay nahulog siya sa sahig. “Aw!” Hapon na pala. Sa isip niya habang nakatingin sa orasan, mag aalas-tres na iyon at kumakalam narin ang kanyang sikmura. Dali-dali siyang naligo at nagbihis para sunduin si Rhav sa office at sabay na silang mag-dinner. Pagbaba niya sa parking area ng kanilang condo ay napansin niyang nandoroon parin ang sasakyan nito. Naubusan ba ito ng diesel? Kinuha niya ang kanyang cellphone para sana tawagan ito pero hindi niya nalang itinuloy dahil alam niyang busy ito sa trabaho. Nag drive na siya pa-office habang nakikinig sa mga K-pop songs na nasa kanilang playlist na si Rhav mismo ang pumili. Minsan sumasabay pa siya sa pagkanta ng ilang linya. Tamang tama kasi pagdating niya doon ay patapos na ito sa trabaho. Isu-surprise niya nalang ito. Pero teka? Bakit si Rhav ang naiisip niya? Hindi ba’t nasa office din ang boyfriend niya? Napailing si Nica, siguro dahil gusto niya lang bumawi sa kaibigan. Nakapaskil na ang mga ngiti sa kanyang labi habang palabas ng sasakyan ng makarating sa XBC. Pero napatigil siya ng makita si Rhav na palabas ng building at ang lalaking kaagad sumalubong dito. Napabalik siya sa kanyang sasakyan pero nakita na ni Rhav ang kotse niya kaya nag martsa na ito palapit sa kanya. Hindi niya alam ang gagawin kaya kinusot niya ang mga mata at nagkunwaring nakatulog sa manibela. Narinig na nga niya ang pagkatok nito sa kanyang salamin. Binuksa niya ang pintoan ng driver seat at kunwaring kakagising lang niya. “Dito ka natulog?” “Oh... hi beshy! Nakatulog na pala ako!” “Ako ba ang hinihintay mo?” tanong ni Rhav. “Ha? Ah... e...” “Biro lang!” tumawa si Rhav. “Alam ko naman na si JC iyon,” may himig lungkot sa boses nito pero pilit parin itong ngumiti sabay hawak sa kamay niya. “Halika.” Wala na siyang nagawa ng hilahin siya nito palabas ng sasakyan para lang ipakilala kay Dreko. “Dreko, this is Danica. Anak siya nina ito Jones at Tita Jennylyn.” “Oh yes, I remembered! ‘Di ba ikaw iyong sumapak sa akin noon?” Tumawa ng hilaw si Nica. Hindi niya alam kung bakit siya naiinis ngayong nakita si Rhav na may kasamang lalaki. Bigla nalang hindi siya makahinga at kumukulo talaga ang dugo niya. Nag peace sign nalang siya dito. Tinanggap naman niya ang kamay nito. “You looked beautiful too. Hindi ko akalain na ganito pala kaganda ang mga kababata ko noon.” Nagkatinginan sila ni Rhav at nagkibit-balikat dahil hindi naman talaga maiituturing na kababata nila ito noon. Dumadalaw lang ito tuwing pasko para narin sa regalo mula sa Daddy niya. Balita niya, malayo ang bahay nito sa kanila. “Hello!” biglang bumulaga si JC sa kung saan. Napatingin sila dito. Ah, bakit ba ang gwapo talaga nito? Kahit saang anggulo. Wala ba siyang mapipintas man lang dito? Tumikhim si Rhav. “Tamang tama at nandito ka na. Bakit ang tagal mong bumaba? Kanina pa naghihintay sayo si Nica. Nakatulog na nga siya sa sasakyan.” “Oh! Sorry, hindi ko alam!” kaagad na nilapitan nito si Nica. Pero sa totoo lang, naninikip na ang dibdib ni Rhav sa selos tuwing magkasama sina JC at Nica. Grabe ang ginawa niyang pagpapakalma sa sarili kahapon habang masaya ang dalawang nagdi-date sa Baguio. “Surprise!” pilit na tumawa si Nica. Nag go on the flow na lamang siya sa mga nangyayari. Parang normal nalang na niyakap ni JC si Nica kaya nag iwas ng tingin si Rhav. Sobrang sakit parin pala. Ipinakilala na ni Rhav si JC kay Dreko na malugod naman kaagad itong nakasakay sa kanika. Parang hindi naman pala ganoon kasama si Dreko. Dahil nagkita-kita naman na sila ay pinasya ni JC na mag double date nalang sila na kaagad naman sinang-ayonan ni Nica. Pero si Rhav nagdadalawang-isip. Ayaw niya kasing nakikitang sweet na sweet ang dalawa sa harapan niya. Turtore iyon para sa kanya. Pero mapilit si Nica kaya pumayag na siya. Dahil may dalang sasakyan si Nica ay ito na lamang ang ginamit nila ni JC habang siya naman ay nakasakay sa sasakyan ni Dreko. “Kilala ko si JC dahil nakikita ko na siya noon. Pero hindi kami nagkakilala ng personal dahil ang kaibigan niya ay iyong kaibigan ko. Hindi ko akalain na big time naman pala siya.” Tumango-tango si Rhav. “Small world no? Hindi ko akalain na magiging girlfriend niya ang kalaro ko noon.” “Hindi pa sila, nanliligaw pa lang siya kay Nica.” “Really? Pero parang sila na, based on my observation ay sobrang close na nila at kumportable na sa isa’t isa.” “No. Hindi pa nga sila,” may galit na sa boses ni Rhav kaya napatingin sa kanya si Dreko. “Sorry, pagod lang ako at stress sa trabaho.” Dreko extended his hand at hinawakan ang mga kamay niya para pakalmahin siya. Nakaupo na kasi siya tabi nito, ramdam niya ang pananayo ng kanyang balahibo hanggang sa kanyang batok kaya kaagad na tinanggal niya ang kamay dito. “I am not comfortable on this yet.” Ibinaling niya ang paningin sa labas ng salamin at nagkataon namang magkatabi nalang pala ang sasakyan nila sa sasakyan nila Nica. Dahil tented ang salamin ng sasakyan nito, hindi niya nakikita kung ano ang kaganapan sa loob na mas lalong nagpabigat sa kanyang dibdib. Mukhang pumanig sa kanya ang tadhana dahil ibinaba ni Nica ang salamin nito at kitang kita niya ang paghalik ni JC sa kanang kamay nito. Bigla nalang naglaglagan ang mga luha ni Rhav dahil kitang kita niya rin ang ngiti sa mga labi ng babaeng pinakamamahal niya. Mga ngiting hindi na para sa kanya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD