CHAPTER TEN: TAMPUHAN

2202 Words
Hinintay na muna ni Nica na makaalis si Rhav bago siya lumabas ng kanyang silid. Masama ang loob niya dito pero mas lalong sumama dahil hindi man lang siya nito sinuyo. Siya pa ba susuyo? Nakita niya ang paper bag na nasa lapag pag labas niya ng pintoan. Napangiti siya pero pinilit niyang hindi dahil nagtatampo nga pala siya. Nakatanggap siya ng tawag mula kay JC. Susunduin raw siya nito, kaya pinagbigyan na niya ito. Hindi niya pa alam kung ano ba talaga ang nararamdaman niya kay JC. Nai-excite lang ba siya dahil ito ang unang lalaking pinayagan niya manligaw sa kanya?  Dahil lang ba gusto niya mapasaya ang parents niya? Or dahil approved it okay Rhav? O kung talagang gusto narin niya ito. Wala pa sa point na kinakabahan pag kasama ito, magaan lang itong kasama, hindi siya naiilang, pero iyong kilig—wala pa. Mas kinikilig pa siya sa tuwing nagpapa-sweet sa kanya si Rabina o ang makita ang mga ngiti nito. Bahala na. Dinala niya ang paper bag na inihanda ni Rhav sa kaniya at tinungo na ang parking lot, nakita naman niya kaagad si JC na nag aabang sa kanya. Napatingin siya sa bago na naman nitong sasakyan, isa iyong 2020 Ford Mustang EcoBoost na kulay pula. “Good morning!” kaagad na bati nito sa kanya. Mula sa likuran nito ay inilabas nito ang tatlong pirasong tulip at ibinigay sa kanya. “A flower for a beautiful woman I ever seen in my life!” “Thank you,” she smiled at him. “Ang ganda ng mga bulaklak, ang fresh.” “I am glad that you liked it.” Pinagbuksan na siya nito at maingat na inalalayan. Inayos naman niya ang seatbelt habang nakatitig sa paperbag na ipinatong niya sa harapan. Kinuha niya iyon at binuksan. Napangiti siya ng makita ang isang sticky note na may nakasulat na sorry at sad emojie. “What is that?” tanong ni JC na nakapasok na sa loob at pinaandar na nito ang makina. “A lunch box made by Rhav.” “Wow, she’s so sweet! So happy that she’s taking care of you.” “Yeah. Rhav is like a sister to me. I can’t live without her.” Natahimik si JC sa sinabi niya. “I am just wondering, what if... we ended up together—for real. What will happen to Rhav? Do you plan to take her and stay with us?” Tumingin si Nica sa labas ng sasakyan at hindi siya sumagot sa tanong ni JC. Nag maniobra na ito. “There is no issue if you want to take her with us. But remember,  she has her own life too. She deserves to be with someone she can be with for the rest of her life—to build her own family. Your relationship will not stop even you will have partners, just like what happened to your parents.” Alam niyang mangyayari naman talaga na magkakahiwalay sila. Na magkakaroon din ito ng sariling pamilya, hindi niya lang tinatanggap sa isipan niya dahil mamimiss niya ito. Nasanay na siyang lagi itong kasama, laging nakikita at naalagaan siya. “Sorry,” anito. “I should not have asked you that.” “That’s fine. You have a point.” Iniba na nito ang topic dahil parang naging ackward sila bigla sa loob ng sasakyan. “Do you have plans this weekend?” “Why?” “There is a place I want to visit with you.” “I am not available every Sunday. It is our family day.” “How about Saturday?” “Possible.” “Why possible?” “We have half-day work every Saturday.” “Oh, men! I will ask Daddy to remove your Saturday shift.” “Don’t do that. Ayaw kong may masabi ang Daddy mo sa akin, dahil lang sa nanliligaw ka.” “I know, but I will find the perfect time. Okay?” Marahan siyang tumango dito. Paglabas niya ng sasakyan ni JC ay nakita niya ang sasakyan ni Rhav na nakaparada sa unahan. Malungkot na tiningnan niya lang iyon ang hindi niya alam ay nasa loob pa ng sasakyan si Rhav at nakatingin sa kanila ni JC. Tented kasi iyon kay hindi halatang may tao pa sa loob. Kitang kita niya kung paano hawakan ni JC si Nica. Kung paano nito inaalalayan at iniingatan. Napuno ng selos ang puso niya. Napuno ng bakit at panghihinayang,  bakit pa ba siya naging babae? Bakit pa ba siya umibig dito? Anong purpose ng buhay niya kung hindi naman siya normal katulad ng iba. Sa mga panahon na nasasaktan siya, hindi niya maiwasang mag self pity at kinukwesiyon ang pagkatao niya. Kasalanan din niya dahil isa siyang duwag. Duwag na ma-reject ni Nica at ng mga taong nakapailigid sa kanila. Hindi lahat ay maswerte na natatanggap ng kanilang pamilya. Tulad niya. Alam niya sa sarili niyang hindi siya matatanggap ng magulang kung malalaman nitong nagkakagusto siya sa kapwa babae, na kahit kailan hindi niya magawang magkagusto sa lalaki kaya ngayon ay single pa rin siya. Nagtatago sa totoo niyang pagkatao. Napasubsob ang mukha niya sa manibela. Hanggang kailan siya magpapanggap? Pag huli na ba ang lahat? Ikinulong niya ang sarili sa takot at hiya. Pag angat niya ng mukha ay nakita niya ang paper bag na bitbit ni Nica bago ito pumasok ng building. Akala niya hindi nito iyon iintindihin dahil galit ito sa kanya. Nasaktan niya ito. Hindi niya ito masisisi. Lumabas na siya ng sasakyan para pumasok sa building. Sa gilid ng kanyang mga mata ay nakikita niya si Nica habang kinakausap ni Mr. Zhun Xiao, kaagad na inilabas nito ang dala dalang iPad para ilista ang mga details na sinasabi nito. She’s working hard still habang si JC naman ay nakatitig lamang dito. “Oy Rhav! Good morning! Kumusta?”  salubong sa kanya ni Tom. Bago itong architect na nangungulit sa kanya ng date. “Okay lang naman,” walang kabuhay-buhay na sagot niya at dumeretso na sa elevator na nasa kabilang side. Dalawa kasi ang elevator, sa kaliwa kung nasaan sila Nica. Para lang talaga iyon sa mga matataas ang position at dahil secretary si Nica ni Mr. Zhun Xiao kaya nakakasama ito doon. Sa kaliwa naman ang tulad niyang nasa mga departments nagtatrabaho. “Balita ko naglasing ka raw kagabi, ah? Broken hearted?” Napahinto siya sa sinabi nito at tiningnan ito. “Anong gusto mo?” “Date.” Umiling siya. “Tigilan mo na ako Tom, wala ako sa mood ngayon.” Sa totoo lang, pogi si Tom. Matangkad din ito at may sinasabi sa buhay, mayaman na talaga ang pamilya nito at may koneksiyon din sa mga Xiao. Parang inaanak yata ito ni Mr. Zhun Xiao kaya ang bilis nito nakapasok sa office na hindi na dumaan pa ng kahit na anong interview. Medyo may kayabangan lang ito ng kaonti. “Hindi ako titigil hangga’t hindi kita napapa-OO,” muling sumilay ang pilyong ngiti nito. Napapailing nalang siya, muli siyang tumingin sa gawi nila Nica at di sinasadyang nag salubong ang kanilang paningin. Ngingitian na sana niya ito ng bigla namang humarang sa kanya si Tom. “Ano later? Kahit saan mo gustong pumunta, go ako.” “Wala ka bang magawa sa buhay mo kaya ako ang kinukulit mo?” naiinis na pinindot na niya ang up kaagad naman bumukas ang elevator kaya pumasok na sila sa loob. Ito na mismo ang nagpindot ng floor ng kanilang department na nasa fifth. Ang office naman ng CEO ay nasa pinakaitaas at sakop nito ang dalawang palapag, doon ginaganap ang mga business proposal o sa mga conference meetings.  Nasa fifty-nine floor ang taas ng building at ang layo ng kanilang agwat. Kaya hindi na nakapagtataka kung bakit hindi sila halos magkita sa loob. Pagpasok nila sa loob ay bigla siya nitong sinubukan hatakin at yakapin mabuti nalang at mabilis siya kaya naitulak niya ito. “How dare you!” asik niya ito. “Makakarating ito sa HR!” Napangisi ito. “HR? Are you sure? Walang sinuman ang makapagpapaalis sa akin dito. Ano ba kasing inaarte-arte mo? Hindi porke’t maganda ka ay napapakipot ka na. Alam ko namang gusto mo rin, eh!” akmang muli siya nitong hahalikan  mabuti nalang at bumukas muli ang elevator kaya dali-dali siyang lumabas. Nasa 6th floor ang office ni Tom kaya hindi na siya nito sinundan pa. Pinukol niya ito ng masamang tingin. “Good morni—“ “Hindi na natapos ni Jinky ang pagbati sa kanya dahil nagtuloy-tuloy na siya sa kanyang office  at padabog na sinara ang pinto. Napakamot nalang si Jinky sa ulo pati ang kanilang mga kasamahan ang napalabas ang ulo sa cubicle at nagtatanongan kung anong nangyayari sa kanya. “Shhh,” saway ni TL Marjorie. Apat ang office rooms sa kanilang floor. Isa kay Rhav, dalawa sa TLs, at isa sa Manager na hindi pa nila nakikilala. Sa gitna naman ang mga cubicles  para sa mga architects. Ang 5th, 6th and 7th floors ay para sa kanilang department at lahat ng mga architects ay siya ang tumutulong sa graphic design kaya naman hindi siya nababakante ng trabaho. Dahil narin sa tiwala ng kompanya sa kanya ay hindi na sila nag hire pa ng makakatulong sa kanya. Hindi naman siya nagrereklamo dahil kung tutuusin hindi naman siya nagiisip sa mga designs kung bago pang enchance lang ang trabaho niya dahil magagaling naman talaga ang kanilng mga hired architects. Napabuga ng hangin si Rhav dahil sa sobrang inis kay Tom. Kung hindi niya naiisip na inaanak ito ng CEO ay baka nasapak niya na ito sa loob ng elevator. Nalulungkot naman si Nica dahil hanggang tininginan lang sila ni Rhav kung dati ay may pasimpleng senyas pa sila sa tuwing nagkikita sa elevator ngayon ay wala na. May kasama narin ito at kilala niya ang lalaki dahil lagi niya itong nakikitang bumibisita sa office ng kanyang bossing. “Nica? Let’s go?” untag sa kanya ni JC. Tumango siya at pumasok na sa elevator. “Oh, that’s Tom!” turo ni JC sa kabilang elevator bago pa man iyon magsara. Nilingon nito ang ama. “What his doing  here, Dad?” “Work. I hired Tom as one of our architects.” “You did? Or he asked for it?” “Any problem with him?” lingon nito sa anak. Tahimik lang na nakikinig si Nica sa usapan ng dalawa. Pinindot na niya ang 58th floor. “I heard some rumors about him. Don’t tolerate him, just in case.” “I warned him already. He will not do such thing in our building.” Nacu-curious tulay si Nica kung ano ang background ni Tom at bakit ganoon ang usapan ng mag ama. Hinatid lang sila ni JC sa kanilang office dahil magsisimula na ito bilang manager. Nasurprise din siya sa nalaman. Mas pinili nitong magkaroon ng mababang posisyon kaysa ang maging CEO kaagad. Naniniwala itong mas marami itong matutunan kung magsisimula sa ibaba. Dahil doon, nagkaroon ito ng dagdag points sa kanya. Mukhang mabuti talaga itong tao at hindi ginagamit ang status para mabilis makuha ang mga bagay bagay. Hindi kasi siya opisyal na naipakilala ng ama sa lahat dahil narin sa pakiusap nito. Hindi naman raw kailangan ang pormal na pakilala dahil alam naman raw ng lahat na anak siya nito. Kung baga, mabilis kumalat ang tsismis. Totoo naman. “Danica,” tawag sa kanya ng boss. Dali-dali siyang tumayo at tinungo ang office nito. Itinulak niya ng dahan dahan ang salamin na pinto. Nakatayo ito habang nakasuksok ang dalawang palad sa bulsa at nakatingin sa ibaba. “Yes, Sir.” “I just want to let you know that I like you for my son,” umpisa nito. “Do you like him?” “Sir...” “My son has been through a lot. I was so afraid that he would not be interested in dating again after his last girlfriend passed away five years ago. All I want is to see him happy again, and finally, it happened because of you, Danica. If you like my son, don’t hesitate just because I am your boss. We are just normal people, just like you. Just like everybody else.” Napayuko si Nica. Humarap ito sa kanya at naupo business leather chair nito. “All I want to say is, be yourself with him. Don’t think about status or the people around you. In the end, it is your happiness that matters and not of what they think. I was observing you.” “Thank you, Sir.” Ngumiti ito sa kanya. “I like your attitude of not bragging about having JC as your suitor, and in fact, it is the opposite happening. I want to meet your family. Would that be okay or too early?” “Po?” Nanlaki ang mga mata niya sa narinig. Imagine ang isang Mr. Zhun Xiao ng XBC ay dadalaw sa kanila. Tumawa ito. “Sorry, I know it is too early. I am just excited! I’ll wait until you say Yes to JC.” Wala siyang makuhang sagot dito kaya tumango-tango nalang siya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD