AGAD na tinakpan ni Zoey ang bibig ng bumahing siya. Kanina pa siya bahing nang bahing. Mukhang sisipunin pa yata siya. Siguro dahil nababad ang katawan niya sa tubig at sa mainit na eksena na nangyari sa kanilang dalawa ni Greyson sa labas ng bahay nito. At sa isiping iyon ay hindi niya napigilan ang pamulahan ng mukha nang maalala niya ang nangyari sa kanilang dalawa ni Greyson kagabi. Marupok talaga si Zoey pagdating sa lalaki. Kasi mabilis na matibag ang depensa niya sa katawan sa simpleng haplos at halik nito gaya na lang noong una niyang ipinagkaloob ang sarili dito apat na taon na ang nakakaraan. Kahit nga na kakakilala lang niya noon kay Greyson ay isinuko niya ang sarili dito na walang pagsisisi sa sarili. At mula noon at hanggang ngayon ay ito lang ang tanging lalaki na hina

