NAPATINGIN si Zoey sa pinto ng bahay ng bumukas iyon. Nakita niya si Greyson na pumasok do’n. At hindi niya napigilan ang mapakunot ang noo nang makita niya ang hitsura nito. His hair is messy, hindi din maayos ang pagkakasuot ng necktie, nakabukas din ang ilang botones ng suot nitong long sleeves. At lalong nagsalubong ang mga kilay niya nang makita na pasuray-suray ito sa paglalakad. Mukhang lasing na lasing ito dahil hindi ito makapaglakad ng tuwid. Mayamaya ay napatayo siya mula sa pagkakaupo niya nang makitang muntik na itong ma-out of balance dahil sa pasuray-suray ito sa paglalakad. Mabilis siyang lumapit rito nang makitang matutumba na naman ito. She wrapped her arms around his waist. Sumulyap ito sa kanya, namumungay ang mga mata nito habang nakatitig ito sa kanya. There is so

