AKMANG aakyat na si Zoey sa hagdan patungo sa pangalawang palapag ng bahay ng mapatigil siya ng marinig niya ang tunog ng doorbell na nanggaling mismo sa labas ng bahay. Hindi naman niya napigilan ang mapakunot ng noo sa sandaling iyon habang nakatingin siya sa gawi ng pinto. Mukhang may bisita si Greyson at kung sakaling may bisita nga ito ay pababalikin na lang niya o hindi kaya ay papapuntahin na lang niya ito sa Galvez Empire kung nasaan ito ngayon. Maaga kasing umalis si Greyson kaninang umaga. Sa sobrang aga nga ay hindi na niya ito naabutan noong magising siya. Mukhang umalis ito habang tulog pa siya. Sa halip naman na umakyat sa hagdan ay humakbang naman siya patungo sa gawi ng pinto para pagbuksan kung sino man ang tao na naroon sa labas. Pagkabukas ay nakita niya ang isang l

