LUMABAS si Greyson mula sa loob ng banyo habang pinupunasan niya ang basang buhok. Kakatapos lang niyang maligo sa sandaling iyon. Nagpatuloy naman siya sa paghakbang palapit sa cabinet niya para kumuha ng maisusuot. Binuksan niya ang drawer at kumuha siya ng brief niya at sinuot niya iyon. Nang matapos niyang isuot iyon ay kumuha siya ng pantalon at isinuot din niya. At akmang kukuha siya ng puting T-shirt ng mapatigil siya. At sa halip na T-shirt ang isuot niya sa sandaling iyon ay naghanap siya ng magandang isuot. Iyong pogi siyang tingnan sa harap ni Zeus. Hanggang sa napili niyang isuot ay ang puting long sleeve. Humarap naman siya sa full lenght mirror na nasa loob ng kwarto niya. Ibinutones niya ang long sleeve at inilihis din niya ang manggas na suot hanggang sa may siko niya. Pi

