NANG maiwang nag-iisa si Zoey sa bahay ni Greyson ay naisipan niyang tawagan ang family lawyer nila para makibalita dito kung nailipat na ba sa pangalan niya ang titulo ng mansion. Gusto na kasi niyang malipat sa pangalan niya ang mansion para matapos na ang lahat ng niyon at makauwi na siya. Nakailang ring din bago sinagot ng family lawyer nila ang tawag niya. "Good morning po, Attorney," bati ni Zoey kay Attorney De Leon mula sa kabilang linya. "Good morning, too, Zoey," ganting bati din nito sa kanya. "Tatawagan na din sana kita," mayamaya ay wika nito sa kanya. "Bakit po?" tanong naman niya. "Regarding ito sa Marriage Certificate na binigay mo sa akin," sagot ni Attorney De Leon sa kanya. "Ano pong tungkol sa Marriage Certificate?" tanong naman niya kay Attorney De Leon "May

