Chapter 5: Tarush na Conversation

2161 Words
SALLIE (POV) Hi, Sallie here and I'm having an INTROSPECTION. Yes naman daw! Introspection pa nga! Brainy naman ako nuh wag nga kayo. Napakasakit kasi talaga, biruin mo yung crush mo bading pala. Pagkamacho-macho, basketball player tapos hindi nene ang hanap, manoy din pala???!!!!! It's so so. Grabe ha, remember bago matapos yung last chapter? Aba sinakyan lang daw nitong Ancient yung kissing scene namin at ang kunyaring kami para pagselosin ang jowa niyang si Cedrick??!! Masakit yun noh!!!!! Hindi ka nagka-bf since your first day of existence tapos yung ultimate crush mo na gagawin mo ang lahat para lang maging kayo (yes, if ever gagawin ko naman talaga ang lahat nuh! Ngayon pa na nasimulan ko na ang pumasok sa gulo) ay isang sirena at ubod ng ganda. Wait.... Wait..... Wait..... Pareho ba silang bading? - iw! Di ba dapat yung isa sa kanila ay lalaki? - naku sana si Ancient yun! Kapag ganun may chance pa talaga kami. Pero sa pagkakaalam ko bilang isang babaeng bakla ay may mga category pa yang pagka-beki. Tayo na't alamin sa tunay na beki! .................................................... Kailangan ng question and answer portion para malaman ko ang mga dapat kong malaman. Nandito ako ngayon sa Pink shed ng UE- super kikay. Tambayan namin ito nila Betty at Waldo. Dito kasi ang papunta sa university gym kung saan nagpa-practice ang basketball team. Ito ang SILAY VENUE namin. Whahahaha! Harot much! This time around hinihintay ko si Waldo lang dahil kailangan kong malaman ang mga bagay-bagay tungkol sa sangkabekihan. Tanaw ko mula rito sa kinalalagyan ko ang isang machong lalaki, papalapit siya sa akin. Biceps- check! Wait lang bago natin ipagpatuloy ang checklist na ito, bakit ganun?? May napansin lang ako. Mas malandi pa sa akin maglakad ang loko ah. > Nanlaki ang mata ni Waldo. OMG! Masyado ba akong halata? Masyado bang obvious ang shifting? From Ancient usapang bakla na agad? Naku baka makahalata si Waldo! "Sino'ng bakla te?!", tanong niya with high pitch. Ting! Mabilis na nag-function this time around ang brain cells ko..... "Naku, di ba nga may bago kaming driver. Feeling ko bading siya at may gusto siya sa hardinero namin eh. Bilang babaeng bakla I just want to know more things about us nuh para hindi naman ako shungabels di ba?", ayan po ang aking palusot. "Ah okay", sagot ni Waldo at mukhang nakalusot naman ako, hehe. Imposible ring pagdudahan niya yung sina Ancient at Cedrick dahil hindi talaga sila halata tapos crush pa niya si Cedrick. "Sagutin mo na tanong ko", muling pagbabalik ko sa usapan. "Well naman te ganito yan pwedeng bi yung isa sa kanila o pareho silang bi o bading silang pareho", paliwanag niya while making kalikot sa kuko niya. "Bi? Eleborate it please...", slow motion na uli si brain cells , kumota na sa palusot. "Bi yung pumapatol either sa girl o sa boy depende kung ano'ng nakahain sa kanila. Doon sa parehong gay te medyo hindi ako approve dun kasi parang desperate move na yun eh, well opinion ko lang yun baka kwestyonin ako ng mga kabaro ko", he paused for a second and pout. "Oh tapos? Eh kapag yung lalaki pumatol sa bakla as in yung nasa relationship sila bakla na rin ba siya?", with super kunot noo ko na namang tanong. "Kapag lalaki talaga siya pumatol sa bading umasa kang may pera at huthutang kasama yun te, more on bi yung isa kapag pumatol siya tapos walang perang involve. Ganoon talaga te may mga pinagdadaanan tayong lahat eh", sabay tayo niya. "Oh teka bakit tumayo ka na?", tanong ko. "Time na te, late na tayo. Walang kwenta naman yang mga tanong mo eh te pabayaan mo na yang driver niyo", pinapatayo na rin niya ako. "Sige te mauna ka na may dadaanan pa ako sa library. Salamat ah", at mabilis na nag-exit si Waldo habang ako nagpaiwan pa rito. Wala naman talaga akong dadaanan sa library. Dah! Library kaya yun, bilang na bilang ang mga panahon na pumunta ako dyan. Gusto kong himayin ang mga sinabi ni Waldo. Sino ang bi? Sino ang bading? Bakit pumatol? Bakit! Isang toneladang tanong ang pumasok sa isipan ko. Kung mahihirapan akong alamin ang lahat kay Ancient, edi kay Cedrick ko na lang alamin. "Di ba Cedrick?", ang sabi ko na para bang dumaan si Cedrick sa harapan ko. Cedrick? Kaloka si Cedrick nga dumaan sa harap ko papunta na siya sa gym! "Cedrick!", tinawag ko siya. Lumingon naman ang loko, grabe hot din talaga siya. Dapat pala ay hinigpitan ko ang belt ko baka malaglag ang hindi dapat malaglag. "Yes little lady?", humarap siya sa akin. Medyo nakakairita ang little lady ah. Gloria Arroyo? Mahal? Grabe siya sa akin ah. "Marami tayong dapat pag-usapan kaya sa ayaw at sa gusto mo sasama ka sa akin at mag-uusap tayo", ang mataray kong pag-imbita sa kanya. "Yeah I know, mauna ka sa parking lot ng university", iniabot niya ang automatic key remote o kung anuman yun (hindi nagda-drive ang lola niyo eh), "doon tayo mag-usap privately for sure alam mo kung alin ang car ni Ancient katabi noon yung akin yung red." Aba pagkasabi noon ay tinalikuran na ako ng loko. Suplado talaga, infairness kinausap niya ako. Sa loob lang yata ng ring nagsasalita yun eh. HMPFT! Baka kapag magkasama sila ni Ancient madaldal din ito! HMPFT! Gora na ang lola niyo dun sa car. ...................................................... Dito na ako sa car, bilis no? Hindi naman ako nahirapang hanapin ito, katabi lang naman ng car ni Ancient eh. As in nandito na ako sa loob ah, mainit sa labas eh. Binuksan ko na rin ang aircon. Medyo pakialamera ako sa part na ito pero sya kasi mismo nagsabi di ba na mauna na ako. Marahil ayaw niyang may makakitang nakikipag-usap siya or kasama ako. More or less ganun na nga ang dahilan ng supladong ito. Medyo matagal ang pagsunod niya infairness ah. Syempre itotodo ko na ang pakikialam di ba? Chance na ito eh. Binuksan ko na muna ang radio ng car. Ayun tumutugtog ngayon ang KUNIN MO NA ANG LAHAT SA AKIN by ANGELINE QUINTO. Hindi ko na nilipat sa ibang fm station dahil baka maabutan pa ako ni Cedrick. Gusto ko kasing maghanap ng something na magiging patunay na bading ang lokong ito. Hanap..... Hanap..... Hanap..... Grabe, walang sign... normal na kotse lang ang dating na sosyal, pero halatang malinis at mabango talaga rito sa loob. Iyon na siguro ang sign no? Maarte siya sa kotse! Pero walang kwentang sign yun dapat yung tangible talaga. Hanap..... Hanap..... Hanap..... Then suddenly may napansin ako sa windshield. May nakaipit na parang picture dito, wallet size lang siya. Nasa pinakasulok siya at halos matakpan na ng baskeball figure na decoration sa loob ng kotse. Nasa banda ng passenger seat ito. Dahan-dahan ko itong kinuha..... Dahan-dahan ko itong tiningnan..... Ako'y nalerky sa aking namalas. Pagtingin ko rito ay larawan pala nila Ancient at Cedrick na magkaakbay. Sabay bukas naman ng pintuan ng kotse at pagpasok ni Cedrick sa loob. Nagulat ako kaya bigla akong napaharap sa kanya habang hawak ang litrato. Halos ibigay ko na nga ang litrato sa posisyon ko ngayon. Si Cedrick naman ay napatingin dito sabay tingin sa mga mata ko. Kunin mo na ang lahat sa akin Wag lang ang aking mahal Habang magkatinginan kami ay biglang dyan na ang lyrics ng kanta. Lakas ng timing ni Angeline ah, infairness to her. AWKWARD! "Don't touch that", sabay kuha niya sa litrato at saka pinatay ang tugtog, "lakas mo ring mangialam eh no." "Peace!", at nag-peace sign talaga ako with matching masingkit ng mata. "So, ano na?", ayan nagsimula na siyang magtanong. "Ahm.....", paano ko ba ito sisimulan? "Ahmm..." "Ahmmm..." "Ahmmm..." Kinakabahan ako, awkward kaya. "You're going to ask yung tungkol sa amin ni Ancient", napalunok naman daw ako ng laway, talagang napangunahan na niya ako. "Hehe", sabay tango ko. "Gusto mo ring malaman for sure kung sino ang bakla right?", aba nagpatuloy pa ang loko. Nababasa yata ang iniisip ko. Muli naman akong tumango as in todo tango. "Ayoko sa lahat nagpapaliwanag eh yung si Ancient kahit papano approachable yun pero pareho kaming emo at suplado. Ngayon ko lang gagawin ito kaya makinig ka na ng mabuti", humahaba na ang mga salitang sinasabi niya. Tumango lang ako ng bonggang-bonga! "I can't believe that you kissed him but I can't hardly believe that he kissed you back at sakyan na kayo kunyari", hindi siya nakatingin sa akin bagkus sa labas lang siya nakatingin mula sa windshield ng sasakyan. Ang gwapo ay, grabe..... Well, moving on. "That time ay may tampuhan kami, malaking tampuhan actually and you can call it LQ. Malamang sa oo ay pinagseselos niya lang ako kaya niya sinakyan ang palabas mo at nagtagumpay naman siya.", pagpapatuloy niya. Taray! May LQ talaga! Pero medyo na-hurt ako dun sa sinakyan ah. "So alam mo na ngayon ang dahilan kung bakit siya nakipaghalikan sayo at alam mo ng kami. Let's go to the second thing, kung sino ang bading sa amin", muli niyang pagsasalaysay ever yan. Ouch! Sila talaga! Ajujuju! Mamaya na ako mag-emote dahil interesting ang mga susunod niyang sasabihin. "Namatay sa isang car accident ang parents niya noong 4th year high school palang. Isang anak lang si Ancient kaya walang nag-alaga sa kanya. Best friends ang mga dad namin kaya doon na muna siya pinatira ni dad sa bahay namin. Sinuportahan namin siya, lalo na ako. Alam ko noong bata palang ako na bading na ako hindi ko lang malabas dahil boxer si dad (Manny Delgado), sikat siya at natatakot ako sa kanya. Pinili kong itago ang tunay na ako pero na-in love ako kay Ancient nagtapat ako sa kanya at hindi ko inasahang papayag siya sa relasyon namin", isang mahabang kwento ang suumunod kong narinig. Yehey! natuwa ako doon sa bading pala si Cedrick! Atlit! Pero paano si Ancient???? "Si Ancient hindi ko alam if he's bisexual or gay. Pareho kaming lalaking kumilos at manamit pero kapag kaming dalawa nalang ay mag-boyfriend ang turingan namin. Wala akong lakas ng loob na tanungin ang gender preference niya dahil baka bigla siyang magising sa katotohanan. Pero sa ngayon alam kong mahal niya rin naman ako", after ng lahat ng sinabi niya ngayon ay tumingin na siya sa akin, "so get out of ourlives little lady, huwag mo kaming sirain. Masyado na akong maraming sinabi kota ko na yun you can go." You can go..... Lumabas ako ng kotse, pinaandar na niya ito at saka humarurot na umalis. Nakakaloka ang mga nalaman ko. Pwedeng umandar na lahat ng sasakyan dito sa parking lot at banggain ako.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD