SALLIE (POV)
BLUER THAN BLUE BY REGINE VELASQUEZ
But I'm bluer than blue. Sadder than sad
You're the only life this empty room has ever had
Life without you is gonna be. Bluer than blue...
Bagay na bagay sa kanta ang pag-eemote ko rito ngayon sa kwarto ko.
Napatugtog ko na yata lahat ng senti songs ni Taylor Swift, umabot na rin ako sa mga classic senti songs ng US hanggang Korea at ngayon kay Asia's Songbird na ako.
Ajujuju!
Ang sakit kasi eh, 5 years kong crush tapos malalaman ko na may boyfriend. Life is unfair grabe! Sira na yung mga pangarap ko para sa aming dalawa. Wala na yung jerjer scenes, wala na yung baby at wala na yung jerjer scenes uli.
Ajujuju!
Magbigti na kaya ako? Masakit yun ayoko na pala. Iinom na lang ako ng lason? Hindi nga masakit pangit naman siguro ang lasa.... Iw!
I don't have to miss no tv show. I can start my whole life over
Change the numbers on my telephone but tonight will sure be colder.
Mula sa pagkakayuko at pag-eemote ay bigla akong tumingala. Hinangin ang aking buhok..... parang teleserye lang. May electric fan nga lang nakatapat sa akin.
Maluha-luha ang mga mata ko. Dahil na naman yan sa electric fan, ikaw kaya mabugahan ng hangin sa mata tingnan lang natin kung hindi ka maluha.
But seriously, na-realize ko mula roon sa part na yun ng kanta na I should start my whole life over.
Magmula bukas ay hindi ko na hahabulin o i-stalk pa si Ancient. Unti-unti ko nang kakalimutan na crush ko siya much better kung magpapalit na ako ng crush. Yung kunyaring kami wapakels na for sure hindi na kami magkikita, hayaan na lang na makalimutan iyon ng lahat.
"Goodbye Ancient Villaflor, magmula bukas hindi na kita crush at hinding-hindi na kita pagpapantasyahan", ang sabi ko sa sarili ko with dignity.
Natulog na ako ng mahimbing pagkatapos.
.......................................................
Bagong araw, hindi ako ginising ni daddy with his brief this time because for the first time in forever ay bumangon ako ng kusa. I should start this day right.
Pinipilit kong kalimutan si Ancient. Grabe talaga napakasaklap ng sinapit ko sa ultimate crush kong ito. Na-realize ko nga lang na hindi siya ganoon kadaling kalimutan dahil every corner of the university reminds me of him.
Nakita ko ang pink shed kung saan ko siya madalas abangan upang silayan. Mayroon siyang sariling tarp sa loob ng campus, wala lang gusto lang isabit ng iba pa niyang taga-hanga at hindi lang ito isa marami-rami rin kaya akala mo tatakbo siya sa susunod na eleksyon.
"You're the luckiest girl in the world for having Ancient in your life", isang estudyante ang lumapit sa akin at sinabi yan. Nakakatuwa dahil okay na sa kanila na kami ni Ancient.
Haaaaayyyyyy....
Kung alam lang nila ang totoo. Kainis! Kinakalimutan ko na nga yung loko eh!
"Sallie! Dalian mo nga kanina ka pa namin hinihintay", sinalubong ako ni Betina.
"Ano ba'ng meron? Nag-start na ba ang klase?", tanong ko sa kanya.
"Walang klase ngayon", excited niyang sinabi.
"Well alam kong dapat magbunyi kapag ganitong walang klase pero bakit parang kakaiba ang ngiti mo?", nagtataka kong tanong sa kanya.
"May victory party para sa Pink Seashells at dahil nabalitaan ni Sir Lou ang relasyon niyo ni Ancient ang section natin ang magiging partner ng student council to throw the surprise party tonight", ang nagagalak na balita ni Betina.
"Alam no namang joke lang na kami ni Ancient di ba? Sinusubukan ko na siyang kalimutan kaya ayoko ng sumama pa dyan sa paghahanda ng party na yan", paliwanag ko kay sa kanya pero parang hindi man lang siya na-disappoint.
"Naku hindi mo naman talaga kailangang tumulong sa paghahanda para sa party dahil kami na ang bahala doon. Sumama ka na lang kay Waldo at siya na ang bahala sayo", sabay turo niya sa papalabas ng room na si Waldo.
"Bye Betty girl", sabay hila sa akin ng bading na to.
"Bye, ikaw na ang bahala sa kaibigan natin!", she waved.
"Saan ba tayo pupunta ha?", ang naiinis kong tanong sa kanya.
"Te bakit ba ganyan ka pinaliwanag na sayo ni Betty di ba? May party para sa Pink seashells at bilang girlfriend ni Ancient you should be the most beautiful and the fairest of them all gaga!", maharot na paliwanag ni Waldo.
Tumigil ako sa paglalakad.
"Hindi ko siya boyfriend alam mo yan", sabay takip niya sa bibig ko.
"Gaga ka talaga eh kung may makarinig kaya sayo neh!", bulong niya.
"Ano ba kayo suko na ako sa kanya, hindi na magiging kami noon", sinimangutan ko ng bongga ang bakla.
"Bakit ha? Ano ba'ng problem te?", taas kilay niyang tanong.
Nag-isip ako ng palusot. Heto na naman ako. Hindi naman ako nahirapan.
"Suko na ako, mali kasi eh. Kasinungalingan lang ang lahat", oha bait-baitan ang palusot ko.
"Wow! Noong minsan lang kung maka-push ka dyan wagas ngayon may pagsuko factor ka na? Gaga ka te! Sakyan mo na lang ang lahat ng ito dahil wala namang mawawala sayo! You never know baka magka-develop-an kayo talaga", palinga-linga si Waldo sa paligid dahil baka may makarinig sa amin.
"I don't care!", yan lang talaga ang nasabi ko.
"Just this time te. Last na ito, sayang naman naghahanda na ang lahat oh", biglang naging seryoso ang mukha niya.
"Victory party pa kasi eh hindi naman sila nanalo", then I pouted.
"Ang hard mo sa kanila grabe ka! Sila pa rin naman ang 2nd placer sa UBL no!", paliwanag niya.
Well, nakonsensya tuloy ako dun, medyo hard and harsh na nga ako doon sa kanila sa part na yun. Sila pa rin nga ang second placer sa season na ito ng UBL.
"Sige na nga, last na ito ha?", pumayag na tuloy ako.
"Ou te, i-enjoy mo na lang. For sure naman magugustuhan mo rin ito no! Ikaw pa ba? Pantasya mo kaya ito!" sabay hatak niya uli sa akin.
Okay sige last na talaga ito Sallie ha! Pababayaan mo na si Ancient kay Cedrick after this. I-enjoy mo lahat ng mangyayari ngayon dahil ito naman talaga ang gusto mo ang magkaroon ng maraming moment with Ancient!
Sa mall kami nagpunta ni Waldo.
"Aano tayo rito?", tanong ko sa kanya.
"Te! Mayaman ka pero hindi halata! Wala kang class, walang breeding!", ang hard ng kaibigan kong ito sa akin ah.
"Ano gusto mong palabasin nyan ha?"
"Gusto ko maging maganda ka naman kahit ngayong gabi lang", sabi niya bakit hindi ba ako maganda?
"Grabe ka na talaga sa akin! Maganda ako no kulang lang sa height", super defensive ako syempre pa.
"Oo alam kong maganda ka pero iba yung standout na ganda te. Alam mo yung standout na ganda ang makakakuha ng atensyon ni Ancient at kung hindi man ng ibang mga lalaki dyan at bingo! Magkaka-boyfriend ka na!", medyo gusto ko ang sinabi niya.
Baka kapag standout beauty na ang peg ko ay mapatuwid ko pa si Ancient. Aba tama!
Hinatak ko si Waldo, "Saan tayo una?"
.......................................................
TIMBER BY PITBULL FT. KESHA
It's going down, I'm yelling timber. You better move, you better dance. Let's make a night, you won't remember. I'll be the one, you won't forget
Masayang tugtugan ang sumalubong sa amin pagpasok sa gymnasium ng university kung saan ginaganap ang party.
Hindi ko inaasahan ang magiging reaction nila ng makita ako. Nakatingin sa akin ang lahat.
Kitang-kita ko ang ngiti ni Betty. Kitang-kita ko ang sungay ni Miranda. Nakita ko ang buong miyembro ng varsity team na nakatingin sa akin including Ancient.
He looks so handsome and undeniably hot sa suot niyang body fit na polo at talagang close neck pa pero bagay na bagay sa kanya. He looks so damn sexy! Emeged! Hindi ko pala pagsisihan na pumayag ako rito sa party na ito.
Well, basag-trip sa eksena si Cedrick dahil magkatabi sila. Ako lang naman ang nakakaalam ng sikreto nila kaya ako lang ang nadismaya sa nakita ko. Terno pa talaga sila ng kulay ng polo nila na parehong kulay pink. Hindi nga lang close neck ang kay Cedrick and he's really hot too.
Back to me, tinginan pa rin sa akin ang mga tao sa loob ng gymnasium. Well, hindi ko sila masisisi dahil standout beauty ang peg ko ngayon. Light but very beautiful ng make-up ko. For the first time ay naka-heels din ako with my little white dress na simple lang pero na-emphasize ang curve at legs ko. Sexy siya pero hindi bastusin. Hindi na ako pinagsuot ng accesories ni Waldo para ma-highlight daw ang natural beauty ko. Nakalugay lang ang buhok ko pero nakakulot ito.
"She's really beautiful hindi nagkamali si Ancient sa kanya."
"May dahilan naman pala si Ancient na maging girlfriend siya eh."
"Naku sana ako na lang si Ancient."
"Sana ay ako na lang siya,ang ganda niya kasi."
Ayan naman daw, lumalaki ang tainga ko sa mga naririnig kong papuri. I love it!
"Bakit ganoon te? Hindi ka pa rin nilalapitan ni Ancient?", bulong ni Waldo na nasa gilid ko.
It's going down, I'm yelling timber. You better move, you better dance. Let's make a night, you won't remember. I'll be the one, you won't forget. It's going down (It's going down). I'm yelling timber. You better move (You better move). You better dance. (You better dance). Let's make a night. You won't remember. I'll be the one. You won't forget (You won't forget)
ooooh
Nagpatuloy ang masayang tugtugan. Marahil lahat ay nagtataka na rin sa hindi paglapit sa akin ni Ancient. If I know pinipigilan siya ng bading na yun. HMPFT!
Mula sa hanay nila Ancient ay may isang gwapong nilalang ang bumabagtas patungo sa direksyon ko.
Napalapit sa akin si Betina at mahigpit na humawak sa braso ko.
"You look so stunning. Kaya pala ikaw ang very first girlfriend ni Ancient eh. Masyado siyang mapili at hindi ko siya masisisi kung maghahanap siya ng isang katulad mo. I'm Rayver Agustin very nice to meet you", iniabot niya ang kamay niya.
"Hi, I'm Sallie Buwan. Salamat ha", iniabot ko rin ang kamay ko.
"Nakakatuwa ka during the game. Ilang babae lang ang may lakas ng loob na halikan ang boyfriend niya sa harap ng sobrang daming tao", nahiya tuloy ako sa sinabi niya.
Namula nga yata ako eh, nginitian ko na lang tuloy siya.
Napansin kong kanina pa yumuyugyog ang braso ko. Si Betina pala super crush niya itong si Rayver. Si rayver na pinaka-approachable at mabait sa grupo at sa tingin ko ay lalaking-lalaki siya.
"By the way here's my friend Waldo and Betina", pinakilala ko na ang mga kaibigan ko sa kanya.
Kinilig si Waldo syempre pa pero ang talagang masaya sa sandaling ito Betina.
"Kapag nag-break kayo ni Ancient sabihan mo lang ako ah ako ang manliligaw sayo", at saka na siya umalis pabalik kina Ancient.
"Grabe mukhang ikaw din ang gusto niya", malungkot na sinabi ni Betina.
"Betty naman, nagbibiro lang yung tao", syempre moral support naman daw ako.
Haaaayyyy... Sana lang talaga kami ni Ancient di ba. Pero dahil hindi naman talaga kami ay hindi ko pa rin papatulan si Rayver kahit totoo pa ang sinabi niya at kahit chance na yun para magka-boyfriend ako talaga dahil super crush siya ni Betina parang ako lang kay Ancient.
Mula rito sa kinatatayuan ko nakita kong kinakausap na ni Rayver si Ancient at kitang-kita ko rin ang pagsimangot ni Cedrick! Naku talaga ang baklang yun! Ngayong gabi lang naman eh!
Kung anuman ang sinabi ni Rayver kay Ancient ay maraming salamat sa kanya dahil papalapit na sa akin ngayon si Ancient sa akin.
Grabe, pwedeng slomo lang ang peg. Damhin ang moment na ito. Papalapit ang aking earth sa akin. Literal na tumigil ang tugtog. May nag-abot ng microphone sa kanya.
Sobrang gwapo at hot niya! Ang panty ko naka-belt na! Hooh!
"Thanks guys for throwing this party kahit na hindi kami ang nanalo sa finals ng UBL", ang sabi niya using the mic.
"For this very beautiful lady standing in front of me, you look WOW! This song is for you", ansabe niya?
I look wow????? Wow naman daw! Kinikilig ako promise, namumula na yata ako. Ayan na naman siya pretending to be my boyfriend. This song is for me daw? Kakanta ba siya? As in kakantahan niya ba ako???
Ang spotlight ay nakatutok ngayon sa aming dalawa at sa aming dalawa lang.
Unti-unti pa siyang lumapit sa akin. Mas malapit, lumalapit.....
OMEGED!
LITTLE THINGS BY ONE DIRECTION
Your hand fits in mine. Like its made just for me. But bear this in mind. It was meant to be. And I'm joining up the dots. With the freckles on your cheeks. And it all makes sense to me
Omeged!
Kinantahan nga ako ng loko. Sa pagkakataong ito ay feel a feel ko na para sa akin talaga ang kantang ito at hindi para kay Cedrick. Para sa akin ang mga linyang iyon ng kanta.
Pagdating ng chorus ng kanta ay lalo pa siyang gumwapo. Lumuhod siya sa harap ko at sinambit ang bawat linya na tagos hanggang puso ko. Grabe! Sobrang gwapo nya! Ramdam ko ang inggit sa lahat ng babae na nandito sa loob ng gymnasium.
I wont let these little things. Slip out of my mouth but if it's true. It's you. It's you
They add up to. I'm in love with you. And all these little things.
How I wish na mahal mo talaga ako at gusto mo ang lahat sa akin even the little things sa pagkatao ko.
Hindi na nagawang tapusin pa ni Ancient ang kanta dahil sa umalingawngaw sa loob ang pagkabasag ng isang baso kung hindi ako nagkakamali.
Dalawa ang pinto ng gymnasium, ang isa ay dito sa pinanggalingan ko at ang isa naman ay sa kabilang bahagi nito kung saan naroon sina Ancient kanina. Napatayo si Ancient sa pagkakaluhod niya samantalang napahinto rin ako sa kilig na nararamdaman ko at sabay kaming napatingin sa direksyon kung saan nagmula ang tunog.
Isang pamilyar na lalaki ang nagtatakbo palabas. Si Cedrick iyon kung hindi ako nagkakamali. Malamang ay si Cedrick nga dahil mabilis pa sa alas-kwatro na tumakbo si Ancient palabas upang sundan ang lalaking iyon, bading na iyon pala.
With my little white dress ay nakisunod naman ako.