Chapter 7: Basang-Basa sa Rain

1242 Words
CEDRICK (POV) Hindi ako manhid. Hindi ako tanga. May puso ako. At ang lintik na pusong ito lalaki ang gusto. Mahalna mahal ko si Ancient. Alam kong napilitan lang siya na makipagrelasyon sa akin dahil malaki ang utang na loob niya sa Daddy ko. I may have a Dad who is a boxer pero sinusuportahan niya ang relasyon namin ni Ancient noong magtapat kami sa kanya. Isang anak lang ako tulad ng mahal ko kaya naman close ako kay Dad. Huwag lang daw sanang may makaalam ng tungkol sa kasarian ko at sa relasyon namin para hindi masira ang image niya. Nagpakalalaki naman akong manumit at kumilos sa harap ng iba. I even joined the varsity team para masabing lalaki ako. Isa pa gusto kong sundan si Ancient cause he really wanted to play basketball kahit noong high school palang kami. Hindi siya nanligaw o tumingin sa kahit sino’ng babae noon pero hindi nawala ang takot ko na darating ang panahon na iiwan niya ako. Dalawang linggo sa practice game namin para sa UBL ay may isang babaeng lumapit sa kanya. Nagpa-autograph yung babae na normal lang naman na ginagawa ng lahat Nakakainis lang ay hinalikan pa siya nito sa pisngi. Kairita! Kapag may ganoong mga pangyayari ay normal lang sa akin na hindi siya kausapin at pansinin. Kinikilig ako kapag susuyuin na niya ako. Nararamdaman kong babae na rin ako. Laging gulat ko noong gabi ng UBL ng makipagtukaan siya sa small lady na iyon. Pinagseselos niya lang ba ako? Bakit parang naglevel-up na siya sa pagpapaselos sa akin? Nabalitaan ko pang nagpanggap silang magkasintahan. KInausap ko na si small lady pero bakit narito pa siya sa party namin? Pinipigilan kong huwag lumapit si Ancient sa ilusyonadang babaeng iyon pero pinapapunta naman siya nitong nakakainis na si Rayver. Masyadong pakialamero itong team captain namin. Sino’ng hindi magseselos habang may kinakantahan na iba ang mahal mo? Sino?! Nakakapang-init ng ulo! Nakakadurog ng puso! Tago man ang relasyon namin pero respeto naman sana dahil nandito lang ako sa paligid oh? Malandi talaga ang small lady na iyon! Ginusto niya ito! Sinadya niya! Hindi na ako nakapagpigil pa. Binato ko ang hawak kong baso sa sahig saka tumakbo palabas. Shet! Umuulan! Wala na akong pakiaalam dahil paglingon ko ay hinahabol ako ni Ancient kaya kailangang makalayo kami rito. Tumakbo ako habang sobrang lakas ng ulan. Kumukulog at kumikidlat pa sa hindi kalayuan. Nagpatuloy ako sa pagtakbo. May mga nakasilong sa shed na nadaanan ko. Dumiretso ako likod ng isang building malapit sa parking lot. Walang tao ngayon dito dahil gabi na. Tumigil ako habang patuloy ang pagbuhos ng malakas na ulan. “Bakit mo ba ito ginagawa?!” Narinig ko ang pagtigil din niya sa patakbo. “Ikaw ang dapat kong tinatanong nyan. Bakit mo ba ito ginagawa?” Ibinalik ko sa kanya ang kanyang tanong sa akin. “Alam mo namang pagpapanggap lang iyon. Kailangan ko lang sumakay.” Hindi ko siya hinaharap. Sabay sa pagdampi ng luha sa aking mukha ang pagbagsak din ng aking mga luha. Naghahalo na ang mga ito sa basang-basa kong mukha. “Hindi mo naman kailangang gawin iyon eh. You can let her go! Madali lang sabihing nangangarap lang ang babaeng iyon at isa lang siya sa mga babaeng nagkakandarapa na makuha ka. Bakit kailangan mo pang sumakay? Dahil ba gusto mo?” Ilang sandali pa ay narinig ko ang kanyang paglapit sa akin hanggang sa hinawakan nya ang aking mga balikat. Matagal na ang tampuhan namin. I miss his touch. “Iiwas na ako sa kanya. Huwag ka ng magalit.” Finally, narinig ko rin ang dapat kong marinig. Kapag sinabi ni Ancient ay gagawin niya talaga. Ako pa rin ang nagwagi. Sana ay mapanatili ko pa rin siya sa akin. Gagawin ko ang lahat para maging masaya siya sa piling ko. Hindi ko alam kung ginagawa nalang ba niya ito dahil sa awa o sa utang na loob pero wala akong pakialam kung iyon nga ang dahilan dahil doon ay nananatili siyang sa akin. Kaagad ko siyang niyakap. Nanabik ako sa kanya. SALLIE (POV) Heto ako ngayon, nag-iisa. Naglalakbay sa gitna ng dilim. Lagi na lang akong nadarapa. Ngunit heto, bumabangon pa rin Heto ako, basang-basa sa ulan. Walang masisilungan, walang malalapitan. Sana'y may luha pa, akong mailuluha. At ng mabawasan ang aking kalungkutan Dumi at putik sa aking katawan. Ihip ng hangin at katahimikan. Bawat patak ng ulan at ang lamig. Waring nag-uutos, upang maglaho ang pag-ibig. Heto ako, basang-basa sa ulan. Walang masisilungan, walang malalapitan. Sana'y may luha pa, akong mailuluha. At ng mabawasan ang aking kalungkutan Shemay naman oh at anak ng kalamay, yan talaga ang bagay na background music sa akin ngayon. Basang-basa ako sa ulan para lang masundan itong dalawa. Wala namang ibang sumunod sa amin dahil sobrang lakas talaga ng ulan at gabi pa naman din. Ako lang ang nakasaksi sa lahat ng kaganapan. Etang yan! Ansakit pala talaga kapag harap-harapan kang pinagpalit ng lalaking crush mo sa isang lalaki rin! Okay na sana eh kaso sa lalaki ka rin pinagpalit. Hindi ako kalayuan sa kanila. Nagtatago ako sa isang poste dito sa likod ng building malapit sa parking lot ng university. Hindi naman ako mapapansin dahil gabi na at sa liit kong ito malas ko nalang kung makita pa nila ako. Sayang nga itong white dress ko dahil nadumihan lang. Panira talaga ng baklang yun! Wala akong narinig sa pinagusapan nila, more on action lang nila ang pinagmamasdan ko. Malakas nga kasi ang ulan tapos gabi pa. Nakikita ko pa naman din sila dahil may posteng may ilaw din sa malapit at malawak naman ang nasasakop ng liwanag nito. Patali-talikod pa si bakla oh. Nagdadrama malamang. Nagpapaawa. Gusto kong sigawan si Ancient na huwag maniwala eh pero sino ba ako? Fake girlfriend niya lang naman ako. Kung tutuusin sila talaga kahit labag pa sa mata ko. Shemay! Etang yan! Lumapit na itong si Ancient kay Bakla! Hinawakan pa sa balikat si Bakla. Ilang sandali pa ay humarap si Bakla at walang habas na niyakap si Ancient. Napatalikod nalang ako. Hindi ko na ito keri! Baka mamaya ay magtukaan pa yung dalawa. Baka mawala pa ang virginity ng mga mata ko. Boy to boy pa naman din. Nakakakilabot! Pero parang wala namang ganung mangyayari dahil nilamig na siguro sila. Naramdaman ko ang kanilang mga hakbang kaya muli ko silang tiningnan. Papunta na sila sa parking lot. Wala na akong planong sundan pa sila dahil baka doon na nila ituloy ang masamang iniisip ko. Pinapangunahan ko na sila. Imagine nalang talaga na yung kanta n Aegis ang background music ko ngayon. Shemay, masakit eh. Naglalakad ako palabas ng university. Umuulan pa rin. Mabuti na ito para walang makakita sa akin dahil nakasilong pa ang lahat. Feel na feel ko ang sakit. Tagos eh! Aba lakas lang makapanakit dahil dumaan ang kotse ni Cedrick. Hinihintay ko na dumaan din ang kotse ni Ancient pero wala, walang dumaan. Isa lang ang ibig sabihin nun, magkasama sila dun sa kotse ni Bakla. Bakit hindi pa itodo ang ulan at lunurin ako! Sige na oh! Okay sige OA na ako, crush lang naman ito. Pero kasi first kiss ko si Ancient, second at third tapos ang makakaribal ko pa sa kanya ay isang bekibels. Saklap di ba? I have no choice. Moving on na talaga ang kasunod nito. Hahayaan ko na sila kung iyon ang gusto nila. Doon sila masaya, kokontra pa ba ako?
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD