CHAPTER 23: PAG- IBIG AT PAGKAKAIBIGAN
SALLIE (POV)
"Kami ni Waldo maghahalikan? Kay Betty wala akong problema kahit ilang minuto o oras pa kaming paghalikan. Pero kami ni Waldo? Don't do this to me Sallie!" Reaksyon ni Rayver nang sabihin ko ang plano ko sa kanila.
"Grabe naman diring- diri lang Rayver? Kaloka ka ah! Mas maganda naman ako kay Betty!" Iritableng tugon ni Waldo pero sa totoo lang alam kong excited siya sa plano ko.
"Kahit kaya ako hahalikan mo. Pero 'yung kiss mo sa amin ni Waldo aangguluhan naman natin. Hindi naman totoong naghahalikan. Yung sa inyo lang ni Betty ang gagawin nating totoo sa lahat." Paliwanag ko.
"Okay game!" Mabilis pa sa alas kwatro itong pumayag.
"Kaloka ka ah! Halatang si Betty lang ang gusto mong halikan dito! Dapat open kang halikan ang friends niya! Kaloka 'to!" Biro ni Waldo saka hinarap si Betina. "Oh ikaw ate guuuurl! Tatahimik- tahimik ka dyan? Kilig ka guuurl?"
"Hayaan mo na sila Walda. Ano guys? Game?"
"Game!"
Ayun mukhang matagumpay naman ang plano ko. After kong i- post anonymously ang kiss namin ay gumawa agad ito ng ingay sa comment section ng website. Nang magtipun- tipon ang lahat ng estudyante noong gabi dahil pabalik na kami sa Manila ay narinig din namin ang mga komento nila.
"Sila ba 'yung naghahalikan? Sila ba talaga 'yun?"
"Hindi ko nga alam eh. Hindi ko masabi kasi madilim. Hindi ko makilala."
"Naku parang yung video lang nila Ancient at Cedrick. Baka nga hindi naman sila 'yun may gumagawa lang ng issue sa pinakasikat na mga lalaki ng ECE Department."
"Truelagen!"
Napangiti nalang ako saka nakipag- apir sa aking mga kaibigan. Lumapit naman sa amin si Miranda kasama si Arthur, mukhang bati na sila at sina Toma at Jeray.
"Nice one my dearest cousin. Na- divert mo ang attention ng mga ito at napaisip mo silang hindi totoo ang video nila Ancient at Cedrick. Wag kang mag- alala at least now may hint na ako kung saan ako magsisimula. So be ready for my future pasabog."
"Bring it on Miranda. Tingnan natin kung sino ang pupulutin sa kangkungan at kung sino ang mangangamote sa huli." Yes naman daw! Tapang- tapangan na naman ako.
"Guys pumayag 'yung iba naming kasama sa bus na makipag- switch ng bus. Doon nalang kayo sa bus namin ni Cedrick para magkakasama tayo. Para hindi na rin natin kasama sa bus yang sina Miranda." Mabuting balita ang dalang iyon ni Rayver.
"Oh! Bye Miranda! Doon na pala kami sa kabilang bus eh!" Ngumuso pa ako sa kanya.
"Tse!"
Bago sumakay ng bus ay nagusap- usap na muna kami kasama sina Ancient at Cedrick.
"Thank you Sallie. Thank you sa inyong lahat dahil inayos niyo yung video. Sorry kung masyado akong naging emotional at selfish kanina. Magmula ngayon gusto ko na rin kayong maging kaibigan Waldo, Betina at ikaw Sallie." Taray! Hindi ako makapaniwalang lalabas iyon sa bibig ni Cedrick. Mukha naman siyang sincere at masaya rin ang timpla ng mukha niya.
"Wow ah Sallie na ngayon hindi na little lady!" Reaksyon ko. "Pero masaya ako't finally magkakaibigan na tayo. Hindi echos yan ah?!" Paniniguro ko.
Napangiti siya. Ang gwapo rin talaga nitong si Cedrick eh lalo na kapah ngumingiti. "Hindi echos. Ang dami kong natutunan sayo kanina. Tatawagin pa rin kitang Little Lady kapag nakasumpong ako."
"Halaaa grabe siya."
"Uy Cedrick, hindi na kita lalandiin pa. Sorry kung nairita ka sa akin ah. Ngayong alam mo na'ng kayo talaga ni Papa Ancient wag kang mag- alala di na kita lalandiin. Love wins! Kung sila sana talaga nitong friend kong si Sallie baka maagaw ko pa si Papa Ancient pero dahil ikaw. Wala na. May nanalo na."
"Hahaha!" Nagtawanan naman kaming lahat.
"It calls for a group hug!" Anyaya ni Rayver.
Ayun mega super diamond group hug naman kami. Bago kami bumalik malapit sa bus namin ay lumapit na muna sa akin si Cedrick.
"Yung deal tuloy pa rin naman wag kang mag- alala Sallie. Ituloy niyo lang ni Ancient ang mga bagay- bagay. Payag pa rin naman akong matikman mo siya kaya wag ka nang mahiya pa. Go na." Bulong ni Cedrick.
"Alam mo ikaw kaloka ka. Bakit naman gusto mong ipalapa sa akin ang boyfriend mo? Kapag yan talaga tinikman ko promise wala akong ititira sayo." Sarkastiko kong tugon sa kanya.
"Wala akong pakialam. Ubusin mo kung kaya mo. I have my own reasons. Gusto ko maging masaya siya sa piling mo. Tsaka nga pala, kahit kayo na ang magtabi pauwi sa bus. Kami nalang ni Waldo ang magtatabi. Mukhang si Betina ang tatabihan ni Rayver eh." Saka siya tuluyang lumakad palayo.
Weird din talaga 'tong si Cedrick eh. Apaka weird. Di ko alam kung ano pa ang mga tinatago niya sa life pero masaya ako sa progress namin. Pak!
Kapag ika'y may problema
Ako ay tawagan lamang
Lagi mong makakausap
Sa saya o lungkot man
Maaasahan mo ako
Palagi ay naririto
Hindi kita iiwanan
Ako'y kaibigan mo
Lagi kasama mo
Maging ang buhay ko'y handa para sa'yo
Di kita bibitawan at di hahayaan
Ako'y kaibigan mo, pangako ko sa'yo
Sa unos o bagyo ay kubli mo ako
Ang pagmamahalan, wagas at totoo
Ang ating pagkakaibigan ay walang katapusan
Ang puso at kalooban ay bukas pag kailangan
Maaasahan mo ako, palagi ay naririto
Hindi kita iiwanan
Ako'y kaibigan mo, lagi kasama mo
Maging ang buhay ko'y handa para sa'yo
Di' kita bibitawan at di' hahayaan
Ako'y kaibigan mo, pangako ko sa'yo
Sa unos at bagyo ay kubli mo ako
Ang pagmamahalan, wagas at totoo
Hanggang ako'y nabubuhay
Lagi makakaramay
Ang pagkakaibigan ay tunay
Hindi mag-iiwanan kahit ano ang laban
Ang pagkakaibigan ay ganyan
Ako'y kaibigan mo, lagi kasama mo
Maging ang buhay ko'y handa para sa'yo
Di' kita bibitawan at di' hahayaan
Ako'y kaibigan mo, pangako ko sa'yo
Sa unos at bagyo ay kubli mo ako
Ang pagmamahalan, wagas at totoo
Kaibigan mo ako
..........
Betina (POV)
Hinigit muna ako ni Rayver. Hindi muna kami kaagad bumalik sa bus.
"Huy Rayver saan tayo pupunta? Baka maiwan tayo ng bus."
"Don't worry. Hindi yun aalis nang hindi kumpleto ang sakay."
"So saan nga tayo pupunta aber?"
Saka niya ako biglang niyakap. Shet! Niyakap niya ako. I can feel his warm body embracing. Hindi lang basta warm dahil ang tigas din ng muscles niya. Alam mo yung pakiramdam na sobrang safe dun sa mga bisig niya. Hindi 'yun OA. Iyon talaga ang naramdaman ko
"Ah eh. Bakit may pagyakap Rayver? Maysakit ka ba? May masakit ba sayo?"
"I like you Betty. I like you. Pwede ba kitang ligawan?" Tanong niya saka umalis sa pagkakayakap sa akin. Then lumuhod siya sa harapan ko.
"Huy ano ka ba?! Bakit ka lumuluhod dyan? Tinatanong mo palang ako kung pwede kang manligaw di ba? Hindi pa naman proposal. Tumayo ka nga dyan!"
Hindi ko alam ang gagawin ko. Ako yung taong sobrang straight forward pero sa sandaling iyon mas nangibabaw ang mga paru- paro sa tiyan ko. Hindi ako mapakali. Parang sasabog ang dibdib ko. Gusto ko na nga siyang maging boyfriend eh. Agad- agad na. Wala na nga sanang ligawan.
"Syempre baka kasi hindi ka pumayag eh. Ngayon lang tayo naging close. Pero dati pa kita gusto Betty. First year palang tayo. Sayang at hindi tayo magkaklase. Pero noon pa man gandang- ganda na ako sayo at nababalitaan ko na ang prangka at matalinong personality mo. Sobrang saya ko nga dahil nagkaroon ako ngayong graduating na tayo ng chance na makilala ka. Sobrang torpe rin kasi ako kaya hindi ako kaagad nakagawa ng moves. Pero ngayon sobrang kinokontrol ko ang lahat ng katorpehan sa katawan ko. Sana ay pumayag kang ligawan kita Betty."
"Tumayo ka na dyan! Oo Rayver! Pumapayag na akong ligawan mo ako!"
"Yahoooooo!" Saka siya tumayo at dagli akong niyakap.
I like the way you sound in the morning
We're on the phone and without a warning
I realize your laugh is the best sound
I have ever heard
I like the way I can't keep my focus
I watch you talk, you didn't notice
I hear the words but all I can think is
We should be together
Every time you smile, I smile
And every time you shine, I'll shine for you
Whoa, oh, I'm feeling you, baby
Don't be afraid to jump then fall
Jump then fall into me
Baby, I'm never gonna leave you
Say that you wanna be with me too
'Cause I'ma stay through it all
So jump then fall
Well, I like the way your hair falls in your face
You got the keys to me
I love each freckle on your face, oh
I've never been so wrapped up, honey
I like the way you're everything I ever wanted
I had time to think it o-over
And all I can say is come closer
Take a deep breath and jump then fall into me
'Cause every time you smile, I smile
And every time you shine, I'll shine for you
Whoa, oh, I'm feeling you, baby
Don't be afraid to jump then fall
Jump then fall into me
Baby, I'm never gonna leave you
Say that you wanna be with me too
'Cause I'ma stay through it all
So jump then fall
The bottom's gonna drop out from under our feet
I'll catch you, I'll catch you
When people say things that bring you to your knees
I'll catch you
The time is gonna come when you're so mad you could cry
But I'll hold you through the night until you smile
Whoa, oh, I need you, baby
Don't be afraid, please
Jump then fall
Jump then fall into me
Baby, I'm never gonna leave you
Say that you wanna be with me too
'Cause I'ma stay through it all
So jump then fall
Jump then fall, baby
Jump then fall into me, into me
Every time you smile, I smile
And every time you shine, I shine
And every time you're here
Baby, I'll show you, I'll show you
You can jump then fall, jump then fall
Jump then fall into me, into me, yeah
..........
WALDO (POV)
Umihi na muna ako bago sumakay sa bus namin. Lipat bus kami. Mukhang mahaba- habang tulugan ang magaganap sa byahe. Ayokong istorbohin ako ng pantog ko.
Palabas na ako ng cr ng biglang may humatak sa akin pabalik.
"A- arthur?"
"Ako nga. Ako ang kumuha ng video nila Ancient at Cedrick. Ako rin ang nag- post. Wag mo nang hayaang paimbestigahan pa iyon nila Sallie huh? Ayokong hindi maka- graduate Waldo. Please pigilan mo silang mag- investigate."
"O- okay." Napa- oo nalang ako. Mukhang takot talaga siyang mabukong siya ang may sala eh.
Tapos bigla ba naman akong hinalikan ng loko. Hindi lang halik. Laplap na naman! Jusmiyo marimar! Mukhang makakasanan ko nang hinahalikan ako ni Arthur ah! Ang sherep!
"Aaaah Arthur..." ay siomai na yan napapaungol talaga ako sa sarap.
"Yeah ang sarap mo Waldo."
Ano raw? Ang sarap ko? Pangalan ko ba talaga ang sinabi niya?
Inahon mo ako
sa malamig 'kong mundo
Hindi ako makapalag,
'di kita mahinto
Ang iyong pagnanasa,
sa akin mo nakita
Ang init 'mong nadama,
nasa akin ang ginhawa
At ako'y inangkin mo,
na maging iyong-iyo
Pawisan ka nung ginawa mo
tanganan ako
Tinanggal mo ang takip ko
upang ako'y tikman mo
Hindi kita mahinto
at naganap ang gusto mo
[REFRAIN]
Labi sa labi
Tayo'y nagkaisa
Labi sa labi
Pinagbigyan kita
Init ng 'yong katawan
ay aking diniligan
Lahat ng akin,
inangkin mo
Labi sa labi
At napawi ang uhaw mo
Pikit-mata ka pa
habang nilalasap mo
ang bawat sandali
ng sarap ko
Binuhos 'kong lahat
ang lunas 'kong tiyak
Labi sa labi,
Hanggang sa huling patak
[REPEAT REFRAIN]
At nang tapos kana
at tuyo na rin ako
Mahal kong ginoo,
Ikaw ay lumayo
Nag-iisa muli ako
Isang mistulang basyo/vacío
Magkakalaman muli
Sagot sa uhaw mo
[REPEAT REFRAIN]
[CODA]
Labi sa labi
Tayo'y nagkaisa
Labi sa labi
Pinagbigyan kita
Nag-iisa ako
Isang mistulang basyo
..:Balang araw:..
Magkakalaman muli
Labi sa labi
muli tayo
..:Hanggang sa muli nating pagkikita:..
..:Mahal ko:..