[ASHLEIGH'S P.O.V.] "How was your business meeting with Mello?" tanong ko agad kay Blaine nang makauwi siya sa mansiyon. Hindi pa rin ako sanay sa itsura niya ngayon. Umupo naman siya sa tabi ko na para bang pagod na pagod. "Kaunti na lang ay halos maligo na ako sa alcohol. Nasusuka ako kapag naaalala ko kung gaano ako kabait at kaayos makipag-usap kay Mello kanina. Hindi ko masikmura. Ganito pala kahirap ang magpanggap," sagot niya sa akin. Natawa naman ako dahil sa reaksyon niyang 'yon. "You did a great job today. Sigurado ako na pumayag siya sa business proposal mo." "Yeah, he did agreed to my terms and condition. Pero may isa pa akong hindi inaasahan na mangyayari kanina. He doesn't want me to be just his business partner, but he offered me to be one of his shareholders." Napat

