[ASHLEIGH’S P.O.V.] “Ashleigh Autumn Deville.” Napatigil ako nang marinig ko ang sinabi niya. Ngunit hindi ako nagpatinag at pinagpatuloy ko pa rin ang pag-akto ko. Kahit na sobrang daming mga tanong na agad ang naiisip ko. “Woah! Just a ten minutes fight and it’s already game over! Player A wins against Player B, who appointed a game with Player A! Unbelievable!” anunsyo pa ng Vice Supreme. Naghiyawan naman ang mga tao. Siguro ay nabitin dahil mabilis lang natapos ang laban naming dalawa. Pero para sa akin ay matagal na ‘yon. Nagtataka pa nga ako kung bakit hindi niya ako tinuloy na saksakin kanina. May tiyansa na siya, pero hinayaan pa niya ako na makatakas mula sa pagkakaibabaw niya sa akin. “Sino ba ‘yang tinutukoy mo? Kanina ay Griffin, tapos ngayon ay ibang pangalan na nama

