[ASHLEIGH'S P.O.V.] Tinawagan ako ni Annaise noong gabing namatay ang mga VIPs ng M.O. Mukhang narinig na niya ang balita tungkol sa nangyari sa mga ito. Binigyan ko rin naman siya ng mensahe. Nang sa gano'n ay malaman na rin niya kung ano ang kinahinatnan ng mga VIPs na 'yon. Ayoko naman na maunahan pa niya ako na pagbayarin ang mga hangal na 'yon. Lalo na at mas may karapatan naman ako na maghiganti kaysa sa kaniya. Kaya naman ay plano ko ang nasunod at hindi ang sa kaniya. ["Nasaan ka ngayon??"] Ramdam ko sa boses ni Annaise ang pagiging seryoso niya. "Nasa bahay ako, bakit? May problema ba?" kunwari ay kuryoso na tanong ko sa kaniya. Kahit na alam ko naman na kung tungkol saan ang sasabihin niya sa akin. ["May alam ka na ba tungkol sa kung ano ang nangyari sa mga tao na iniutos k

