[MELLO IXEN'S P.O.V.] "Ano na ang balita sa imbestigasyon? May lead ka na ba kung sino ang may kagagawan ng nangyari sa mga VIPs mo?" tanong sa akin ni Near. Wala pa akong maayos na tulog simula noong nakabalik ako sa dorm. Hindi rin ako pumasok ngayon sa mga klase at nakausap ko na rin ang school administration. Nagdahilan ako na kanselado ang seminar na magaganap sana sa Alston ngayong araw dahil hindi natuloy sa pagpunta ang mga VIPs namin dito sa Elysia. Hindi naman nila nabalitaan na may mga nakapasok dito kahapon na mula sa ibang bansa. Kaya naman ay naniwala sila noong sinabi ko 'yon. Hanggang ngayon ay naghahanap pa rin ako ng mga ebidensya para matukoy ko kung sino ang gumawa ng gano'n kabrutal sa mga VIPs namin. Pero kahit anong hanap ang gawin ko o pati ng mga tauhan ko ay wa

