•CHAPTER 5: SIGH, MEETING THE SYLVIA, TCH•

1852 Words
▪️▪️▪️ Nahilot ko nalang ang sumasakit na ulo ko habang inililibot ang tingin sa loob ng closet...lahat nang nandito ay parang suotin ng mga babae sa bar...kung hindi napakaiksi, napakakintab naman na ang sakit sa mata...wala rin syang simpleng sapatos man lang...puro high heels. Sa pangalawang pagkakataon napabuntunghininga ako dahil dito. Katatapos ko lang maligo at towalya lang ang nagtatakip sa hubad na katawan ko...at kasalukuyang pinupobrema kung anong susuotin... Ang dating Nicolette ay minsan lang pumupunta sa Main House, lalo na ang kumain doon...ito palang ang unang beses simula nang umalis siya sa bahay na iyun...but since, ako na ang may control sa katawan na ito...gusto kong gawin ang mga gusto ko, at napagdesisyunan ko na pumunta. Pagkatapos nang ilang oras, nakahanap narin ako ng matino-tinong damit...simpleng white dress, tapos isang black heels na terno doon sa dress...inilugay ko nalang ang buhok ko at hindi na ako nagmake-up... Nung makalabas ako sa kwarto, naghihintay na doon si Nay Rita.. "Tara na?" saad ko rito pero nanatili lang itong nakatingin sa akin at parang hindi ako narinig... "Nay?" nilapitan ko ito at ini-wave ang kamay ko sa harapan nya, at doon lang nya naalis ang pagkakatulala...napangiti nalang ako dahil doon, hindi ko alam na medyo matutulalain pala si Nay Rita. "Le..lette?" nangunot ang noo ko sa tanong nyang iyun...ano bang ibig nyang sabihin? "Uh...eh..ah..t..tara na" tapos bigla nalang syang tumalikod sa akin at naglakad palabas ng apartment...puro pagtataka naman akong naiwan doon bago sumunod nalang sa kanya... ------------------- Lito parin sa nangyari si Lette, pero sumunod nalang din sa kanyang Yaya...habang si Rita naman ay hindi parin makapaniwala sa laki ng ipinagbago ng alaga, kamukhang-kamukha nito ang yumaong asawa ng matandang Salvatore nung kabataan nito. Ang lola ni Lette.... Hindi nya akalain na ganito ang itsura nito kapag walang make-up na sout..bumagay din dito ang simpleng white dress nito, talagang kitang-kita ang tunay nitong ganda...na lahat ay napapalingon dito habang palabas sila ng condominium. Wala namang kaalam-alam dito si Lette at sumusunod lang sa kanyang Nanay Rita... Nang makalabas sa building, may naghihintay na sa kanila doong kotse na susundo sa kanila...nangunot nanaman ang noo nya ng hindi makilala ang klase ng kotseng nasa harapan niya...simula nang umalis siya sa hospital lahat ng gamit na nakikita nya ay bago sa kanyang paningin...pero umakto nalang syang walang pakialam. Ang kotse na sumundo sa kanila ay isa sa mga kotseng inilabas ng Dinos, syempre hindi nya ito makikilala dahil kalalabas lang ito. Nang makarating sa isang napakalaking gate, huminto muna sila para sa inspection pero hindi rin naman sila pinaghintay nang malamang siya ang sakay ng kotse... Malayo pa ang Main House sa pinasukan nilang Gate, malaki kasing kalupaan ang nasasakop ng bahay...ganun kayaman ang pamilya ng Sylvia... Ilang minuto pa bago sila tuluyang nakarating sa malaking Mansion, sinalubong din sila ng ilang maids at bumati sa kanya... "Well well...well, who's this...hindi ko akalain na dadalo ka, My dear Nicole" bago pa sya makapasok ng Bahay, sinalubong na agad siya ng kanyang Step-mother kasama ang kanyang half-sister... "... Pft bagay sayo, I didn't mean anything bad by it...kaya sana huwag ka nang mageskandalo sa hapagkainan, mas mababa kapa kasi sa mga basura kong hindi mo iyun aalisin sa ugali mo *smile*" napabuntunghininga nalang si Lette sa sarili dahil sa dalawang babae sa harapan niya... "Is that so.." maikli nalang nya itong sinagot at nagpatuloy pumasok, pero bago pa nya malampasan ang mga ito hinawakan sya sa braso ng kanyang step-mother, medyo mahigpit ito kaya nawala ang ngiti sa mukha niya.. "Don't act all mighty Nicole, like what I already said you don't belong here...b*tch" saad nito bago sya lampasan... Isang ngiti(ngisi) lang ang ibinigay sa kanya ng kanyang half-sister bago sumunod sa Ina nito...kung sya ang dating Lette, baka nagwala na sya sa galit sa mga ito at gumawa nanaman ng eksena... "Lette, are you okay?...ang mga bruhang iyun!..dahil wala kang laban sa kanila ginaganito ka nila...aish!" "Nay, relax...puso mo, hehehe" pagbibiro niya sa Yaya bago nagpatuloy sa paglalakad papasok ng bahay, wala namanang nagawa si Rita kundi ang kumalma at sumunod nalang sa alaga...alam ni Lette na alam ng kanyang ama na ganito ang trato sa kanya ng dalawa, pero nananatili parin itong indifferent at hindi na ngingialam. Base sa alaala niya sa ama ng dating lette, cold at indifferent ito sa kanya. Nang makarating sa sala, isang mahabang mesa ang puno ng pagkain ang sumalubong sa kanyang paningin...nakaupo narin sa kani-kanilang upuan ang lahat, ang wala nalang ay ang kanyang Lolo na head ng pamilya... Cold lang syang bumati sa ama at sa ilang kamag-anak na naroroon bago umupo. Ni hindi sya binigyang pansin ng ama, habang karamihan ay nagulat dahil sa bigla nalang nyang pagsulpot. "Mabuti naman at naisipan mong magpakita, kung hindi ka pa maaaksidente hindi mo maiisipang magpakita" saad ng kanyang Tiya, kapatid ito ng kanyang ama at ang sumunod dito. Ito rin ang kasalukuyag humahawak sa isa sa mga kompanya na pagmamayari ng pamilya. "Mom, kalalabas lang ni Nicole sa ospital huwag mo naman syang pagsungitan" saad ng anak nitong babae, base sa naaalala ni Lette isa itong sikat na artista. Heather Sylvia, isang taon lang ang tanda nito sa kanya, at ito ang pinakakinaiinisan ng dating Lette. Dahil kung hindi sa half-sister niya siya ikinukumpara, dito naman. Marami syang dahilan kung bakit galit na galit sya dito. Isa na rito ay kung paano ito tumingin at ngumiti sa kanya na pakiramdam nya minamaliit sya nito. "Nararapat lang iyun sa kanya, para magtanda. Sya din naman ang may kagagawan kung bakit sya naaksidente. Kung hindi sya nagmaneho ng lasing, hindi lahat ng iyun mangyayari" dagdag naman ng isa sa mga Tiyo nya... "Pero nasa hapagkainan tayo kuya, mamaya nyo na iyan ipagpatuloy pagkatapos nating kumain..Mas magagalit si Dad sa ganyan" saad ng bunso sa magkakapatid. "Tch" Nakita nya kung paano ngumisi sa kanya ang half-sister nya na nakaupo sa katapat na upuan, binigyan nya lang ito ng cold na tingin tyaka ngumiti dito na ikinabigla nito. Inalis nalang nya ang tingin dito, sakto pa ang pagdating ng kaganina pa nila hinihintay kaya hindi na ito nakapagsalita. """Dad/Grandpa""" "Oh! Is that you Lette? Apo! Ang paborito kung apo, you're here!" gaya nang alaala ng dating Lette, sa boung pamilya ang lolo lang nya ang nagmamahal sa kanya... "Hehe...lolo! Nandito na ako" lumapit sya dito habang nakangiti at binigyan ito ng isang yakap. Pero kahit sya pa ang paborito nito, at ito ang dahilan kung bakit nagtatamasa parin sya ng karangyaan kahit na sya pa ang pinakakinamumuhian ng lahat wala parin itong magagawa sa kundisyon ng buhay nya ngayon. Lalo na't ang ama na nya ang may hawak ng Main Company ng pamilya...Isama pa may sakit na ito, kaya ayaw na nyang sabihin dito ang problema nya dahil baka makalala pa sa kundisyon nito. Kaya nung mag-college ang dating Lette, nagdesisyon ito na umalis sa main house, nung una hindi pa pumayag ang lolo nya pero pinilit parin nya ito, binigyan sya nito ng condo na nakapangalan sa kanya at mga credit card na pwede nyang gastusin. Nang makaalis sa main house, para makalimutan ang problema sumandal sya sa mga barkada at nalulong sa alak. Lahat ng pinaggagagawa nya ay para malimutan ang sakit. May ginawa din syang kontrata sa ama nya para maitago lahat ng gagawin nya sa lolo nya. Kaya lahat ng pinaggagagawa nya ngayon ay hindi alam ng lolo nya, kahit yung aksidente nya hindi nito alam. "Ang laki-laki muna ah, bakit hindi ka man lang nakaisip na dalawin ako paminsan-minsan. Nagtatampo na ang lolo..." "Pasensya na lolo, marami lang akong ginagawa." "Pumayat ka pati, siguro pinupwersa mo ang sarili mo sa trabaho mo...ang laki mo na talaga, ngayon mas nahahawig ka na sa lola mo." "Maganda na ba ako tulad ni Lola, Lolo?" "Hehehe...magandang-maganda, kamukhang-kamukha ka na ng lola mo..natatandaan ko tuloy nung ligawan ko ang lola mo. Eyah~ inlove na inlove talaga ako nun." "Dad" sumingit na ang ama ni Lette sa usapan nila, tiningnan pa sya nito ng makahulugan kaya wala na syang nagawa kundi ang bumalik sa upuan pero pinigilan sya ng matanda. "Saan ka pupunta? Dito ka sa kalapit ko umupo. Hindi mo na ba naalala ang palagi mong inuupuan? Dianna. Lumipat ka nga ng upuan, dyan ang apo ko" nabigla ang lahat sa sinabing iyun ng matanda kahit si Lette ay nabigla rin. Sa loob-loob nya gusto nyang matawa sa itsura ng mga naroroon pero pinigilan nya ang sarili. Wala namang nagawa ang Tiya Dianna nya kundi ang lumipat ng upuan na puno ng kahihiyan. Ang kaganinang ngiti sa mga mukha ng mga naroroon ay nawalang parang bula...kung maaari lang nyang picturan ang mga mukha ng mga nandoon ginawa na ni Lette. Dahil sa nangyari, masayang nakakain si Lette, kahit ang kawalang-gana nya kaganina ay napalitan ng gutom. "Aalis kana? Magpalipas kana ng gabi dito apo, minsan kana ngalang umuwi ng bahay, aalis kana agad. Samahan mo muna ang lolo, kahit isang gabi lang" Ang plano ni Lette ay umalis rin pagkatapos kumain, pero agad syang pinigilan ng matanda. Pinilit sya nitong magpalipas doon ng gabi at ikwento dito ang mga nangyari sa kanya. "But Dad, Nicolette have work tomorrow." pagsingit ng ama nya sa usapan nilang mag-lolo. "Si Lette ang magde-decide hindi ikaw Demetrio. Huwag kang mangialam. Pumayag na nga ako na umalis sya rito, dahil sabi mo nga iyun ang kagustuhan ng apo ko. Ngayon lang uli sya umuwi rito, kaya gusto kung malaman ang mga nangyari sa kanya" hindi na nakaimik ang ama nya dahil sa sinabing iyun ng matanda. "Lette, Apo. Dito ka magpapalipas ng gabi, I won't accept a no for an answer. Demetrio, sabihan mo rin ang anak mo na magpalipas dito ng gabi" napatingin si Lette sa ama dahil doon. Kitang-kita nya kung paano kumunot ang expressionless nitong mukha na muntikan nang magpatawa sa kanya. Akala nya, walang sinusunod ang nakakatakot nyang ama, pero ngayong nakita nya kung paano wala itong magawa sa harap ng matanda, nagbago ang pagkilala nya rito. Nawala rin naman agad ang pagkunot nito ng noo at tumingin sa kanya. "Stay here for the night, you can go back tomorrow morning." cold nitong saad sa kanya bago tumayo at umalis. "Then, I will also stay grandpa" "Oh! Great idea Heather! Bakit hindi karin magpalipas dito ng gabi, Jiro, Jiara ikaw din Gerald." saad ng matanda, kaya napatigil ang dalawa nang marinig ang pangalan nila. Si Jiara at Jiro ay kambal na anak ng tiya Bella niya, habang si Gerald ay anak ng tiyo Benjamin niya. Mga pinsan nya na hindi man lang nya naka-close, dahil gaya ng kapatid at step-sister nyang si Hillary, ayaw din ng mga ito sa kanya. "But-" "That's great, dito na muna ang mga bata para naman makapagbonding sila sa lolo nila" "Mom!" "I'm fine with it, It's my day off tomorrow so..." Hindi na nakatanggi ang umaangal na si Jiara at pumayag nalamang. Habang siguradong-sigurado si Lette na magiging awkward ang lahat. "Well, wala naman akong balak na bumalik pa sa bahay na ito. Ienjoy ko nalang ang gabing ito."
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD