▪️▪️▪️▪️
Kinabukasan, maagap gumising si Lette. Minabuti nyang umagap ng gising para hindi na makakain ng almusal sa bahay na iyun. Kapag kasi nagkita pa sila ng lolo nya, baka pilitin nanaman syang magstay at doon nalamang kumain ng almusal, pero kung magtatagal pa sya kasama ang mga tao sa bahay na iyun, baka hindi na nya mapigilan ang sarili at gumawa ng mga pagsisisihan nya sa huli. Kung magtatagal pa sya, dadami lang ang drama.
"Nay, aalis na po ako...pakisabi nalang kay Dad at kay lolo na kinailangan ko nang umalis dahil may gagawin pa ako..."
"Ganun ba, magalmusal ka muna bago umalis"
"Hindi na Nay, kakain nalamang ako sa labas"
Wala narin namang nagawa ang Nay Rita nya kundi ang pumayag, ayaw naman nyang pilitin ang alaga kung ayaw nya talaga.
Pagkalabas sa gate, may nakaabang na doon na taxi para sa kanya.
Imbis na magpahatid sa condominium, sa isang mall muna sya dumaan.
"First of all, kailangan ko munang bumili ng mga damit"
Nang makapasok sa isang store na nakita nya sa Mall, hindi na sya nagbigay halaga sa mga brand na nandoon at pumili ng mga nagustuhan nyang damit...wala rin naman syang alam sa mga makabagong brand ng mga damit dahil 17 years na ang nakakalipas simula ng sya'y mamatay.
~*~
Matagal nang nagtatrabaho si Laren sa King's Shop, lahat ng damit na naroroon ay mas mataas pa sa sahod na nakukuha nya ng isang buwan...kaya lahat ng costumer nila ay puro mayayaman.
Isang babae ang nakakuha ng pansin nya na pumasok sa shop, kahit unang beses palang nyang nakita ang babae sa shop alam na nyang isa itong mayamang babae. Agad nya itong nilapitan. "Good morning Ma'am, Is there anything I can help?" bati nya dito.
"Gusto ko sanang bumili ng damit...ano kaya ang babagay sa akin? Yung bang hindi gaanong kaagaw pansin pero hindi rin naman kasamaan..." nahihiya pa nung una si Lette na magtanong pero agad nya itong itinago at lakas loob na nagtanong.
"Oh...ah! Please this way ma'am" mukha namang may nasa isip si Laren na babagay sa babaeng nasa kanyang harapan.
"Ano sa tingin nyo po sa mga damit na ito?...maganda po sila pero hindi subrang agawpansin, normal pero hindi subrang normal, hindi lang po yun...lahat po ng damit dito ay mga high-class na silk ang gamit kaya makakasiguro kayo na hindi lang pagkaraniwan ang mga damit na bibilhin nyo"
Gaya nga ng sinabi ng babaeng staff, The clothes are not bewitching but simple and a little elegant, It suits her style. Tiningnan nya rin ang mga ito at mukha ngang mamahaling silk ang gamit sa mga damit, napakalambot nito at ang ganda sa pakiramdam sa balat.
"I'll bu-"
"N-Nicolette..?" hindi nya natapos ang sasabihin ng marinig ang pangalan, napaharap naman sya sa kanya likuran kong sino ang tumawag na iyun...
"O-oh my God...long time no see friend" isang babaeng puno ng makeup ang mukha ang bigla nalang syang niyakap..nagtaka pa sya nung una pero nung bumitaw na uli ito sa pagkakayakap at nasilayan nya uli ang mukha nito, naalala na nya kung sino ang babae.
"Oh, Hailey...Long time no see" isang business smile ang gumuhit sa kanyang labi habang nakaharap sa babae...
"Kumusta kana? Ang tagal mong nawala ah, saan ka ba nanggaling at anong nangyari sayo?" sandali syang natigilan sa bigla nalang nitong tanong...alam nya na nagsisinungaling ito sa kanya, sa mga alaala kasi na nakuha nya sa dating Lette nalaman nya na tinatraydor siya ng nag-iisang kaibigan dahil nasilaw ito sa pera ni Hillary...Isa sa mga nalaman ng dating Lette bago ito maaksidente.
"You don't need to worry about others business" nakasout parin sa mga labi nya ang kanyang business smile, hindi dapat maliitin ang kakayahan ni Lette sa mga ganitong bagay, ahas sya sa mga ahas...pero kung maaari ayaw nyang makipag-ahasan o makipagplastikan. Nakakapagod.
Nagulat naman doon si Hailey.
"How can I? You're my best friend." kahit si Laren ay nangasim sa narinig kay Hailey, sa itsura palang kasi nito ay alam muna na hindi ito totoong kaibigan pero hindi naman sya makaawat dahil isa ito sa mga palagi na nilang costumer, at kaibigan din ito ng isa sa mga VIP nila...pero kahit ganun nanatiling kalmado si Lette.
"We are...? kailan pa? Oh my God...hindi ko alam na ganun na pala ang tingin mo sa relasyon natin. Habang hanggang ngayon ay isa kalang 'Kakilala' para sa akin..." Doon na sumabog si Hailey, hindi nya akalaing ang tangang Nicole na kilala nya ay may lakas ng loob na sabihin iyun sa kanya. Dahil simula highschool palang sila, dikit na ito ng dikit sa kanya.
"You b*tch! sumusubra kana!!...kung hindi ka habol ng habol sa akin ede sana wala kang kaibigan ngayon!..ikaw lang naman ang dikit ng dikit sa akin kaya wala na akong nagawa kundi ang makipagplastikan sayo!!...ano bang pinagmamalaki mo ha?!"
"I have money, you don't" cold na saad ni Lette, kahit ayaw nya itong sabihin dahil parang nagmumukha syang isang brat wala na syang nagawa, at isa pa...she's just stating the obvious fact.
"Huwag mong sabihin nakalimutan muna...lahat ng mayroon ka ngayon, galing sa akin. Hailey...I didn't know you're that stupid to not realize that. Now, let me ask you...ano bang mayroon ka, na wala ako? At ano bang maipagmamalaki mo?" pagkatapos nya iyung sabihin, bumalik na ang dating ngiti nya sa labi na sandaling nawala. Parang isang anghel naging isang demonyo sa isang saglit lang at agad ding bumalik sa pagiging anghel. Lahat ng iyun ay nasaksihan ng mga nandoon na natigil sa mga sariling ginagawa at natoon ang pansin sa kanilang dalawa.
Hindi naman makapaniwala si Hailey sa mga nangyari, She's not the same Nicole she knew, ibang-iba sa dating Nicole na kilala nya. Kahit alam nya na wala syang laban dito, dahil tama naman ito, kumpara sa yaman ng ama nito walang wala ang pera ng pamilya niya. Then pumasok sa isip nya si Hillary, nangako ito sa kanya na kung tutulungan nya ito laban kay Nicole kahit anong halaga ay ibibigay nito. Isang masamang ideya ang pumasok sa isip niya.
"Heh, Atleast hindi ako anak sa labas....tulad mo" doon na hindi nakapagtiis si Lette, kahit na may ngiti parin sa labi ready na nyang sapakin ang babae sa harapan pero pinipigilan parin nya ang sarili.
"Kahit kailan hindi mababago na anak ka lang sa labas, na may sinira kayo ng Ina mo na pamilya...ano bang silbi mo at nabuhay kapa sa mundo? A ha haha! kahit anong dami ng kayamanan mo, hindi nun mababago ang pagkatao mo, na ang dumi-du--*Pakk!*" Hindi na nya natapos ang sinasabi dahil nakakuha na sya ng isang suntok kay Lette...napagulong sya dahil dito, kung hindi lang galing sa pagkakacomatose ang katawan ngayon ni Lette baka nawalan na din sya ng malay. Lahat ng nanonood ay nagulat din sa pangyayaring iyun. Hindi sampal kung hindi suntok.
Doon na naramdaman ni Hailey ang totoong takot. Habang hawak ang pisngeng nasuntok, puno ang mga mata nya ng takot habang nakatingin kay Lette na papalapit uli ng papalapit sa kanya.
"H-huwag...h-huwag kang lalapit!..t..tulong!, baliw na ang babaeng ito!! H-hel-hblgk" mabilis na tinakluban ng kamay ni Lette ang kanya bibig, maluha-luha na sya sa takot. Madali sana syang makakaalis sa pagkakahawak ni Lette pero takot ang sumasakop sa katawan nya.
"Try to say it again Hailey...It's like you don't know what I can do to you. I can kill you anytime, anywhere and anyway I want without getting caught by the pulis...Dapat mo akong katakutan kaysa kay Hillary, dahil mas marami akong kayang gawin kaysa sa kanya...My.Dear.Hailey" mahina at medyo pabulong na saad ni Lette dito na sila lang dalawa ang nakakarinig, mas lalong gustong umiyak ni Hailey dahil sa takot na nararamdaman...hanggang sa nawalan na sya ng malay.
Isang ngisi naman ang sumilay sa labi ni Lette dahil dito bago ito bitawan sa sahig at tumayo...inayos nya muna ang damit bago humarap sa mga nakapaligid na nanonood sa kanila.
Hindi nya ito binigyang halaga at humarap sa kaganinang kausap na staff nasi Laren na nasa kalagitnaan parin ng pagkagulat.
"I'll buy all this clothes" turo nya sa isang hanay ng mga damit. Nasa kanya parin ang tingin ng marami kaya nagulat nalang sila sa sinabi ng babae. Bawat isa kasing damit na naroroon ay nagkakahalaga ng nasa fifty thousand pesos, at may balak syang bilhin ang nasa 24 clothes...nagpapakita lang iyun kung gaano ito kayaman. Kahit si Laren ay hindi rin makapaniwala sa mga ito.
"Here's my credit card and what can you do about this girl?" abot nya sa isang black card kay karen sabay turo kay Hailey na walang malay sa lapag.
"T..the manager...The.."
"Anong nangyayari dito?" isang boses ang bumasag sa katahimikan ng shop...napalingon naman ang lahat sa lalaking kararating lamang. Mukhang ito ang manager na nasa isip ni Lette.
Nagulat pa ito nang makita ang isang walang malay na babae sa lapag. Pero ang mas lalong gumulat sa kanya ay ang babaeng nakatayo sa harapan ng staff nyang si Laren.
"Pasensya na Manager...Velasquez? I cause a commotion in your shop, don't worry I'll handle everything so that not a single words came out" the Angel said. Binasa lang nito ang Velasquez sa ID tag na nasa uniform nito
"If I'm right... You're Nicolette Sylvia right? Daughter of Demetrio?"
"Yes, that's me..." Sa lahat ng mga nasaksihan ng mga naroroon ito na yata ang pinakanakakagulat na nangyari. To think na ang babaeng iyun ay anak ng kilalang-kilalang may-ari ng Sylvia's Group of Company. Isa sa mga malalaking kompanya na kilalang-kilala sa boung mundo.
"May nagustuhan po ba kayong damit?"
"Yeah, Itong hanay na ito...so about this mess..?"
"Ah! Don't worry about it Ms. kami na ang bahala sa lahat...nangyari ito sa loob ng aming shop kaya kami ang may karapatang umayos nito, hindi nyo na kailangang mag-abala pa."
"I see...well, Thank you"
"Hindi nyo na kailangang magpasalamat...ginagawa lang namin ang trabaho namin. Normal lang ito" hindi agad doon nakaimik si Lette, Awkward nalang syang napangiti dito.
"If you like Ms. kami nalang ang magde-deliver ng mga na-purchased mo sa inyong condo para hindi na kayo mahirapan sa pagbibit-bit, just sign this form..." sandali nitong inutusan si Laren na kumuha nang kung-anong form.
"Tumawag narin kami ng Ambulansya para kay Ms. Hailey...kung may mga katanungan pa kayo huwag kayong mahihiyang lumapit sa akin... Ito nga pala ang aking business card"
"I owed you one."
Nung araw ding iyun, napagdesisyonan nalang nyang umuwi ng maaga sa kanyang condo at kumain nalang habang nanonood ng mga movie. Masyado syang napagod dahil sunod-sunod na problema ang dumating ngayong araw...puro Drama( ̄. ̄)
Ngayon lang sya nakaramdam ng ganitong pagod. Hindi nya akalaing mas mahirap pang mabuhay bilang Lette kaysa bilang Tenten.
"Hinala ko...mas marami pang darating na drama(¬_¬)"