Chapter 1
HER birthday is today and I don't know whether to give her a gift or take her out for dinner -- maybe both? s**t. This is so f*cked up. Sa huli ay pinili kong bilhan s'ya ng maliit na regalo. It was simple necklace with a small ruby pendant. I have never felt so nervous in my entire life until today. Bakit kamo? It's Ruby we're talking about. My sort of step-sister but not really. Mahirap ipaliwanag.
Ang sabi ni Daddy, anak si Rue ng isang Senador. Si Tita Rose ay isang sikat na modelo noong kabataan n'ya at hindi nakakapagtakang magkagusto dito ang ama ni Rue. Kung si Daddy nga ay hindi na s'ya tinantanan hanggang sa makasal sila. She was thirty-eight at the time and my father is forty-three. It's not a bad age gap at mukhang masaya naman ang pagsasama nila.
Mabalik tayo kay Rue, ang babaeng 'yon ay walang hindi kayang gawin. I've seen her in a pub one time and she was playing darts with her friends. S'ya lang yata ang kilala kong babae na walang mintis sa pagtira ng bull's eye. That night, she ended up going home with ten thousand euros. She singlehandedly took on three guys on a dart game. Ang dalawa nya'ng kasama na babae ay ayaw lumaban.
It was just the first of many bets she took on. May billiards, table tennis at kung ano ano pa. She really excels in sports at kahit gusto ko s'yang kalaro, nakakahiyang matalo sa presensya n'ya.
Pumunta ako sa bahay nila Daddy sa pag-aakala na may dinner kami ngayong gabi. 'Yon pala ay madidismaya lang ako dahil ang birthday celebrant ay wala at kung saan nagpunta ay walang nakakaalam.
"Alex, what a surprise! Kumain ka na ba?" tanong ni Tita Rose sa akin. Nakita n'ya ako na pumasok sa salas habang ito naman ay pababa ng hagdan.
"Good evening, Tita. Nasaan po si Rue?" humalik ako sa pisngi n'ya.
Bumahid ang pagtataka sa mukha nito. "She is out with her friends. May usapan ba kayo?"
Umiling ako. "Wala po, akala ko lang ay nandito s'ya kasi birthday n'ya."
Ngumiti ito at tiningnan ang maliit na box na nasa kamay ko. "Para sa kanya ba 'yan?" tumango ako. "I see. Sabi n'ya ay bukas na lang daw magdinner since Sunday at pupunta ka rin naman. For tonight, she went out with her friends. Sinundo s'ya dito ni Stav at doon na daw magtatagpo sa club ng mga kaibigan n'ya," sabi nito.
Kilala ko si Stavros dahil kababata ko s'ya. Matagal na s'yang may gusto kay Rue at madalas pa nga n'ya akong tawagin na bayad. Nagpipigil lang ako pero gusto ko na s'yang sapakin.
"Saan daw pong club?"
Saglit itong napaisip. Hindi ko maalala kung Envy or Inferno. Pinagtatalunan kasi nila kanina ni Stav kung saan mas maganda. Anyway, that's all I know. Kung gusto mo tawagan mo na lang s'ya. You have her phone number, right?"
Tumango ako. "Sige po, tatawagan ko na lang."
"Make sure you're here tomorrow for dinner. Matutuwa s'ya kapag kumpleto tayo. Your Dad is in the den if you want to see him."
"Bukas na lang po sa dinner, tutuloy na rin po ako."
"O s'ya, ingat ka."
Nang makasakay ako sa kotse ay sinubukan kong tawagan si Rue pero patay ang cellphone nito. Mukhang ayaw maistorbo. Tinawagan ko ang mga kaibigan ko at nagthree-way call kami.
"Nikos, Elias," bati ko sa kanilang dalawa.
Pero sa halip na batiin ako ay puro ungol at anas ang narinig ko at hindi ko maintindihan kung si Elias ba o si Nikos ang gumagawa ng milagro. Napahilamos ako sa mukha sa inis.
"Alex, what's up?"
"Who's this? Elias or Nikos?"
"Sino pa, eh di 'yong pinakapogi sa ating tatlo," natatawang sabi nito.
It's Elias. That's his line. "Could you guys come with me tonight? Meet me at Envy in half an hour," sabi ko sa kanila.
"What? Why?"
"Birthday ni Rue, hindi ko s'ya makontak. Tapos hindi alam ni Tita kung Envy or Inferno ang pinuntahan."
"So? Magkikita naman kayo bukas. Let her have fun. How old is she now? Sixteen?" natatawang sabi nito. Alam nilang dalawa ang nararamdaman ko para kay Rue.
"Ina mo, tumigil ka nga! She just turned twenty today. And Stavros is with him," inis kong sabi sa kanya.
"Oh, kaya naman pala. Ang karibal. Bow."
Imbes na magalit ay tumawa pa ito ng malakas habang nasa background pa rin namin ang ungol at anas ni Nikos at ng katalik nito. F*ck. Hindi na lang sana n'ya sinagot ang tawag ko. The last time I had casual s*x was six months ago at ang kaulayaw ko sa gabi kapag nakakaramdam ako ng libog ay ang kamay ko.
"Could you just text that fool and tell him where to meet us? I'll see you there," sabi ko sa kanya.
"Okay, dadaan ko na lang ang kolokoy na ito. Ingat ka."
Naiinis ako dahil sumama s'ya sa lalakeng 'yon. Oo nga at alam kong hindi s'ya pagsasamantalahan nito pero kapag may alak na -- how could you say no to the deed? And God knows what her friends are up to. Moderno ang mga ito lalo na si Regina na halos parang nagpapalit lang ng tshirt kung magpalit ng boyfriend. Ang dalawa pang kaibigan nito na sina Ciara at Iza ay may pagka-wild rin pero hindi kasing lala noong isa.
Nagtataka nga ako kung bakit hanggang ngayon wala pang boyfriend itong si Rue. Balita ko ay maraming nag-aattempt manligaw pero laging nabobokya. I remembered reading her diary one time. Naiwan n'ya sa ilalim ng unan at nakalabas ang dulo nito kaya na-curious akong basahin. Mabuti na lang hindi n'ya ako nahuli.
Sa batang edad n'ya na trese ay napukaw ko na ang damdamin n'ya. She described me in her notes like a demigod. Napatawa ako sa alaalang 'yon. Hindi lang 'yon, she declared her love for me at gusto daw n'yang ako ang maging asawa n'ya kapag tapos na s'yang mag-aral. She's got one more year left, does that mean she's ready to marry me?
But you see, ngayon ay halos hindi na n'ya ako tapunan ng tingin. Hindi na ba n'ya ako mahal?