nagtangkang lumapit sina jerson at joel kay frans ay hindi ito nakalapit dahil sa daming tao na bumati sa Kanya lalo na ang mga kamag anak nila.. at hindi rin ito napansin ni frans.. kung sa bagay kahit PA makita nya ito ay wala na itong epikto sa kanya..
naging successful naman ang Party.. pero sa tulad ni frans na nasanay sa buhay na simple ay hindi nag eenjoy.. kaya matapos ang mahabang pakikipag kamay at pakilala sa mga kamag anak ay nag paalam na syang umakyat..
ngunit nang papasok na Sana sya sa elevator ng May bigla humawak sa Kanya..
frans"kamusta pwede ba tayo mag usap.. tanong nito.
anong ginagawa mo dito.. at ano pa ang pag usapan natin ha..matagal na tayong tapos..kaya bitawan muna nga ako.
mag usap lang tayo please..nag sisi na ako sa nagawa ko.. mahal kita frans..
mahal"sinong niloloko mo? pwede ba tigilan muna ako.. alam Kung kaya ka nang ka ganyan ay dahil nalaman mo na mayaman pala ako diba... pang uuyam nya.
hindi yan totoo. maniwala ka sa akin.. wika nito na Akala mo ay totoo.
anong nangyayari dito?...tanong ni Rafael na biglang sulpot na di nila namalayan.
nakilala ito ni Rafael ito yong isa sa nanloko kay frans.
umalis kana kung ayaw mo tumawag ako nang security! panakot dito ni Rafael
kaya wala itong nagawa kundi Ang umalis.. samantalang nakahinga naman ng maluwag si frans..
are you ok? tanong nya dito
tumango Lang si frans "tapos Nagpaalam na sya ditong umakyat sa kwarto na inuukupa nya.. pero di pumayag si Rafael.ihhatid daw sya nito at baka mapahamak pa sya.. nag paalam Lang ito saglit sa daddy nya na ihahatid sya sa mansion.. habang nasa sasakyan ay nahimik lang si frans.. ganon din naman si Rafael panay nakaw lang nang tingin nito sa Kanya...
you look stunning " di nakatiis na puri nya.
thank you"sagot ni frans na tipid na ngumiti dito..
pakapos ay namayani Ang katahimikan.hanggang makarating sila sa mansion.. nag pasalamat Lang si frans at umakyat na sya sa kanyang silid.. gusto nya na talagang mag pahinga dahil pagod na pagod na sya hindi lang katawan pati na isipan..
samantalang pabalik na sana si Rafael nang tumunog Ang kanyang cellphone.. itinabi nya Ang sasakyan at sinagot ang tawag..
Rafael:hello
Brianna:hello babe. nasayang bungad nito. how's the party?
Rafael: it's fine.. when you coming back home? I miss you..
Brianna: I'm sorry babe.. dipa ako makaka uwi..6 month pa bago matapos Ang contrata ko..
napabuntong hininga nalang si Rafael..totoong miss nya na ito.
Rafael: OK I understand..
Brianna:thank you babe.. I love you bye..
Rafael:bye
weekend maagang bumangon si frans dahil Ang sabe ni Rafael. maaga sila aalis ipapasyal sya nito sa farm.. maaga para hindi gaanong mainit Ang araw dahil maglalakad lang sila paakyat sa sinasabe nitong talon..
pagbaba nya ay naka ready na ito.. at may baskit narin nang pag kain Ang naka handa para baunin nila..
matapos mag almusal ay papalabas na sana sya Kung saan nag aantay si Rafael. nang May inaabot ang katulong na paper bag.."ma'am pinabibigay po ni seniorito. ito daw po isuot nyo.wika nito.
umakyat si frans at tiningnan ang binigay ng kasambahay..isang leggings na itim.. at fitted na sandong puti at manipis na jacket na itim...may kasama pang sombrero..wala nang magawa PA si frans isinuot nya nalang at hinayaan nya naka lugay ang kanyang buhok na May pag ka kulot kulot dahil nung pinasalon ni beth ang kanyang buhok ay pinakulot nito Ang dulo kay bagay daw sa Kanya kay maliit ang kanyang mukha...
pagkababa ay napatingin sa Kanya ang mga kasambahay na nadaanan nyang naglilinis.. di nila akalain na sa suot nya ay lalabas ang ganda nya o meron pala siyang tinatagong magandang hubog ng katawan..
pagkalabas nya ay nakasakay na si Rafael sa pick up jeep..nang nakalapit na siya.ay napatingin ito sa Kanya..
(Rafael pov)
shit" diko akalain na napakaganda at napa ka sexy pala nito kapag ganito ang mga sinusuot.mali ata ang disisyon Kung ipasyal ito na kami lang
dalawa".. naiiling nya wika sa sarili.
umalis na sila..pag karating sa paanan ng bundok Kung saan May talon ang sabe ni Rafael ay lalakarin lang nila ang paakyat dahil hindi makapasok ang sasakyan duon..
inalalayan sya nitong makababa sa pick up.napangiti si frans dahil May pag ka gentleman din pala ito..
bitbit ang baskit ng pagkain ay naglakad na sila paakyat..at dahil makitid lang ang daan ay laging muntikan mapatid si frans.nilapitan sya ni Rafael at ina alalayan..nakaramdam ng parang kuryente si frans..kahit sa mga dati nyang ka relasyon ay wala syang naramdamang kakaiba tulad ngayon..
careful" dahil makitid ang daan. hindi kasi to pinabago ng daddy mo dahil ayaw nya masira ang natural beauty ng bundok at paboritong lugar ito ni eleze nung nabubuhay pa ito.. pag kwekwento ni Rafael.."mapapawi yang pagod mo Kung makarating na tayo sa talon"..naka ngiting dagdag turan nito..napatingin sya dito dahil lalo itong gwapo sa malapitan dagdag pa nakangiti ito..
tahimik lang sya nakikinig..
pagkarating nila sa talon ay tama si Rafael..breathtaking ang lugar..
Wow ang ganda dito.. namamanghang wika nya..may mga namamasyal din ba dito?tanong nya
wala" private property kasi ito at malayo sa kabahayan. sagot nito.
masarap siguro maligo dito... turan nya sa sarili na umabot sa pandinig ni Rafael.
pwede naman.. wala namang ibang tao at masarap talga ang maligo dito malamig ang tubig.. nakangiting wika nito..
nalaman ni frans na masaya palang kasama si Rafael.. pala kwento ito at lagi nakangiti.. parang nadadala sya sa kasayahan nito di nya namalayan na tanghali na pala.kung hindi pa kumalam sekmura nya..
nagyaya ng kumain si Rafael.. masarap ang baon nilang tanghalian.. adobong karning manok at pritong talong at nilagang ukra at my sawsawang bagoong.. mahilig daw kasi si Rafael sa simpleng ulam.. paborito din ni frans ang ganoong ulam. kaya magana syang kumain.dagdag pa ang magandang tanawin..
(Rafael pov)
hahang kumakain ay natutuwa akong pag masdan si frans wala syang ka arte arte sa katawan.hindi gaya ni Brianna ay ayaw nang ganito.kaya hindi ako kumakain ng bagoong pag mag kasama kami. segura sabihan na naman ako non ng yuck"kumpara nya saisip.. hmm bakit ko nga ba e kumpara ang dalawa mag kaiba naman sila at mahal ko si Brianna.. saway nya sa sarili at pinagpatuloy nalang ang kumain..
hapon na sila nang makauwi.masaya si frans kahit pagod ay sulit naman dahil kahit papano nakalimutan nya ang nangyari sa kanya..at masayang kasama si Rafael.. saisip nya.
naging madalas na ang pamamasyal nila. tuwing walang pasok sa opisina si Rafael..
to be continued...