Ang aga ko gumising ngayon"excited na akong gigising tuwing umaga ng weekend dahil Alam Kung mamasyal nanaman kami ni Rafael.. hindi ko alam tuwing Kasama ko sya nababawasan ang sakit na ginawa ni neil at divine..
tuwing makikita ko mga ngiti nya napapangiti narin ako..
tok tok tok
hija pwede ba kita makausap?bungad ng daddy ko.
sige po.pasok po kayo. ""
hija aalis ako mamaya papunta ng paris kailangan kong puntahan ang isang business natin duon.at si Rafael muna ang bahala sayo..Mga isang linggo lang akong mawawala..isama sana Kita kaya lang biglaan ang alis ko.turan nito.
ok lang po ako dito.mag iingat po kayo dun."Sagot ko.ang totoo ay ayaw ko rin sumama Ang sumakay sa eroplano ay takot ako idagdag pa Ang ilang oras na byahe sa eri baka diko na kayanin PA.
alam ni frans na maraming negusyo ang ama sa ibang bansa at kailangan nitong puntahan. ok lang naman yon sa Kanya.at makakasama nya naman si Rafael masaya kasama ito.
sige hija.. mag ingat karin dito..ibinilin na kita kay Rafael. mamayang alas dose ang alis ko.. may gusto kabang ipabili duon? tanong ng daddy nya.
wala po..basta mag ingat lang po kayo."at wag kayo masyadong magpakapagod baka mag kasakit kayo.kakagaling nyo pa lang sa operasyon.. paalala nya dito
pagsapit nang hapon ay nagkayayaan kami ni Rafael Mag swimming sa may pool. nakasuot ako ng overall round neck spandex swimsuit. fitted ito. dahil sa dalas namin mamasyal ni Rafael ay natoto na akong mag suot ng damit na naaayon sa lugar.alangan naman mag suot ako ng mahabang palda sa pool..maraming pag kain pinahanda si Rafael. dahil balak namin hanggang gabe kami mag babad..
nakaupo ako sa gilid ng pool habang nakalubog ang paa ko sa tubig.. pinagmasdan ko lang ang malawak na swimming pool at ang malaking bahay na tirahan ko ngayon isang mansion .. inisip ko Kung hindi ba ako niluko ni neil nang araw na yon makikita o makilala ko kaya ang daddy ko.at Kung natuloy ba ang kasal namin. masaya ba ako ngayon?"ay..... tili ko. bigla nalang kasing manghila ng paa ang lalaking ito.kainis wala pa ako sa mood magbabad..
hey frans. ang lalim nang iniisip mo ahh.. saan nanaman yan napadpad? tanong nito
inirapan ko lang ito.. mula nang naging close kami ay ganon na talga ito.. akala ko noon ay tahimik ito.. madaldal din pala at mapang asar.tatlong buwan narin ang lumipas mula nang maaksedente ako at makilala ko Ang aking daddy ang bilis lang nang panahon..
buti nalang gwapo kundi nako makatikim talaga to sa Kanya ng hampas.. ikaw ba naman malalim iniisip tapos bigla kang hilahin sa malalim na tubig..
frans Gusto MO manood ng sine bukas?tanong nito.
OK "ikaw bahala "sagot ko sa loob loob ko ay Ang saya. makakasama ko naman ito.
ganon Ang routine namin lagi itong nagyaya na mamasyal tuwing weekend. natatakot akong mahuhulog na naman tapos masasaktan Lang sa huli. marupok PA naman tong puso ko.
(Rafael pov)
natatawa talaga ako sa reaction ni Frans pag inaasar ko Ang cute nya pag umirap.noong una niyaya ko syang mamasyal para malibang at hindi na nya maisip Ang mga nangyari sa Kanya.. pero Hindi ko akalain pati ako nag eenjoy narin sa pamamasyal namin .. alam kung hindi na ito maganda dahil unti unti Kong nakakalimutan tawagan si Brianna. nakaraang araw tumawag ito nag rereklamo na madalang ko na raw sya kuntakin at wala na akong oras dito .. mahal ko si Brianna at balak ko nang Mag proposed sa Kanya pag kabalik nya. kailangan ko nang lumagay sa tahimik..nagkakaedad na rin ako at may sarili narin naman akong negosyo at kaya ko na magkapailya ang pagpayag nalang talaga ni Brianna ang kulang..
Rafael kumain na Tayo nagugutom na ako" yaya nito
napangiti nalang ako dahil nagutom ito malamang sa amoy nang pagkain nag PA ihaw kasi ako ng puset at malaking isda. nalaman ko paborito pala ito ni frans kaya yan pinaluto ko May sawsawan pa na toyo kalamansi kamatis at sili kaya lalo itong natakam.
ok"umahon na sya sa pool.. kahit sya Man ay gutom narin.nakakagutom pala ang lumangoy.
hmmm.. ang sarap naman ng niluto nyo nay.. kain po tayo. yaya ni frans sa kay nanay Mercy ang mayor doma ng mansion.
sige na hija kumain ka lang at busog pa ako."nakangiting sagot nito."natutuwa ito dahil Kung ituring siya ni frans ay para talaga syang ina nito. ""napakabait na bata talaga nito at magalang.kahit isa lang itong kasambahay ay hindi iba ang turing ni frans dito.. puri sa isip ni Rafael
ah Rafael may sasabihin pala ako sayo.umpisa ko habang nakaupo kami sa tabi ng pool.
ano yon?
naalala mo ba nong nag proposed si Mr tanner kay tito phoenix?
yes bakit? tanong nito
diba May babae akong nabunggo at nadumihan ko Yong damit nya binigyan mo ng card naglalaman nang dalawang Milion para sa isang damit. ang laki kasi nang binigay mo. diko tuloy alam Kung paano bayaran. turan ko dito
bigla nalang itong humalakhak "a yon ba wag ka mag alala.actualy hindi nya naman nakuha Ang pera. dahil kontrolado ito ng bangko.. kung anong presyo ng damit you Lang Ang nakuha nya. tumatawa parin turan nito."kaya ko lang naman yon sinabe na dalawang milyon ang laman para tumigil na. ayaw kong masira Ang proposal ni Dad. seryosong turan na nito.
araw nang linggo.excited na sana ako manood nang sine kasama si Rafael kaya lang hindi daw matutuloy. may biglaan kasing emergency sa isa sa kumpanya nito. na kailangan puntahan.baba nalang ako sa garden para hindi mainip.
kapag ganito wala si Rafael ay naiinip ako.lalo wala din si Dad. pero napapansin ko sa sarili ko na Hindi na ako gaanong nasasaktan kapag naalala ko si neil ibig sabihin ba nito ay tanggap ko na Ang mga nangyari...pero Ang bilis naman ata. tatlong buwan pa lang.. kasabay naman nito ay natatakot ako paano Kung mahulog naman ako kay Rafael? hahayaan ko nalang ba masasaktan ako. tulad nang mga nauna?
nakababad ako ngayon sa bathtub na may rose petals. gusto ko mabango ako Alam ko mayamaya ay pauwi na si Rafael.gusto ko lagi ako mabango.napangiti ako sa isip.ngayon Lang ako nag kaganito. yong parang teenagers na nag ka crush. kinikilig ako tuwing may pasalubong sya o kaya pinupuri nya. noon Hindi ko naman ito nararamdaman. diko tuloy maiwasan isipin Kung talaga bang minahal ko si Neil Kay bilis ko lang kasi maka move on. Sa Mga nababasa ko noon na romance novel inaabot nang ilang taon bago sila maka move on o kaya ang iba ay habang buhay na. pero ako ito tatlong buwan palang.. hays hayaan kona nga mas mabuti narin to.
kinagabihan ay inaabangan ko na pagdating nya. sabay nalang kaming kumain.tiyak magustuhan nya Ang pinahanda ko paborito nya kasi ito.. nangingiti ako saisip
hija kumain kana"alas 9 na nang gabe. baka hindi na Yon uuwi dito.kapag ginabe yon o kaya pag dumating Ang girlfriend non na modelo ay doon yon natutulog sa condo nya "turan ni nanay Mercy
natigilan ako. bakit ko nga ba nakalimutan itanong kay Rafael Kung may girlfriend na ito. malamang meron na talaga. sa gwapo at yaman nito.nakaramdam ako nang kirot at dismaya. "" busog pa po ako. aakyat nalang po ako sa kwarto".paalam ko kay nanay Mercy. "nawalan na kasi akong ganang kumain.
nakahiga Lang ako habang nag iisip.. ano bang nangyayari sa akin bakit ako nakaramdam ng selos.wala naman akong karapatan.at isa pa Di ako mapapasin ni Rafael sa hitsura Kong manang kumpara sa isang modelong girlfriend nito. "ngayon lang sya nakaramdam ng pag ka insecure sa sarili. noon baliwala sa Kanya ang hitsura nya pero ngayon kinukumpara nya Ang sarili sa girlfriend nito. nakatulugan na lang ni frans ang pag iisip.
kinabukasan kahit puyat ay maaga parin akong bumangon. itatanong ko Kung nakauwi ba si Rafael kagabe..pagbaba na ako nang May marining akong nagsasalita sa baba.boses ni Rafael.
yes honey" OK hintayin kita. I miss you "love you bye.
natigilan ako..
to be continued...