Chapter 35 Silvana Inilahad ko ang aking kamay sa harap ng bata pero tinignan lang niya ito, mukhang natatakot dahil kasama pa rin namin ang may pagka demonyo niyang ina. "Hindi ka dapat nakikialam dito laurice!" Sigaw ni Hannah sa matandang ginang na nanatiling elegante ang tayo at postura ng katawan. Ngayon na natitigan ko na siya ng maigi, parang may napapansin ako sa kaniyang kakaiba. Parang may kamukha siya... "Hmmm wala nga ba talaga akong pakialam dito Hannah?" Mahinahong tanong ni ginang Laurice. Sa sobrang galit ay hindi na nakapagsalita si Hannah ngunit kung titigan niya si Laurice parang gusto na niya itong balatan ng buhay. "Baka nakakalimutan mo, ako ang pangalawang asawa ni Sean." Ack, pangalawang asawa?! Anong ibig niyang sabihin?! Ilan ba sila?! Muntik na akon

