Chapter 36 SILVANA I jolted to my senses when suddenly I heard a loud screeching noise. Ugh, ano ba iyon? Parang may dagang biglang inapakan sa sahig. Unti unti kong idinilat ang mga mata ko hanggang sa tumambad sa akin ang dalawang kasama ko. Nasa sahig si Victor, para siyang nakakita ng multo habang nakatitig kay Rafael na meroong bored na expression sa kaniyang mukha. "Why are you hugging me?!" Pasigaw na tanong ni Victor kay Rafael. I yawned and stretched my arms, inaantok pa ako at katutulog ko lang tapos heto pa ang gigising sa akin? Minsan talaga ang sarap igapos at patahimikin ni Victor. "What did you do to me?!" Pahabol na tanong ng demonyo habang kinakapa kapa ang katawan niya. Huh? Ano bang iniisip nito at masyado siyang makareact? Para namang kakainin siya ni Rafael.

