Chapter 2
°Silvana°
Hindi mabura-bura sa mukha ko ang ngiti at pag-asa habang naka pila sa labas nitong mansion ng mga Rowling. Totoo nga ang sinabi ng mga chismosa sa lugar namin, napaka yaman ng pamilyang ito.
Parang palasyo na nga ang mansion nila! May malaking gate pa tapos sa tingin ko mayroong swimming pool sa likod. Naks! ‘Pag talaga ako natanggap sa scholarship na ito, sisiguraduhin kong gagalingan ko sa school!
Tirik na tirik man ang araw, mainit ang paligid at nauuhaw man ay hindi ako umalis sa pila ko. Masyadong marami ang nakakaalam sa balita na may pa-scholar ang mga Rowling kaya heto at dinumog ng mga estudyante. Nakita ko pa nga ‘yung anak ni Kapitana.
Mayaman na sila pero nakapila pa rin iyon dito. Hindi ko maiwasang mapasimagot.
Dapat ibinibigay na lang niya ang ganitong klase ng oportunidad sa mga taong walang wala talaga sa buhay. Eh ang yaman na nila ah! May trabaho sa ibang bansa ‘yung ate at kuya niya tapos manager sa isang restaurant ‘yung tatay niya tapos Kapitana pa iyong nanay niya.
Tsk, paniguradong matatanggap iyan dito sa scholarship dahil may koneksyon ang mga magulang niya. Sana lang talaga makaabot ako.
Nag-aalala kong sinulyapan ang entrada ng mansyon ng mga Rowling, medyo malayo pa ako do’n dahil mahaba itong pila. Dalawang oras na nga akong nakatayo rito pero parang hindi naman na umuusad.
Ano na kayang nangyari sa loob?
Mahigpit kong niyakap ang brown envelope na naglalaman ng mga dokumento ko, bago malungkot na napa ngiti.
Gusto kong maging isang guro pero ang sabi ni mama mag nursing na lang daw ako tutal at malaki rin naman ang kita roon at kung hindi naman daw ako makakapagtapos, pwede akong magtrabaho sa ibang bansa bilang caregiver.
“Pasensya na, sa mga natitira sa pila. Ubos na po ang slot para sa scholarship.” Biglang anunsyo ng lalaking nasa harapan ng mansyon.
Nanigas ako sa aking kinatatayuan. Dinig na dinig ko ang sinabi niya dahil sa mikroponong gamit pero hindi ko matanggap. Ubos na ang slot?
Tinapunan ko ng tingin ang anak ni kapitana na minustrahan nung lalaki na lumapit sa entrada ng mansion.
“Ano ba iyan, sayang naman.”
“Bawas din iyon sa mga gastos sa kolehiyo.”
Usapan ng mga estudyanteng naka paligid sa akin.
Pinanood ko ang anak ni kapitana na masayang lumapit sa lalaki hanggang sa papasukin siya nito sa loob ng mansion ng mga Rowling. Sinasabi ko na nga ba…
Makakapasok siya dahil sa koneksyon ng mga magulang niya.
Maraming mga estudyante na umalis na sa kanilang mga pila. Marami ang nagrereklamo at lumapit sa mansion ngunit nanatili akong naka tayo habang walang buhay na naka titig sa napakaswerteng mga estudyante na binigyan ng pagkakataon na makapag-aral.
Bakit kailangan na malasin ako ng ganito? Siguro nga masyado akong umasa, akala ko matatanggap ako agad. Ang layo na agad ng tingin ko kahit na wala pa naman akong nagagawang hakbang.
Marahas akong napabuga ng hangin, ang kaninang mahigpit na yakap ko sa envelope ay lumuwag ng mapagdesisyonan kong tumalikod na sa mansyon ng mga Rowling. Ang hirap talagang umasa, kanina pakiramdam ko nasa alapaap na ako, ngayon naman dinaig ko pa ang lumagapak sa lupa.
Balak ko na sanang lumakad paalis dahil may trabaho pa ako mamayang hapon ng biglang may kumalabit sa akin. Nagtataka kong tiningnan kung sino ang may gawa no’n.
“Miss pinasasabi ni boss na pumasok ka sa mansion. Siya na raw ang magbibigay ng scholarship saiyo.” Aniya ng matandang lalaki na mukhang trabahador ng mga taong may-ari ng lupain na ito.
Nagtataka kong tiningnan ang matanda. Ano? Joke lang ba niya iyan?
Sinuri ko ang mukha ni manong, parang hindi naman siya iyong tipo na magbibiro ng ganito.
“Si-Sino po’ng boss? Si Mr.Rolien Rowling po ba?” Nagtataka kong tanong kay manong.
Binigyan ako ng matanda ng ngiti bago nito iginalaw ang kamay para ituro ang isa sa mga bintana ng mansyon. Wala sa sarili kong sinundan ang tinuro ni manong hanggang sa matanaw ko ang pigura ng lalaki na nakatayo sa likod ng bintana.
Hindi ko makita ng malinaw ang mukha ng lalaki, pero nararamdaman kong nakatitig ito sa akin.
“Nag-iisang anak ni Mr.Rolien, si boss Raphael.” Imporma sa akin ni manong. Bahagyang nanlaki ang aking mga mata.
Ang lalaking ‘yan si Raphael?
“Tara na.”
Hinawakan ng matanda ang kamay ko upang igiya ako palapit sa mansyon. Habang lumalapit kami ay mas nakikita ko na ang wangis ni Raphael.
Dahil nanatili siyang nakatayo sa likod ng bintana, maayos kong napagmasdan ang mukha niya ng nasa harapan na ako ng kanilang mansyon.
Napaawang ang aking labi dahil sa pagka-mangha. Totoo nga pala ang sinasabi ng mga chismosa sa lugar na ito.
Taglay ni Raphael ang lamig ng isang yelo at mukha ng isang anghel.
Nanlamig ang aking mga kamay ng magsalubong ang mga mata namin. Sobrang nakakatakot ang awrang naka paligid sa kaniya, ito ba ang dahilan kaya sinasabi ng iba na walang kaibigan ang lalaki?
“Ubos na ang slot para sa scholarship mang Ben.” Saad ng lalaking naka mikropono ng makatapak ako sa entrada.
Tinapik ng matanda ang braso niya.
“Si Boss Raphael mismo ang pumili sa kaniya, kaya hindi siya under ng scholarship nila Sir Rolien.” Paliwanag ng matanda sa lalaki.
Kumunot ang noo ng lalaki, animo’y hindi makapaniwala sa sinabi ng matanda.
“Totoo ba iyan?” Gulat na tanong ng lalaki sa matanda.
Ako man, hindi makapaniwala sa naririnig ko. Nakatayo lang ako do’n tapos bigla na lang akong naisipan na bigyan ng scholarship ng Raphael na iyan.
Naalala niya kaya na ako iyong kalaro niya noong bata?
Sunod- sunod akong napalunok ng laway ng buksan ng lalaki ang magarang pinto ng mga Rowling. Tumambad sa aming harapan ang kumpol ng mga estudyanteng nasa loob. Nakaupo sila sa eleganteng sofa na nasa sala, namamangha sa bawat disenyo ng napakagandang mansyon.
“Iha tara na.” Aya sa akin ng matanda.
Nauna na itong maglakad kaya sumunod na lang ako. Napapasulyap sa akin ang ibang estudyante kaya hindi ko maiwasang mahiya. Ugh, wala sa plano kong makuha ang atensyon nila kaya tumabi ako sa gilid ni manong para magtago.
“Ang swerte mo iha, ngayon lang nakialam si boss sa proyekto ng mga magulang niya.”