Chapter 3 : Wrath

1041 Words
Chapter 3 °Silvana° Lumipas ang dalawang taon, matapos kong makuha ang scholarship at muling makapag-aral. Hindi ko na nakita pang muli ang nag-iisang anak ng mga Rowling. Dalawang taon na ang lumipas pero tandang tanda ko pa rin ang takot na nararamdaman ko habang kaharap ko siya. Raphael’s eyes are dull and lifeless. Muntikan na akong tumakbo palabas dahil sobrang lamig ng mga tingin na binabato niya, ang sabi ng mga tauhan doon sa mansion nila—ganoon lang daw talaga si Raphael. He’s void of emotions. Kung makatitig ang lalaki ay tila ba gusto nitong tunawin ang taong kaharap niya. He’s intimidating, creepy. Dahil wala siyang ibang ginawa kun’di ang kunin sa akin ang mga dokumento at isulat ang pangalan ko sa listahan ng mga scholar niya. I don’t know if he’s mute o sadyang hindi lang nito gustong magsalita pero dahil doon, mas lalo lang akong nagtaka sa totoong pagkatao niya. He’s an interesting topic. Kaya hindi ko maiwasang maging curious sa kung sino talaga siya. “Iha, iyong baon mo huwag mong kalilimutan.” Bilin sa akin ni lola na dahilan upang bumalik ako sa wisyo. Hindi ko napansin na kanina pa ako nakatayo rito sa gilid ng mesa, nakatitig sa tupperware kong naglalaman ng mga pagkain na niluto ni mama. Napatikhim ako bago dinampot ang at tinapunan ng tingin si lola na nakaupo sa kaniyang tumba-tumba. “Salamat po la.” Tumango ang matanda. “Mag-iingat ka sa daan.” Bilin niya sa akin na sinagot ko na lamang ng tipid na ngiti. Dalawang taon na akong nag-aaral sa unibersidad na malapit sa trabahong pinapasukan ko. Nagustuhan at natanggap ko na ang kursong pinili ni mama sa akin at dahil do’n, nagawa kong makapasok sa dean’s list. Ikinatuwa iyon nila Mr. and Mrs.Rowling dahil suportado nila ako at malaki ang maiaambag ko sa imahe nila kung sakaling maka-graduate ako at makapasa sa board exam. “'Kala mo kung sino, kung hindi dahil sa akin hindi naman siya makakapag-aral.” Rinig kong wika ni tita Margaret pagkalabas ko sa maliit na bahay namin nila mama. Napatigil ako sa paglalakad at napatingin sa direksyon kung saan sila nagkumpol. Nakaramdam ako ng pait ng makita kung gaano kasama ang tingin sa akin ng dalawa kong tita na kapatid ni mama. Kung tingnan nila ako, parang may nagawa akong mali. “Hayaan mo na iyan, may mga tao talagang mayabang.” Dagdag ni Mud na anak ni tita Margaret. “Kung hindi ko sinabi iyong tungkol sa scholarship ng mga Rowling na iyan, hindi naman makakapag-aral ‘yang babae na ‘yan!” Sigaw ng tita ko dahilan upang mas lalo akong manliit sa aking kinatatayuan. Wala naman akong ginagawa… Wala kaming ginagawa, hindi ako nagyabang at hindi naging mataas ang tingin ko sa sarili ko. Ang totoo nga niyan, lagi akong nagpapasalamat kay tita Margaret pero simula nu’ng dumating ‘yung araw na natutulungan ko na sina lolo at lola, bigla na lang silang naging ganiyan sa amin. Hindi na nila pinapansin si mama at ang mas malala pa do’n, si mama, ako at si Joice ang palagi nilang topic pagdating sa chismisan. “Naku sana lang talaga, balang araw mahulog muli sa putikan iyang mga ganiyang klase ng tao.” Muling wika ni Mud. Dahil sa galit na bigla kong naramdaman, ay hindi ko na napigilan ang panginginig ng aking mga kamao. Wala kaming ginagawa… Hindi ko kasalanan kung bakit mas pinili ng anak niya na mag-asawa kesa makapag-aral. Hindi ko kasalanan na tinutulungan ko ang kapatid ni Mud sa mga research at aralin nito. Hindi ko kasalanan at wala akong ginawa pero kung tingnan nila ako, parang ako ang dahilan kung bakit sila naghihirap habang kami nila mama ay tumataas. “Pumasok ka na lang sa eskwela, huwag mo na lang silang pansinin.” Agad akong nabalik sa ulirat ng marinig ko ang pagod na boses ni mama. Tinapunan ko ng tingin si mama, kasalukuyan itong naglalaba ng mga damit namin. Tagaktak ang pawis habang kinukusot ang mga damit. Asaan yung washing machine? “Ma, nasaan yung washing machine natin?” Nagtataka kong tanong kay mama. Napabuntong hininga ito sabay punas sa mga butil ng pawis na namuo sa kaniyang noo. “May sumira na naman, nakita ko putol putol iyong wire sa loob.” Nang marinig kong sabihin iyon ni mama ay muli akong napatingin sa kumpol ng tao na kinabibilangan ng mga tita at pinsan ko. Nasa labas ang washing machine namin, iisang compound lang kami at meron lang tatlong bahay. Sino kaya ang gagawa no’n sa washing machine namin? Sinamaan ko ng tingin si Mud ng makita ko kung gaano kalapad ang ngiti nito. “Pumasok ka na sa eskwelahan at baka mahuli ka pa.” Muling utos sa akin ni mama bago siya sunod-sunod na napaubo. Agad akong nilukob ng pag-aalala dahil iba na yung tunog ng pag-ubo ni mama. Lalapitan ko na sana ito para alalayan na makatayo ng marinig namin ang malalakas na tawanan na nanggagaling kina tita Margaret. Sobra na talaga sila… Masyado na silang kinain ng inggit, to the point na hindi na nila alam kung anong klaseng problema ang dinudulot nila sa amin. “Pumasok k-ka na, sa-sayang ang binibigay saiyo ng mga Rowling!” Singhal ni mama. Malungkot ko siyang pinanood na maghirap habang umalingawngaw sa aking pandinig ang masasayang tawanan ng mga taong tinuring kong pamilya. Ginagawa ko ang lahat ng ito para sa kanila, nagtiis ako para may mautang sila kay mama… Pero anong igaganti nila? Inggit at galit? Tsk, imbes na maging masaya para sa mga naabot ko. Mas pinili nilang kamuhian kami. Iba pala talaga pag mababaw ang pag-iisip. Inalis ko ang tingin ko kay mama para muling sulyapan ang mga kapatid niya at pinsan ko. Mahigpit kong ikinuyom ang aking mga kamao, iyong tipo ba na namumuti na ito. Parang gusto ko silang patigilin sa pagtawa… Pero paano? Dahan- dahan akong napatingin sa bag ko kung saan nakalagay ang gunting at syringe na gagamitin namin mamaya sa klase. “Silvana…” Bulong ng kung sino sa akin, hinanap ko ang boses pero hindi ko makita kung saan ito galing. “Pumasok ka na…” Wika ng panibagong boses. “Silvana.”
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD