Chapter 25 Silvana "Silvana..." Tumigil ako sa paglalakad at lumingon sa pinanggalingan ng boses na iyon. Anong oras na, kalagitnaan na ng gabi pero may nakakakilala pa rin ba sa akin? Sino naman kaya iyon? Dahan dahan akong lumingon papunta sa kung saan nanggagaling yung boses. Nasa isang madilim na pasilyo ito. "Huh?" Hindi ko makita kung sino siya kasi sobrang dilim ng kinalalagiyan niya tapos kaming dalawa lang ang nandito sa madilim at tahimik na eskenita... hehe paano ba ako napunta rito? Napakamot ako sa aking ulo. "Pasensya na po, hindi kita makita kasi madilim. Try mo kayang umalis sa dilim para makita kita?" Nakakapagtaka naman kasi na may sumusunod pala sa akin. Anong oras na... Lumabas lang naman ako ng bahay kasi nagugutom ako at kailangan ko ng gamot. "Silva

