"Tatiana!" He shouted. Ilang hakbang pa lamang ang nagagawa ko ng marinig ko ang pagsigaw niyang 'yon. Pilit na nagtatalo ang aking puso at isipan kung dapat pa akong lumingon, o ituloy na lang ang paghakbang palayo sakanya. I bit my lower lip, continued to walk, and pretended like I didn't hear any word from him. "Ganyan nga, Tatiana." Bulong ko sa sarili ko, at pilit 'tong kinukumbinsi na tama ang pinili kong desisyon. Tama lang na utak ang pinairal ko, at hindi puso. "Tatiana!" Sigaw niyang muli kaya mas lalo kong nilakihan ang hakbang na ginagawa ko. Narinig ko ang mga yabag niyang papalapit sa akin kaya naman mas lalong nagtalo ang utak at puso ko. Naabutan niya ako. Hinawakan niya ang kamay ko, at bahagyang hinila 'yon dahilan upang mapunta ako sa bisig niya. Suminghal ako at it

