"Soar high, Rosalimans! Kaya niyo yan, wag kayong kakabahan. Just enjoy the moment," paalala sa amin ng aming instructor. Kanina pa ako tahimik at hindi ko na rin mabilang kung ilang beses akong bumuntong hininga. Natatakot ako, at kinakabahan din at the same time. I roamed my eyes around and saw a lot of audience cheering for their bets. Mas lalo 'ata akong natakot pumunta at mag-perform sa gitna. "You okay?" Alanganin akong tumango kay Leo. Katabi namin siya, at ang kanyang mga kaibigan. Mabait ang mga 'to at may sense of humor. Though, minsan ay ayoko sa hobby nilang mag-monkey app. But, well, boys will always be boys. "Are you sure? You look... tense," he concluded. Bahagya 'tong tumagilid upang mas makaharap ako. Nakakunot ang noo niya at tila ba nag-aalala. "Kinakabahan ka ba?"

