"Be more careful next time. I don't want to bandage you up again," paalala ko sakanya. Nandito ako ngayon sa bahay nila. Ito ang unang beses na makakarating dito, dahil malayo 'to sa village namin. I like their place. Medyo dulo at tagong parte ito, pero maganda at relaxing. Madami kang puno at palayan na madadaanan. Their family owns almost half of the properties here. "Nag-iingat naman," pangangatwiran naman nito. I rolled my eyes, bago ko iligpit ang bandage at ibang kalat. Noong do or die nila sa SVSF ay napilayan siya. Hindi naman malala, pero mayroong kirot dahil dito din ang nasaktan sakanya noong tune up game. Kalagitnaan ng fourth quarter ng bigla niyang naipasa sa kalaban ang bola. Bahagya 'tong natumba kaya nag time out sila. Dinala siya sa clinic, at hindi na muling nakabal

