Kabanata 2

1325 Words
Maingat na inilapag ni Gio ang breakfast ni Ali sa lamesang katabi ng kama nito. He prepared Cherry Berry with chia and yogurt for HIS CRAVING. Gumawa rin siya ng smoothie para kay Ali. "Impressive face," ani Gio habang pinagmamasdan si Ali na mahimbing na natutulog. Nalipat ang tingin niya sa katawan ng dalaga. "Katakam-takam," turan niya. Napatingin si Gio sa bandang ibaba niya nang maramdaman niyang nabuhay na naman ang bagay sa pagitan ng kaniyang mga hita. Kumunot ang noo ni Ali nang maramdaman niyang may nakatitig sa kaniya. Napahikab siya bago niya unti-unting ibinukas ang kaniyang mga mata. Mabilis niyang kinuha ang kumot na nasa kaniyang paanan at itinakip iyon sa kaniyang katawan. Nakasuot lang siya ng manipis na sando at maigsing short kapag natutulog. "S-sir Gio." Napapikit siya nang marealized niyang mali ang tinuran niya. "I mean Van, a-anong ginagawa mo sa kwarto ko ng ganito kaaga?" Sinadyang umiwas ng tingin ni Ali sa lalaki. Ibinaling niya ang kaniyang paningin sa orasan na nakadikit sa marmol na dingding. "Did I scare you?" natatawang tanong ni Gio. 'Bakit naman ako matatakot sa'yo eh ang layo ng hitsura mo sa multo? Sa gwapo mo ba namang 'yan sinong babae ang hindi matataranta kapag ikaw agad ang bumungad sa umaga?' sigaw ng isip ni Ali habang nakatingin lang sa mata ni Gio. "Hey Ali! Are you okay? Bakit ang aga-aga eh tulala ka? Namimiss mo na ba ang kapatid mong si Alice?" ani Gio. Inalog ni Ali ang kaniyang ulo. 'Ali, focus ka lang! Huwag kang kabahan sa harap niya! Tandaan mong pera lang ang ipinunta mo rito! Pera para maipagamot at mapag-aral mo ng kolehiyo si Alice!' Hindi mapigilan ni Gio ang pagkurba ng kaniyang labi. "I'm sorry if I bother you this early. Anyway, I already prepared your breakfast. After your breakfast, we will visit Alice para mapanatag ang loob mo. One more thing, huwag mo akong masyadong titigan at baka matunaw ako niyan," natatawang wika ni Gio. "S-sorry po. Nagulat lang po kasi ako kanina." "Nangongo-po ka na naman." Pinagkrus ni Gio ang kaniyang mga kamay sa tapat ng kaniyang dibdib. Ngumiti si Ali at nag-peace sign. "Don't forget to eat your breakfast. Kapag nalaman kong nagpalipas ka, ikaw ang kakainin ko. Sige ka!" pabirong sambit ni Gio. "Ang wild naman," bulong ni Ali. "What did you say?" kunot-noong tanong ni Gio dahil hindi niya narinig ng ayos ang sinabing iyon ni Ali. "Sabi ko, kakain na ako para di ako ang kainin mo." Ibinaling ni Ali ang kaniyang tingin sa pagkaing nasa mesa. Napaawang ang kaniyang bibig nang makita kung ano ang kaniyang breakfast. 'Ang sosyal tingnan pero masarap kaya?Dati kape at buns lang umagahan ko. Hindi kaya sumakit ang tiyan ko rito? Baka mabaguhan ang mga bituka ko pero sige na nga, mukha namang masarap eh! Teka, baka naman panaginip lang ang lahat ng ito! Masyado kasing mabilis ang lahat. Isang bilyonaryo ang kumuha sa akin sa H-Club at agad-agad ay binigyan pa ako ng malaking halaga. Teka, sampalin ko kaya sarili ko baka hindi talaga totoo tapos kakain pa ako! Baka di ako makabalik sa totoong mundo! Masama raw kumain kapag nananaginip eh!' Ali thought. Sinampal niya ang sarili para makumpirmang totoo nga ang lahat. 'Mukhang totoo nga! Bakit andito pa rin ako? Teka, isa pa nga!' Uulitin pa sana ni Ali ang pagsampal sa pisngi niya nang biglang hawakan ni Gio ang kaniyang kamay. "Don't hurt yourself. Why are you doing that?" nagtatakang tanong ni Gio. "Pasensya ka na Van. Kinukumpirma ko lang kung totoo ba talaga ang lahat. Hindi pa rin kasi ako makapaniwala na nakatira na ako sa isang napakalaking mansyon ka-kasama k-ka." Tumawa ng malakas si Gio. "Too good to be true ba? Hindi ba sumagi sa isip mo na baka itinadhana talaga ng kapalaran na pagtagpuin tayo? Malay mo, ikaw pala talaga ang para sa akin." Namula ang mga pisngi ni Ali sa kaniyang narinig. Bakit apektado siya? Nagugustuhan na ba niya ang bilyonaryong estranghero? Agad-agad? Kumunot ng noo niya nang makita niya ang smoothie sa tabi ng Cherry Berry. "Mahilig ba ang mayayaman sa scramble?" tanong niya. Gusto niyang ibahin ang topic. Hindi siya komportable na makipag-usap ng tungkol sa pag-ibig at destiny. Tumaas ang kilay ni Gio. "What's scramble? Ah, you want scramble egg? Wait ipagluto kita." Tatalikod na sana si Gio para tumungo sa kusina nang pigilan siya ni Ali. Mabilis din namang binitawan ni Ali ang kamay ni Gio. Itinuro ni Ali ang smoothie. "Scramble 'yon di ba?" Napakamot sa kaniyang batok si Gio. "Is it another term for smoothie? Ngayon ko lang 'yon nalaman." 'Ismuti? Ay buwang ka Ali! Ang scramble nga pala ay mayroong mga kendi at marshmallow sa ibabaw. Ismuti pala tawag don.' Umiling si Ali. "No. Akala ko kasi scramble 'yan eh, ismuti pala. T-thank you ha. Talagang nag-effort ka pang ipaghanda ako ng umagahan." Hindi mapigilang ngumiti ni Ali dahil sa ipinapakita ni Gio sa kaniya. Napakagat pa siya sa labi dahil unang beses na may gumawa noon sa kaniya. Hindi siya sanay kasi siya palagi ang nag-aasikaso kay Alice at sa sarili niya. "You're welcome. I hope you will like it. Enjoy your meal. I'll just prepare my things tapos punta na tayo ng hospital after you eat and after you fix yourself," tugon ni Gio. Iniwan na niya si Ali para makagayak na siya at para makakain na rin ito ng ayos. Nang mawala na sa paningin ni Ali si Gio ay dali-dali niyang nilantakan ang inihanda nitong umagahan. Bago sa kaniyang panlasa ang mga iyon pero nasarapan siya rito. Ganadong-ganado siya sa pagkain kung kaya't parang hinugasan na ang lalagyan dahil simot na simot lahat. Nabitin pa siya sa smoothie. "Mabait naman pala si Van eh. Hindi naman pala ako lugi sa kaniya. Akala ko mayaman lang siya, ubod din pala ng sweet!" kinikilig na turan ni Ali. Pagkatapos kumain ay dumiretso na siya sa banyo para maligo. "Bakit walang timba at tabo?" Napatingin siya sa bath tub. "Ang laki ng lababo! Pwede na akong matulog dito eh! Teka nasa'n ba ang tabo at timba?" Halos malaglag ang kaniyang panga nang malibot niya ang kabuuan ng banyo. "Grabe! Mas malawak pa ito kaysa sa buong bahay namin ni Alice!" manghang sambit niya. Matapos maligo ni Ali ay agad siyang nagbihis. Nakasuot siya ng isang oversized t-shirt at wide pants ngunit kahit ganoon lamang ang attire niya ay litaw na litaw pa rin ang kaniyang kagandahan. Maingat niyang ginamit ang mga gamit sa loob ng banyo dahil ayaw niyang makapurwisyo. Sa tantsa niya kasi ay mamahalin lahat ng gamit sa loob ng mansyon at hindi niya maa-afford na bayaran ang alinman sa mga iyon. She put some makeup para hindi siya mapagkamalang katulong ni Van. "Sabagay, kahit ano pa ang ilagay kong kolorete sa mukha ko, kahit gaano pa ka expensive ang ibuhos kong perfume sa damit ko, hindi ko pa rin naman mababago ang katotohanang mahirap lang ako. Isa kang bayarang babae, Ali," malungkot niyang turan sa sarili. Nang tingnan niya ang kaniyang repleksyon sa salamin ay nanubig ang kaniyang mga mata. "M-may igaganda pa pala ako," hindi makapaniwalang sabi niya. Pangarap niyang yumaman pero hindi sa paraang ginagawa niya ngayon. Nilunok niya ang kaniyang pride at prinsipyo para sa kaligtasan ng pinakamamahal niyang kapatid. "Wala na akong magagawa. Nandito na ako kaya lulubusin ko na lang. Sana kapag nalaman ni Alice ang tungkol dito, mapatawad niya ako," naluluhang sabi niya. Natigilan siya sa pagdadrama nang marinig niyang tinatawag na siya ni Gio. "Ali tapos ka na bang mag-ayos? Tara na? May meeting pa ako mamayang 10 A.M." turan ni Gio habang kumakatok sa pinto ng kwarto ni Ali. Dali-daling lumabas ng banyo si Ali. Kukunin na lang sana niya ang kaniyang bag at lalabas na ngunit isang litrato ang kumuha ng kaniyang atensyon. Biglang nagkaroon ng isang malaking tanong sa isip ni Ali. 'S-sino siya? B-bakit .. bakit kamukhang-kamukha ko siya?'
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD