"Ali, are you okay?" tanong ni Gio habang nagmamaneho. Hindi ito mapakali dahil pansin niya ang pagkabalisa ng kaniyang katabi.
"O-okay lang ako. Hey! Eyes on the road baka mabangga tayo!" tarantang sambit ni Ali nang makita niyang panay ang sulyap sa kaniya ni Gio.
"May bumabagabag ba sa'yo?" Gio asked her while his eyes were on the road. Hindi niya gugustuhing dagdagan pa ang pag-aalala ni Ali kaya agad niyang sinunod ang payo nito.
Umiling si Ali bilang tugon.
"Van, pwede bang buksan mo 'tong bintana? I need some fresh air," Ali requested.
"Sure. Gusto mo rin bang alisin ko ang bubong nitong kotse?"
"Huwag na Van at baka biglang makaulan," pakli ni Ali.
Nang mabuksan ang bintana ng sasakyan ay mabilis na ibinaling ni Ali ang kaniyang tingin sa daan. She enjoyed the scenery while they're on their way to the hospital but she couldn't ignore that photo. Bukod sa nag-aalala siya sa kaniyang kapatid, binabagabag din siya ng litratong nakita niya kanina.
Makalipas ang mahigit isang oras na pagmamaneho ay nakarating din sila sa wakas sa hospital kung saan naka-confine si Alice. Kilalang-kilala rito si Gio dahil former stockholder dito ang kaniyang yumaong ama.
"Good morning Sir Gio. Have you eaten?" malanding bati ng isang nurse. Kumunot ang noo nito nang makita si Ali. "Is that your new toy?" Pinasadahan niya ng tingin si Ali mula ulo hanggang paa. Tumawa ng pagak ang nurse. Ang kaniyang pagtitig kay Ali ay talaga namang nakakainsulto.
Hindi umimik si Ali pero sa isip niya ay sinasabunutan na niya ang nurse na kaharap nila ngayon. Hindi naman ito kagandahan, agaw-pansin lang ang hourglass shape body nito.
"Elaine, akala ko nagresign ka na? Oh by the way, this is .. " Tumingin si Gio kay Ali na ngayon ay nakatingala habang nakatitig sa kaniya. Kumunot ang noo niya. He can't tell anyone about her real name. "This is Aki, short for Akira." Mabilis niyang hinawakan ang kamay ni Ali at pinisil ito.
"Van, what are you tal–"
Namilog ang mga mata ni Ali nang biglang yumuko si Gio para halikan siya. Umikot ang mga mata ni Elaine at dali-daling umalis. Masakit sa kaniyang mata na makitang may kahalikang iba ang lalaking gustong-gusto niya.
"Uhm .. Err .. Ahm .. " Hindi maintindihang sabi ni Ali. Kapwa sila hinihingal matapos ang halik na iyon.
"I forgot to tell you. Rule number one, walang dapat makaalam ng tunay mong pangalan. If we're not at home, you're Akira. Maliwanag ba?" ani Gio.
"Bakit? Bakit kailangan kong baguhin ang pangalan ko? Hindi ako papayag, Van. Call me by my name. My parents gave me that so please call me Ali," mariing tutol ni Ali.
"Rule number two, you should follow my orders. No more questions. Just follow me. Hindi ko basta-basta pinupulot ang perang ibinayad at ibabayad ko pa sa'yo. I worked my ass to get it. Rich people work hard too. Besides, I already bought you so be obedient, okay?" Gio said with a fierce look.
Hinawakan ni Gio ang kamay ni Ali. Nakita niyang nangingilid ang luha nito pero hindi na niya iyon pinansin.
"Let's go. I have an important meeting later. Ihahatid muna kita sa bahay bago ako pumunta sa meeting place namin."
Nagsalubong ang mga kilay ni Ali. Balak ba siyang buruhin ni Gio sa malaki nitong mansyon?
"Gio, I mean Van, pwede bang dito muna ako sa hospital? Gusto kong bantayan si Alice. Sunduin mo na lang ako kapag tapos na ang meeting mo," hiling niya pero umiling si Gio.
"I hired a private nurse to take care of your sister and I also found the best doctor for her. I'm not gonna repeat this again. FOLLOW MY ORDERS."
Padabog na bumitaw sa pagkakahawak ni Gio si Ali. She went inside her sister's room. She cried her heart out.
"Alam mo Alice, sobrang strikto pala ni Gio. Siya nga pala 'yong lalaking tumulong sa akin para mailigtas ka. Mabait naman siya at sweet pero minsan, nakakatakot din pala siya. Don't worry about me ha. Magpagaling ka agad. Mag-iipon si ate at kapag sapat na ang naipon ko, aalis na ako sa puder ni Giovanni Fuentes. Bilisan mo ang paggising ha! Marami na akong chika sa'yo. Mahal na mahal ka ni ate."
Sunod-sunod ang pagpatak ng luha sa mga mata ni Ali. She missed her younger sister so much. She's her bestfriend. She's her everything.
Napalingon si Ali sa may pintuan nang marinig niyang bumukas ang pinto. Napaawang ang kaniyang bibig nang makita niya ang nurse na si Elaine. Bumuntong hininga siya nang inirapan siya nito.
"I'll go check her vitals. Excuse me." Sinadya niyang sagiin si Ali dahilan para mapasubsob ang mukha nito sa kamay ni Alice.
Ikinuyom ni Ali ang kaniyang mga kamao. Nanggigigil na siya sa babaeng iyon. Nagpakawala ulit siya ng isang malalim na hininga bago siya umalis sa pagkaka-upo. Nang tumayo siya, napahawak siya sa kaniyang kaliwang braso dahil natusok ito ng syringe na hawak ni Elaine. Pumikit muna si Ali bago niya hinila ang mahaba at blonde na buhok ng nurse.
"Aray! Nasasaktan ako! Bitawan mo ako! Baliw ka ba? Bakit bigla-bigla ka na lang nananabunot ha?" inis na saad ni Elaine habang pilit inaagaw ang mga hibla ng buhok niya sa kamay ni Ali.
"Gusto ko lang ipaalam sa'yo na hindi ako basta-bastang babae. Ikaw nga 'tong baliw eh, nananakit ka ng taong hindi ka naman inaano pero don't worry DAHIL MAS BALIW AKO SA'YO."
"Hindi ko alam kung saang basurahan ka napulot ni Gio. Walang modo!" sigaw ni Elaine. Lalo siyang dumaing nang hinila ni Ali pababa ang kaniyang buhok.
"Edukado kang tao pero 'yong ugali mo, ugali ng toddler na nagtatantrums. Walang modo? I just want to remind you that I treat people based on how they treat me. Unfortunately, you're a b*tch so yeah, I'm also a b*tch!"
Kinaladkad ni Ali si Elaine palabas ng room ni Alice. Wala siyang pakialam sa sasabihin ng iba. Nang makita ni Gio na hila-hila niya ang buhok ng nurse ay dali-dali itong tumakbo para awatin si Ali.
"Aki! What's going on here? Stop it!" utos ni Gio.
Mabilis na binitawan ni Ali ang buhok ni Elaine dahilan para mapahiga ito sa sahig. Ngumisi siya nang makita niyang umiiyak ang malanding nurse.
"Gio, dump that woman! She's insane!" Elaine uttered. Her eyes widened as she took a glance on Ali's face. Napaatras siya nang naglakad si Ali palapit sa direksyon niya.
"Aki! Your arm! It's bleeding!" sigaw ni Gio. Mabilis siyang tumakbo palapit sa kinatatayuan ni Ali. Kinuha niya ang kaniyang panyo sa bulsa niya at itinali iyon sa dumudugong braso ni Ali. Nawala na sa isip niya ang umiiyak na si Elaine.
"Fired her," Ali said while pointing Elaine.
Nanlaki ang mga mata ni Elaine.
"I can't do th –"
"Van, siya ang dahilan kung bakit dumudugo ang braso ko! Sinadya niyang tusukin 'to ng malaking syringe! That's the reason why I grabbed her hair! Sumosobra na ang babaeng 'yan kaya hindi na ako nakapagtimpi!"
Ali smirked when Gio walked towards the nurse.
Gio said something before he get his phone. Tumawag siya sa HR ng hospital para ipatanggal si Elaine. Maimpluwensyang tao si Gio. Kaya niyang gawin kung anuman ang nais niya. Sa isang iglap ay nawalan ng trabaho si Elaine. Nagrequest na rin si Gio para sa bagong private nurse ni Alice.
"Let's go, Aki. Ihahatid na kita. I'll be late if we're going to stay here pa."
Gio put his arm on Ali's waist. Nilingon ni Ali si Elaine. She rolled her eyes at hindi pa siya nakuntento, isinaludo pa niya ang kaniyang gitnang daliri sa nurse. Walang nagawa si Elaine kung hindi sumigaw sa sobrang inis at pagkadismaya.
"I will not allow anyone to hurt you," mahinang sambit ni Gio habang naglalakad sila papunta sa elevator.
Namula ang mga pisngi ni Ali lalo na nang maalala niya ang sinabi ni Gio kay Elaine kanina.
"Sa susunod na saktan mo ang babaeng mahal ko, hindi ka lang mawawalan ng trabaho .. ipapakulong pa kita." Gio warned Elaine as he grabbed her arms tightly.