bc

Turn Back time

book_age16+
1
FOLLOW
1K
READ
billionaire
possessive
arrogant
drama
bxg
serious
campus
office/work place
childhood crush
friendship
like
intro-logo
Blurb

"Choose, You leave this town or I'll fire your aunt?"

Tanong ni Cliffton sa walang emosyon na tono.

Ang lalaking minamahal niya mula pagkabata, he used to protect her from the people trying to hurt her, but not anymore.

"Bakit mo ginagawa sakin to?" She asked, hurt undeniable in her voice.

I want you to leave this town, out of here. If I can not have you, no one can. And I don't want to see you ever again" - Cliffton

Those are the last painful words before I leave the family that used to love. Ang family na itinuring akong parang anak, pinag aral at kinupkop.

A wealthy family that my aunt works as a maid.

Because of Cliffton, I have to leave everything and live my own life alone in a new place with new people. The love that I have for Cliffton turns to hate.

Pero nang kailanganin na sya ng tita nya kailangan niyang bumalik sa buhay ng mga Santillan, sa buhay ni Cliffton.

chap-preview
Free preview
Prologue
Elsa "Ate sige na, alagaan mo muna si candice. Di ko na sya kayang buhayin, wala akong trabaho at iniwan kami ng ama nya. Hindi ko na nga alam kung san pa ako kukuha ng pagkain namin. Please lang ate elsa maawa ka sa pamangkin mo". Napatingin sya sa pamangkin nya na walang sawang patakbo takbo sa bahay ng amo nya. Sa edad na tatlong taon malikot at maingay pa si candice. Baka di magustuhan ng mga amo nya ang ganun kaingay, at namamasukan lang syang katulong parehas lang sila ng kapatid nya na wala din. At kuhanin pa dito ang anak nito para alagaan. Baka magalit mga amo nya, kahit na mababait ang mga ito. "Angie hindi sya pwede dito, una wala akong bahay na mapag iiwanan sa kanya, at kung may bahay man ako, sa tingin mo maiiwanan ko sya dun?. Angie namamasukan lang akong katulong at nagpapasalamat ako dahil mababait mga amo ko. Pero ayaw kong maging abusado. Subukan mong kausapin ang ama nya baka alagaan pa sya." Naluluhang tumingin sa kanya ang bunsong kapatid nya, silang dalawa nalang ng kapatid nya at matagal ng patay ang mga magulang nila, namasukan syang katulong para masuportahan ito noon. Para kahit ito man ay makatapos sa pag aaral para ma iahon sila sa kahirapan, pero 3rd year high school palang ito nabuntis na. At ang anak nga nito na si candice. Napatingin sya sa anak nito. Na masayang nakiki pag laro sa imported na aso ng amo nya na si havoc. Napangiti sya ng konti, kahit payat na payat ang pamangkin nya makikita sa mukha nito na napaka ganda nito, di na ako mag tataka, dahil ang sabi ng kapatid nya fil-am ang ama ni candice, hindi na 100% na fil-am baka 50% nalang. Kasi ang tatay daw ng ama ni candice ay ang half american. At sa tingin nya lalong gaganda ang bata na ito paglaki nya di pa masyadong halata dahil 3 years old palang ito. "Ate di sya kukunin ni arold dahil wala na sya. Nakakulong sya, nahulihan sya ng pinag babawal na gamot na ibinebenta nya. No bail ate, habang buhay na syang makukulong." Nabigla sya sa sinabi nito, sa pagkaka alam nya iniwan ng ama ni candice ang kapatid nya. " jusko naman angie! Nag asawa ka na nga sa drug addict pa!. Sigurado ako, kung di nakulong iyon di mo yun iiwanan! Naku po angie! San ba ako nag kulang sayo?, pano kung di yun nahuli? Pano ka? Pano ang anak mo at magiging anak mo pa sa lalaking iyon? Ano papakain nya sa inyo drugs?" Galit na galit sya ngayon sa kapatid nya, di nya lubos maisip na magiging ganito ang buhay nito. San ba sya nag kulang dito? Ginawa naman nya ang lahat para dito. May kulang pa ba? Mahal na mahal nya ang kapatid nya dahil sa silang dalawa nalang. Pero bat nagawa syang pag lihiman nito?. "A-ate sorry, natatakot akong sabihin sayo na ang nakabuntis sakin ay nagtutulak ang gumagamit ng pinag babawal na gamot. Ayokong itakwil mo ako, kaya di ko sinabi sayo. Sorry ate pa-patawarin mo ako". Umiiyak na ito ngayon. Pero nagagalit sya dito dahil. Niloko sya nito. Tinanong nya ito kung matino ba ang boyfriend nito bago ito mabuntis, oo daw, kesyo mabait daw, may magandang trabaho at kung ano ano pang kasinungalingan. Kung di ito nag sinungaling sa kanya sana may nagawa pa sya. At ngayon wala na syang magagawa. At kahit naawa sya sa kapatid nya sa sinapit nito. Ayaw na nya ito tulungan pa. "Umalis ka na angie bago dumating ang amo ko, at wag ka na munang mag papakita sakin. Ayoko sa lahat ay ang manloloko at sinungaling. At alam mo yan." Tatalikod na sana sya ng kumapit ito sa kamay nya at lumuhod humahagulgul. "A-ateee.. Ka-kahit si candice lang... Di pa yan kumakain.. Dahil wala na akong pera na pambili ng pagkain namin. Nag biscuit lang sya. Natanggal ako sa trabaho kahapon at wala akong ipon da-dahil pinapadalhan ko ang ama nya. Ateeee please kahit sya lang ang tulungan mo...nag mamakaawa ako sayo." Gulantang na nakatitig lang sya sa kapatid nya. Pano nito nagagawa ang gantong bagay ang mag paka tanga sa isang tao na walang pangarap sa buhay?, napatingin sya sa pamangkin nya at naawa sya dito, naramdaman ata nito na naka titig sya dito kaya patakbo takbong lumalapit ito sa kanila. "Umalis ka na angie!" "Pe-pero ate-" Tumalikod na sya dito pero bago pa man sya maka pasok sa loob ng bahay ng amo nya sinulyapan nya ito. Naka luhod pa din ito, at umiiyak habang yakap yakap ang anak nito ng mahigpit na nag tatanong kung bakit umiiyak ang ina nito. Nangilid ang luha nya. "Umalis ka na angie, At......... Iwanan mo ang anak mo."

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

The Ballerina's Downfall

read
81.6K
bc

Brotherhood Billionaire Series 6: Honey and the Beast

read
96.3K
bc

MAGDALENA (SPG)

read
30.5K
bc

His Obsession

read
104.4K
bc

The Reborn Woman's Revenge: WET & WILD NIGHTS WITH MY NEW HUSBAND

read
176.7K
bc

The naive Secretary

read
69.8K
bc

TEMPTED CRUISE XI: A NIGHT OF LUST

read
29.2K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook