Kanina ka pa walang imik? Hindi ako sanay,"sita ni Dra.Amore sa kanya. Bahagya siya natawa sa sinabi nito bumaling siya rito mula sa pagtanaw niya sa madilim na kagubatan . " Ayaw mo ba na minsan tumikom naman ang bibig ko?"aniya. Ngumisi ito. "Well,maganda sa tainga ang boses mo kaya hindi nakakarinde pakinggan kahit maghapon ka magsalita," tugon nito. She chuckled. Sumama siya sa medical mission nito sa isang kabundukan. Ilang araw na sila doon at bukas pa ng umaga sila bababa ng bundok pabalik ng maynila. "Alam mo kayong magpipinsan iisa lang ang itsura niyo kapag lovelife ang usapin eh noh," anito na kinalingon niya rito. Nginisihan siya nito. "Alam ko na natagpuan mo na ang mate mo.."nakangisi nitong turan. She sighed. "Nakalimutan ko malapit na kaibigan ka pala ni Mama at ha

