Marahan ang pagsimsim niya sa alak na nasa baso niya habang nasa terrace siya ng kwarto niya. Nakatanaw sa mga bituin at paulit-ulit na inaalala ang mga araw na kasama niya si Sana'a. Namimiss na niya ang mga ngiti nito..ang pagngisi nito at ang pagiging prangka nito. Namimiss na rin niya titigan ang mukhang anghel nitong mukha. Marahas siya bumuga ng hangin. Bigo siya makita si Sana'a kanina ng puntahan niya ito sa bahay ng mga ito. Ang magulang nito ang nakaharap niya at sinabi na sumama sa isang kaibigan ang dalaga na umakyat sa bundok para sa isang medical mission. May tensyon na namumuo sa pagitan nila habang magkaharap pero nanatili maganda ang pakikitungo sa kanya ng mga ito. Marahil ayaw lamang ng mga ito pag-usapan kung anong meron sa kanila ng dalaga. Sinaid niya ang laman

