Masakit ang ulo niya ng gumising siya kinabukasan. Kahit ganun ang resulta sa tuwing iinom siya gabi-gabi. Marahas siyang bumuga ng hangin. Agad na tinungo niya ang kusina nila. Bigla kumalam ang sikmura niya ng maamoy niya ang niluluto ng mama niya habang pababa siya ng hagdanan nila. "Goodmorning,Ma.." malat ang boses na bati niya sa ina. "Malat ka na naman dahil sa pag-inom mo ng alak kagabi," pasermon nitong sita sa kanya. "Isang baso lang po yun,Ma.."depensa niya. Madali siya mabubuking ng Mama niya kapag nakainom siya ng alak. Minamalat siya kapag nakainom siya ng alak. Alam din nito kung ano nagyayari sa kanya nitong nakalipas na mga araw hindi lamang ito kumikibo sa kanya. Nakuha ng mga pagkain na nasa harapan niya ang atensyon niya. Parang galing sa isang probinsiya ang mg

