Umaasa siya na pupuntahan siya ni Jeffrey kapag naibigay na ni Tita Melissa ang panyo rito. Umaasa din siya na sana ay natatandaan pa nito ang panyo at kung paano iyun napunta sa kanya. Paano kung nakalimutan na niya yun? Marahas siya napabuga ng hangin. Nasa harapan siya ng bahay nila nakaupo doon at naghihintay kung dadating man ito. Nabasa niya ang pinadala mensahe ng binata sa kanya kagabi. Walang mapaglagyan ang kasiyahan niya ng mabasa ang huling mga salita na sinabi nito sa text messages. I miss you so much. Sa tingin niya maganda ng panimula ang panyo para ipakilala niya ang sarili rito. Sana nga lang may halaga rito ang unang pagkikita nila nito twenty years ago. "Dinalhan kita ng Rose Tea,ayaw mo ba talaga kumain muna?" pukaw ng ina sa kanya. Nginitian niya ang ina. "Tha

