Unti-unti ng nawawala ang takot at kaba niya para sa kanyang ina habang hawak-hawak niya ang kamay ng ina na wala pa rin malay. Ang sabi ni Sana'a ,low blood daw ang ina niya kaya ito nawalan ng malay. Hinalikan niya ang kamay ng ina. Malaki ang pasasalamat niya na hindi ganun kalala ang nanyari sa ina at wala na siya dapat na ipag-alala pa. Bumukas ang pintuan at sumungaw roon ang isang anghel na si Sana'a. Agad na sumilay ang isang pagod ngiti sa mga labi niya. Naalala niya ang ginawa niyang pagyakap rito kanina. Matamis siya nitong nginitian. "Masermunan nga si Tita pagkagising niya..sabi ko sa kanya alagaan niya ang kalusugan niya para kapag namasyal kami makakasabay siya sakin,"sabi nito ng makalapit sa gilid ng kama na kinahihigaan ng ina at kung saan siya nakaupo patagilid roo

